Anria's POV.
"Kirsten!"
"Kirsten!"
"Kirsten!"
Shengeneng yan! Kanina pa ako nangangatok sa condo unit ni Kirsten pero hindi pa siya lumalabas, sabi niya sabay daw kaming pumasok ngayon pero ni hindi manlang ako pagbuksan nang pinto.
"Kirsten Dianne!" Sigaw ko ulit habang kumakatok, baka ano nang nangyari sa babaeng yon. "Hoy Kirs, buksan mo na 'tong pinto kanina pa ako dito." As ussual hindi parin niya ako pinagbubuksan, sinubukan ko siyang tawagan, narinig ko yung ringtone niya sa loob pero pinatay lang niya yon. "Aalis na nga ako." Banta ko sa kanya pero wa-epek.
Alam ko na gagawin ko. "Kirs?" Tawag ko ulit sa kanya. "Kirsten." Katok ko ulit. Naiinis na ako ha, "KIRSTEN ALCANTARA!" Sigaw ko, kaya biglang bumukas yung pinto, sabi ko na nga ba eh. Yun lang ang keyword para makalabas siya.
"Anyare Kirs? Magsuklay ka nga nang maayos." Nakapamewang na sabi ko sa kanya. Pero hindi lang siya umimik, nakatayo lang siya sa may pinto. Natatakpan nang buhok niya yung mukha niya. "Hoy!" Di parin siya umiimik. "Kirsten?" Hinawakan ko ang balikat niya. "Anong problema mo?"
Hindi parin siya sumasagot. Kinuha na niya ang bag niya tska sinara ang pinto. "Halika na." Walang ganang aya niya sa akin. Naglakad na siya papuntang elevator pero nakatayo parin ako sa harap nang pintuan niya. "Halika na Ria."
"Ayaw ko." Mataray kong sagot. "Ayusin mo muna sarili mo, nakakahiya kang kasama. Yung buhok mo nasa mukha mo na."
"Wag mo nga akong pakialaman, halika na."
Wala akong nagawa kundi sumunod nalang, nasa loob na kaming dalawa ni Kirs nang elevator. Bumaba na sa 3rd floor yung kasama namin kaya kaming dalawa nalang ang naiwan. Humanap ako nang timing para hawiin ang buhok niya, ano kayang tinatago nitong babaeng to, baka maraming pimples. Humarap ako sa kanya, "Kirs?"
"Ano?" Sagot niya.
Walang ano-anoy hinawi ko ang buhok niya.
"Ano ba naman Ria eh." Iritadong sabi niya. Kaya tumawa nalang ako. Nakita kong tinakpan nanaman niya yung mukha niya.
"Bakit namumugto yang mata mo? Halatang puyat ka pa. Ano bang pinag-gagawa mo?"
"Hayaan mo na nga lang ako." Pinabayaan ko nalang siya at pumunta na kami sa parking lot, habang ako tawa patin nang tawa. Hinagis niya sa akin yung susi, hindi ko nasalo kaya nahulog.
"Hala ka Kirs! Nahulog yung susi, yan tuloy nasaktan. Sa susunod wag mong ihahagis ang isang bagay kapag alam mo namang walang sasalo. Masasaktan lang siya.
Tinignan niya ako nang masama. "Talaga lang? Alam ko masakit mahulog. Pero mas masakit yung iwan dahil may iba na siyang mahal." May pinaghuhugutan niyang sabi, kaya nagkatitigan kami.
"Pinagsasabi mo diyan?"
Nakita kong unti unting bumabasa ang mata niya. "Nevermind. Pulutin mo na yang susi, ikaw ang mag-drive." Utos niya.
"Ako?"
"Hindi! Yung langgam. Yung langgam yung magda-drive." Sarkastikong pagsabi niya. Nakita kong tumulo ang luha niya pero pinunasan niya agad yun. Kunwari hindi ko nalang nakita. Enjoyin ko nalang yung pagda-drive tutal minsan lang ako makahawak nang manibela.
"Ba't ka nga pala dito sa condo mo nagi-stay ngayon?" Tanong ko habang nagmamaneho, pero hindi siya umiimik. "Hoy. Di ka pa daw umuuwi sa bahay niyo. Anong problema?" Tanong ko ulit pero nakadungaw lang siya sa bintana. Lutang ata utak nitong babaeng to. "KIRSTEN!" Sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Beloved Man
Teen FictionFall in Iove, To the wrong Man At the wrong PLACE In the wrong SITUATION With unexpected ENDING.