Hi readers, here's the part 1 of the book 2 of "ill keep on dreaming till my heartaches end" hope you enjoy reading.
Please leave your comments and suggestions and votes thank you po :)
Book 2: Kung Akin Ang Mundo
Sequel of I’ll Keep on Dreaming ‘Till my Heartaches End
Micah’s POV
Setting: Graduation
Lumipas ang mga linggo buwan at taon. Ito na nga, dumating na ang araw ng graduation namin. Parang ang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko. Parang kahapon lang nangyari yung sa amin ni Josh. Parang kahapon lang magkasama pa kami at sinasabi nya sa akin na mahal nya ako pero that was almost two years ago. Dalawang taon na wala akong balita sa kanya o kahit man lang kahit ano. Gustong gusto ko syang makita at sabihin na maraming salamat at inalagaan nya ako sa kahit sandaling oras lang. Pinaramdam nya sa akin kung ano ang kakaibang pagmamahal at kung gaano ko sya kamahal.
“Miller, Micah Angelo”
Umalingawngaw ang aking buong pangalan sa loob MOA Arena dahil doon ginanap ang aming graduation.
Setting: Bar
Matapos an gaming dinner nila mama and with some friends ay nag aya sila Arianne na mag bar hoping muna kami for celebration. Napadpad kami sa Taguig. Masaya, maingay at maraming tao.
Time Check: 1 AM
“AR, uwi na ako. Medyo may tama na ako eh” sabi ko kay Arianne
“Ei! The party is just starting” sabi niya pero halatang may tama narin.
“Hatid na kita at medyo lasing ka narin eh” yaya ko sa kanya
“no! I can manage. Thank you and Congratulations to us!” sabi niya sabay taas ng basong hawak na may lamang Tequila.
Lumabas ako ng bar. Hindi ko naman kasi gawaing uminom.
“Buti pa sa labas tahimik” sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa langit.
“kamusta ka na kaya?” naaalala ko siya dahil noong kasama ko sya sa isla. Doon ko lang na appreciate ang ganda ng bituin sa langit.
SFX: Vomiting
Nakita ko yung isang lalaking nakatalikod. Parang lasing na ata at napasobra sa alak dahil sumusuka na.
“Dude, Are you okay?”
Hindi nya ako pinansin dahil nakayuko parin sya.
“Do you need help?”
Tumayo sya at humarap sa akin. Medyo magulo ang buhok nya at amoy alak talaga.
“what do you want?” nagulat ako sa sinabi nya
“hmmm… your drunk pare, may kasama ka ba?” tanong ko sa kanya
“ei! I know you!” sabi nya na medyo susuray suray pa
Nagulat ako sa sinabi nya. Kilala nya ako? Eh ngayon ko palang sya nakita.
“May kasama ka ba?” Tanong ko ulit sa kanya
“yeah, I know you. Ikaw yun!” paulit nyang sabi
Hindi ko alam ang sinasabi nito. Siguro lasing lang.
“sige dude, una na ako.” Paalam ko sa kanya.
“matagal na kitang tinitignan…”
Medyo mahina ang pagkakasabi nya pero di ako maaring magkamali sa narinig ko.