Anria's POV.
Matiwasay na naman na natapos ang lahat nang klase namin and now, oras na para umuwi, kaya lang di pa kami pwede umalis dahil may consequence pa kaming gagawin kay Mrs. Velvez.
"Tara na. Bilisan niyo, gusto ko nang umuwi" pagmamaktol ni Kirs.
"Matuto ka ngang maghintay, kita mo nang inaayos ko pa itong gamit ko eh." Sagot sa kanya ni Era.
As ussual, natahimik naman tong si Kirs, ganyan naman yan eh, laging magmamaktol, nagiinarte tapos babarahin namin. Nakakaawa din siya minsan.
"Ok I'm done. Common." Sabi ni Era, nang matapos niyang ayusin ang gamit niya. Kaya tumayo na kaming lahat.
"Matuto ka ngang maghintay, kita mong may ginagawa pa ako eh." Pang-gagaya ni Kirs sa sinabi ni Era.
"Luh siya! Pwede mo namang itali yang buhok mo habang naglalakad eh." Sita sa kanya ni Franzel.
"Eh sa gusto kong magtali nang buhok habang nakaupo eh. Bakit may angal kayo?" Pagtataray niya.
"Wala kaming angal pero pwede kaming umalis, ngayon din. Tara na nga." Sabi ni Yazi. Naglakad na kami papunta sa corridor. Pero di parin sumusunod sa amin si Kirs. Tss, anong akala niya, babalikan namin siya?
Medyo nakalayo na kami sa pinaggalingan namin nung lumabas si Kirs. "Hoy! Kayong mga kengkoy, hintayin niyo akoooo!!" Nung narinig namin yung boses niya, dali dali kaming nagsitakbuhan. Kanya kanya kaming hagaripas nang takbo, halos magkandahulog na kami sa hagdan. Hahaha, ang lalakas talaga nang trip namin. "Hintay sabi eh!!" Di namin siya sinunod, tumakbo parin kami, pagdating naming lima sa baba, nagtago kami sa ilalim nang hagdan at nagsitahimikan.
Kahit hingal na hingal kami, pilit naming di gumawa nang ingay, kaya lang ang bagal niya makababa.
May naririnig kaming mga yapak pababa nang hagdan, tingin namin si Kirs na yun. Pero may kakaiba, umiiyak yung bumababa. Nagkatinginan kaming lahat. "Yazi please. Wag na, dito nalang tayo." Saway ko kay Yazi. Pano ba naman kasi sisilipin niya kung sini yung umiiyak, baka mamaya multo pala yun, baka bigla nalang siyang habulin. Naku, malawak talaga ang imagination ko.
"Oa mo talaga Anria, di sa lahat nang bagay magiging duwag ka, kailangan mo ring harapin yang takot mong yan." Hinayaan ko nalang siya na pumunta doon. "Anak ka nang nanay mo! Akala namin multo ikaw lang pala." Biglang sabi ni Yazi, habang nakapamewang at nakatingin sa hagdan. "Ba't ka umiiyak diyan?" Luh sino kausap nito.
Agad din akong tumingin sa hagdan. Dahil di naman mukhang multo ang kinakausap niya dun. "Uyy Kirs, Anyare?" Tanong ko. Nagsilabasan naman yung iba sa ilalim nang hagdan.
"Akala namin kung sinong multo, ikaw lang pala!" Pagtataray ni Franzel.
Lumapit ako kay Kirs at tumabi sa kanya. Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya at pinunasan ang luhang dunaloy mula sa mata niya. "Hoy! Tumigil ka na nga, arte mo."
"Iniwan niya na ako, Anria." Umiiyak niyang sambit.
"Huh?" Gulat na tanong naming lahat, iniwan na daw siya, nino naman?
"Wala! A-ano, mali. O-oo mali. Mali yung narinig niyo. Sabi ko iniwan niyo ako, hehehe. Ba't niyo kasi ako iniwan, natakot tuloy ako." Pag-e-explain niya. Pero feel ko may kakaiba sa iyak niyang yon.
"Ah, kasi ang arte mo." Sabay batok sa kanya ni ate Jen. "Tara na nga!"
Sabay sabay na kaming pumunta sa kabilang building. At pumasok kami sa room ni Mrs. Velvez.
"Hi mam!" Masigla kong bati kay mam Velvez, kaya napatingin naman silang lahat sa akin. "Bakit may problema ba?"
"Wala naman Ria. Mamaya lang magtatanong kami sayo. Ok?" Bulong sa akin ni Era sabay kindat. Tumango nalang ako.
BINABASA MO ANG
Beloved Man
أدب المراهقينFall in Iove, To the wrong Man At the wrong PLACE In the wrong SITUATION With unexpected ENDING.
