Prologue

113 4 9
                                    

Anria Vielle's POV.

Kring! Kring! Kring!!

Tumunog na ang bell, ibig sabihin recess time na. Pagka-dissmiss ng class, nanatili muna ako sa room dahil inaayos ko pa ang gamit ko.

"Ria!" Tawag sakin ng kaibigan ko, pero di ko lang siya pinansin, "Ria! Bilisan mo na kaya!" Tawag ulit niya sa akin.

"Oo na Kirs, Kita mo naman na inaayos ko pa yung gamit ko eh!" Sagot ko sakanya.

"Ang bagal mo talaga kumilos. Pag sila nagalit nanaman sa'tin dahil sa kabagalan, ikaw ang sisisihin ko" Inis na niyang sabi.

"Oh talaga?? OA mo naman, Kaka-bell nga lang. Psh" pagtataray ko sa kanya, Minsan wala talagang common sense itong si Kirsten eh.

"Basta bilisan mo lang" Mahinahon na siyang nagsalita ngayon! Hahaha napahiya siguro.

"Ria, Kirs. Tara na" Aya sa amin ni ate Jen, na kasalukuyang nakatayo sa harap ng aming whiteboard, kasama sila Era at Yazi.

Papalabas na kami ng room ng biglang nagtanong si Era. "Nasaan si Zel?"

"Nauna na daw sa canteen" sagot ni ate Jen. Kaya sabay sabay na kaming naglakad papuntang canteen.

--------

Nang nasa canteen na kami. Hinanap na kaagad namin si Zel. Pero dahil marami ang mga estudyante dito. Di pa namin siya nakikita! Kaya naghanap pa kami. Tska di rin kami makakuha ng bakenteng upuan, occupied na kasi halos lahat.

Lumingon lingon din ako. At sa di inaasahan, Nakita ko si Zel, nakaupo siya sa may dulong part ng canteen na six seater table. Pero may kasama siya! Isang lalaki! At kilala ko yung lalaki na kasama niya. Si Terrence...yun yung boyfriend niya. Kaya pagkakita ko sinabi ko na din sa mga kaibigan ko kung nasaan si Zel. At ako naman ay dali-daling pumunta sa kinaroroonan nila, nauna talaga ako.

Binagsak ko agad ang bag ko sa lamesa ng inuupuan nila, kaya agad naman silang napatingin sa akin, at sabay tinignan ko nang masama si Zel.

"What's with that look, Ria?" Tanong niya saakin. Aba nakangiti pa ang bruha, kainis talaga.

Kaya napa-smirk nalang ako sa kanya, "Zel nakalimutan mo na ba yung sinabi ko sainyo dati?" Pahayag ko sa kanya.

Dahil sa sinabi ko napatingin siya sakin ng masama! Feel ko naiinis na 'to sa akin, mainisin kasi to, kahit sa maliliit na bagay. "Ano bang ibig mong sabihin Ria?"

"Di mo ba naaalala yung sinabi ko sa inyo noon?" Tanong ko dito kaya lalong lumalim ang masamang tingin nito sakin. "Yung paulit ulit kong sinasabi sa inyo" Dagdag ko pa.

"Ano ba kasing ibig mong sabihin Ria? Nakakainis na ha!" See? Beastmode na si Zel. "Please tell me your point!! Di yung andami mo pang bratatat!"

Nakakatuwa talaga ang itsura ni Zel kapag galit. Umupo ako sa tabi niya at lumapit ako sa tenga niya. "Diba sabi ko sainyo..." Bulong ko "Walang Forever!" bigla kong sigaw sa kanya.

Pagkasabi ko nun! Biglang lumapit sa akin si Era, "Ria, wag masyadong beastmode" Pahayag nito sa akin sabay tawa. At namalayan ko nalang na kanina pa pala sila nandito sa likod ko.

"Hey Ria!" Tawag sakin ni Terrence, na kasalukuyang nasa likod na ni Zel. "Don't you ever do it again to my girl!" Ma-otoridad niyang sabi sakin.

"Oh talaga lang! Takot ako!" Sarkastiko kong sagot sa kanya.

Kaya tumawa silang lahat, pati narin si Zel na nakahawak parin sa tenga ay tumawa. "Bakit ka tumatawa diyan Zel?" Tanong niya. "Sinigawan ka nga niya oh!" Dagdag pa niya, habang nakaturo ang kamay sa akin, pero tawa lang kami ng tawa.

Beloved ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon