Part 3

108 4 6
                                    

Dahil hindi maganda ang panahon sa labas dahil kay Bagyong Labuyo, ipopost ko nalang ung part 3 ng story. Comment lang po and Vote :)

Setting: Sa Condo unit ni Micah

                Hanggang ngaun ay pala isipan parin sa akin kung sino ang lalaking kasama ko sa loob ng condo ko. Nanonood kami sa mini salas ng condo.

“hmmm… di ko parin alam kung anong pangalan mo eh”tanong ko sa kanya

“oo nga pala” tumayo sya at humarap sa akin

“ I am Juan Carlo Diomedes” pagpapakilala nya sa akin

                Napalaki ang mga mata ko dahil natatandaan ko sya. Sya yung barkada ni Joshua, ka teammate sa basketball.

“ikaw si Carlo, yung kaibigan ni Joshua?” gulat kong sabi sa kanya

^0^  “yup!” balik ulit sya sa sofa sa tabi ko

“naunahan lang ako ni Joshua na mag pakilala sayo” sunod nyang sabi

“anong ibig mong sabihing naunhan?”

                Ikinuwento ni Carlo sa akin kung paano nagsimula ang pagkagusto “daw” nya sa akin. Wala daw talaga syang balak na sabihin pa sa akin dahil ayaw daw nyang magkaroon sila ng alitan ng best friend nyang si Joshua. Pero talagang mapaglaro ang tadhana at binigyan siya ng pagkakataong sabihin sa akin ang totoo nyang nararamdaman.

“pero alma mo Micah, walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo. Inisipin mo ng masama pero nung umalis si Josh, nagkaroon ng ako lakas ng loob at pagkakataong sabihin sayo ang nararamdaman ko” pagpapatuloy ni Carlo.

“kamusta na pala sya?” tanong ko sa kanya

“sinong sya?” patanong nyang sagot sa akin.

“si Joshua?”

                Bago pa sya sumagot, nagbuntong hininga, tumayo at pumunta sa may bintana.

“mahal mo pa ba sya?” tanong nyang hindi nakatingnin sa akin.

“hindi ko alam” tipid kong sagot

“nandito naman ako”

“Carlo!” tawag ko sa kanya

                Isang linggo ang lumipas at hindi tumigil si Carlo sa pag suyo sa akin. Palagi nya akong sinusundo sa opisina sa Makati. Pinaparamdam nya sa akin kung gaano nya ako kamahal at kung gaano ako kahalaga sa kanya.

SFX: DoorBell

Ding Dong..

“Good Morning Mahal!” pagbati sa akin ni Carlo pagkatapos kong buksan ang pinto.

“Good Morning din Carlo” sagot ko sa kanya.

                Nakita kong biglang nawala ang ngiti nya sa kanyang mga labi. Bumuntong hininga sya at..

“I cooked breakfast for you! Tara sabay na tayong kumain” sabi nya

“Carlo..” tawag ko sa kanya.

                Kita ang gulat sa kanyang mga mata matapos ko syang yakapin.

Carlo’s POV

                Ang aga kong nagising ngayon. Simula kasi noong nagkaroon ako ng pagkakataon na mapalapit kay Micah, hindi na ako nawalan ng pag asang mamahalin nya rin ako. Pinagluto ko sya ng Lasagna, sana magustuhan nya

Setting: Micah’s Condo:

SFX: Ding Dong..

Good Morning Mahal!” ko sa kanya matapo nyang buksan ang pinto

“Good Morning din Carlo” sagot nya sa akin.

                Ganun parin ang tawag nya sa akin. hay.. kelan kaya nya ako mamahalin tulad ng kay Joshua

“I cooked breakfast for you! Tara sabay na tayong kumain” balik kong sabi sabay pasok sa loob ng condo nya.

“Carlo..” tawag nya sa akin

                Bigla akong natigilan. Dahil bago pa ako lumingon sa kanya upang harapin sya ay niyakap na nya ako mula sa aking likuran.

“Let’s work on this” bulong sa akin ni Micah

“Micah..” tawag ko sa kanya

                Tama ba ang narinig ko? Ibig sabihin ba nito ay mahal narin nya ako?

“Carlo, I am not saying na magiging madali ang lahat. Pero I am willing to take the risk” sabi ni Micah sa akin.

                Nangilid ang mga luha sa aking mata at agad ko syang niyakap.

“hinding hindi ka mag sisisi. Mamahalin kita ng buong puso ko”

                Pinagsaluhan namin ang breakfast na dala ko. Panay ang tawanan namin. Nandito kami ngayon sa may biranda ng condo nya nagpapahinga.

“Micah..” tawag ko sa kanya

“yes?” sagot nya at napalingon sa akin

“I love you..”

“I love you too..” sagot nya sa akin

                Halos tumalon ang puso ko sa narinig ko. Unti unti nyang inilapit ang mukha nya sa akin at unti unting nagdikit an gaming mga labi. Sa unang pagkakataon. Naramdaman ko ang halik na hindi sapilitan. Halik na puno ng pag asa at pagmamahal.

Kung Sakin ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon