Part 8: Confrontation

92 4 1
                                    

Micah: “bakit mo nagawa sakin to Carlo?”

Carlo: “what do you mean Mahal?”

Micah: “Pinaglalaruan mo lang ba ako?”

Carlo: “mahal, ano bang problema? Ano bang nangyayari?”

Micah: “Anong balak nyong dalawa ni Joshua sa akin?”

Carlo: “si Joshua?”

Micah: “oo si Joshua at ikaw, anong plano nyo sa akin? Anong ginawa ko sa inyo at pinaglalaruan nyo ako!!”

Carlo: “I can explain everything Micah. Please!”

Micah: “siguraduhin mong magiging kapani paniwala ang lahat ng sasabihin mo dahil hindi ko na alam kung anong dapat kong paniwalaan!”

SFX: Cell phone beeping

Text message from unknown number

Did you got my gift?

Micah’s POV

                Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Ano bang nagawa kong kasalanan para mangyari sa akin ito. Ano ba ang totoo? Habang nag sasagutan kaming dalawa ni Carlo ay biglang tumunog ang cell phone ko at isang hindi kilalang number ang nagtext.

“Sya na ba yan?” tanong ni Carlo sa akin

                Tumingin ako sa kanya. Napaupo sya sa sofa at nasa tabi nya yung box at mga lama nito

SFX: Ringing of Cell phone

                Tumunog muli ang aking cell phone at isang tawag mula sa parehong numero ang tumatawag.

Micah: “Hello”

“hi Micah..”

                Nanginig ang buong katawan ko sa boses na narinig ko mula sa telepono ko.

“Joshua?”

Carlo’s POV:

                Nakatingin ako sa taong pinakamamahal ko habang may kausap sa telepono. Alam ko nang si Joshua ang kausap nya. Hindi ko alam na ganito kabilis akong babalikan ng karma.

                Napaupo ako sa sofa at katabi noon ang isang box at may mga papel. Unang tingin ko palang ay alam kong pamilyar ang lahat ng iyon.

“galing kay Joshua lahat ng ito” ang bulong ko sa sarili ko

“Joshua” ang lumabas sa bibig ni Micah

                Napatayo akong muli sa aking kinauupuan.

“Micah!” tawag ko sa kanya

                Tumalikod siya at pumunta sa biranda. Naiwan ako sa living room nya. Hindi ko na napigilang umiyak. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Micah matapos ang lahat ng nangyari. Hindi ko alam kung makikinig pa ba sya sa akin.

                Ibinalik ko ang tingin ko sa mga sulat sa tabi ko. Unti unting bumalik sa aking alala noong pinadala sa akin ni Josh ang mga ito.

***Flash Back***

“Pare, hihingi sana ako sayo ng isang malaking pabor” sabi sa akin ni Joshua noong araw na paalis siya papuntang England

“Anything for you bro” sagot ko naman sa kanya

“Please take care and secure my Micah. Babalik ako, babalikan ko sya”

Naputol ang pag alala ko sa mga bilin sa akin ni Joshua ng biglang lumabas mula sa biranda si Micah.

“ I need to go” sabi nya

“sasamahan kita” pag anyaya ko sa kanya kahit alam kong makikipag kita sya kay Joshua

“No need” at umalis na sya sa harapan ko

                Naiwan ako sa living room ng condo. Nakatulala at patuloy na nanlulumo sa mga nangyayari.

Itutuloy...

Kung Sakin ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon