Part 2

121 5 3
                                    

Hi readers,, first thank you sa mga nagfollow, sa mga nagbabasa at nagvote :))

Here's the part 2 of Kung Sakin ang Mundo Enjoy :)

Chapter 2:

Setting: Bedroom ni Micah

Unknown POV:

                Parang isang magandang panaginip ang mga naganap kahapon. Nasa bar akong mag isa, umiinom para makalimutan ang taong nagpagulo sa aking isip. Ang naging inspirasyon ko kahit alam kong hindi pwede. Pero nagbago ang lahat ng iyon ng mapansin kong may iba nang namamgitan sa kanilang dalawa ni Joshua.

                Hindi ko na matandaan kung kelan nagsimulang umusbong ang nararamdaman ko para kay Micah. Pinilit kong itago, ilihim, ialis sa isip ko. Pero hindi maloloko ang puso. Parang panaginip, katabi ko sya ngayon, pinagmamasdan ang mala anghel nyang mukha. parang musika ang bawat paghinga nya.

“ang tagal kong hiniling sa dyos ang pagkakataong ito” ang naibulong ko sa aking sarili habang hinahaplos ang kanyang mukha.

                Kagabi habang hinahalikan ko ang mapupula nyang labi ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Hindi pa siguro nakatakdang may mangyari lalo’t alam kong hindi pa nya nakakalimutan si Joshua.

Micah’s POV

                Nagising ako sa silaw ng liwanag mula sa bintana ang aking Condo. Medyo masakit ang ulo ko dala ng hang over dahil sa inuman kagabi.

“Inuman? Diba may kasama akong umuwi kahapon pero bakit wala na siya sa tabi ko?” tanong ko sa sarili ko

                Agad akong tumayo at pumunta sa salas para tignan kung andun pa yung lalaking tinulungan ko kagabi.

“nasan na yun?” naging tanong ko dahil wala sya sa salas, kusina o kahit saan man sa labas ng kwarto ko.

                Pabalik na ako ng kwarto ng narinig  kong bumukas ang pinto ng aking CR. Lumabas ang isang lalaking nakatapis ng towel at basang basa ng katawan at buhok. Ang puti ng balat at nakangiti sa akin.

“good morning” pambungad na bati sa akin ng lalaki.

“…hmm.. ahhh… ehhh… good  morning” pautal kong sagot sa kanya

                Sigurado akong namula ang aking mukha kaya agad aking tumalikod.

“magluluto lang ako ng breakfast, may spare boxers at shirt ako jan sa cabinet, kuha ka nalang.

“teka Micah!..” tawag niya sa akin.

“mamaya nalang, mag luluto muna ako ng breakfast”

                Agad akong lumabas ng kwarto dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. Habang nagluluto ako ng sunny side up egg at nag init ng kape bumalik sa aking isipan ang nakita ko kanina.

“Ang ganda ng katawan nya, pantay ang kulay ng balat. Pero sino kaya sya?” malalim kong tanong sa aking isipan

“breakfast is ready, kain na tayo!” tawag ko sa kanya habang inaayos ang lamesa

                Lumabas sya sa kwarto pero nakatapis paring ng puti kong towel.

“mukhang masarap yan ha?”sabi niya

                Napatitig na naman ako sa katawan nya kaya agad akong pumasok sa kwarto ko diretso sa CR at nagkulong sandali. Dahil sa pagmamadali ko nadala ko pala yung plato at tasa na nasa kamay ko pa. Huminga ako ng malalim at lumabas papuntang kusina.

                Nakita ko syang nakaupo lang at hindi pa ginagalaw ang pagkain.

“ayaw mo ba  ng eggs?” tanong ko sa kanya

                Yumuko sya at

“sorry..” ang sabi nya

“sorry? Para saan?” tanong ko sa kanya.

“sa nangyari kagabi, sa mga sinabi ko” nakayuko parin sya.

“lasing ka lang kagabi kaya di mo alam kung anong ginagawa mo, okay lang yun” sagot ko naman para maging okay na sya

“hindi ako lasing kagabi, at yung mga sinabi ko sayo, lahat yun totoo” balik na sagot ng lalaki sa akin.

                Naging tahimik, mga tatlong minutong walang umiimik sa aming dalawa.

“bakit kilala mo ako?” tanong ko sa kanya

“syempre kasi nasa parehong university lang naman tayo” sagot nya sa akin

“talaga? Wow!” sagot ko naman na may halong pagkagulat

“matagal narin kitang sinusubaybayan pero wala akong lakas ng loob na lumapit sayo” sabi nya

                Matagal na nya akong sinusubaybayan? Bakit?

“hmmm… bakit naman?” tanong ko ulit sa kanya

“matagal na akong may gusto sayo..” sagot nya habang nakatitig sa akin

                Naging tahimik ang mga sumunod na minuto sa pagitan naming dalawa. hanggang sa

“bakit ako?” putol ko sa katahimikan

“Micah Angelo Miller” pagsambit nya sa buo kong pangalan na naging dahilan upang mapatingin ako sa kanya

                Nagulat ako dahil nasa harapan ko na sya. Biglang nawala ang espasyo sa pagitan naming dalawa at nakayap na sya sa aking ng mahigpit. Nakatulala lamang ako dahil sa gulat.

“te-teka lang..” sabi ko

                Humiwalay sya sa pagkakayap sa akin at unti unti naming inilapit ang kanyang labi sa akin. napapikit na lamang ako sa ginawa nya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero hindi na ito bago. Ito yung pakiramdam ko nung unang beses akong halikan ni Joshua.

                Naging maalab ang mga halik nya sa akin. hintak nya ako papalapit sa kanya at yun ang naging dahilan upang mas maging malapit ako sa kanya. Habol hinga kaming dalawa matapos maghiwalay ang aming mga labi. Napatitig ako sa kanya at…

“I love you Micah!” sabi nya sa akin

“ahhh.. ehhh” naging sagot ko sa kanya.

                Binigyan nya ulit ako ng isang smack na kiss at ngumiti lang.

Kung Sakin ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon