Is that the girl who broke your heart years ago?
Bungad ni Dara sa anak niyang si Frost. Alam niyang may minahal ang anak niya dati pero hindi man lang niya ito nakilala dahil lagi sila umaalis para pumunta sa iba't-ibang bansa.
Nalaman niya lang ito noong isang gabing umuwi sila galing Greece. Bumungad sa kanila ang balitang dinala si Frost sa hospital dahil bumangga ito sa isang puno habang nakainom. Tumama ang kanyang ulo kaya isang linggo siyang walang malay at puro sugat ang kanyang buong katawan. Halos mahati sa dalawa ang sasakyan ni Frost kaya matatawag na isang himala kung mabubuhay pa siya sa mga panahon na iyon.
Mom.
Tumabi si Frost kay Dara na ngayon na nakaupo sa isang mahabang sofa.
Bakit ganun? Matapos ang ginawa niya, I still love her at hindi iyon nawala.
Napahilamos si Frost ng mukha gamit ang kanyang dalawang kamay.
She cheated on me Mom. Nahuli ko sila na nagsesex sa mismong kwarto niya. Ang sakit Mom, sobrang sakit. Hindi man lang niya ako kinausap matapos iyon. Sinabi ko sa sarili ko na kapag nakita ko ulit siya ay ipaparanas ko din ang ginawa niya sa akin, pero Mom noong nakita ko siya naglaho lahat ng galit ko sa kanya. Yung tipong gusto mo siyang yakapin ng mahigpit at hindi na pakawalan pa.
Sumbong ni Frost sa ina. Lumapit si Dara sa kanya at niyakap.
Kung sakaling kinausap ka niya noon papansinin mo ba siya? Papakinggan mo ba siya? Paniniwalaan mo ba?
Napabuntong hininga si Frost.
Yun na nga Mom, after nang nangyari wala na akong balita sa kanya. Hindi na siya nagparamdam. Lahat ng contact na meron ako sa kanya ay nawala. Tapos ngayon bigla na lang siyang susulpot basta-basta?
Bumitaw si Dara sa anak at hinarap ito.
Wala naman mawawala kung papakinggan mo siya diba? Ito na yun anak, kailangan mo siyang kausapin para masagot na ang mga tanong mo sa nakaraan kung bakit niya nagawa iyon. Lahat ng bagay nadadaan sa maayos na usapan Frost.
Napangiti si Dara sa anak ng tumungo ito.
Thanks Mom.
Ano nga pala ang nangyari bakit walang malay si...
Quinn Angelie, Mom.
Yeah, what happened to Quinn nga pala?
Tanong ni Dara. Napakamot ng ulo si Frost.
Actually dapat mag-uusap kami sa rooftop but hindi ako nakasipot sa tamang oras. I'm fucking 4 hours late. Then naabutan ko siyang tatalon sa rooftop, I try to communicate to her para huwag niyang gawin ang binabalak niya, but she jumped. Buti na lang nahawakan ko agad ang kamay niya. Takot na takot ako ng mga oras na iyon Mom. Then after that we talked a little and we cried then she passed out. Hindi ko alam kung saan siya ngayon nakatira kaya dito ko na lang siya dinala.
Kwento ni Frost.
She really loves you anak.
Iyan na lang ang nasabi ni Dara dahil pumasok si Snow sa kwarto.
Nabihisan ko na siya Kuya. She's awake at hinahanap ka niya.
Sabi ni Snow. Nagpasalamat siya sa kapatid at sa ina bago pumunta sa kanyang kwarto. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang buksan ang pinto. Nakita niya na nakaupo si Quinn sa kanyang kama habang nakatulala sa bintana.
Naramdaman na naman ni Frost ang pagbilis ng tibok ng puso niya tuwing nakikita niya ang magandang mukha nito. Natauhan si Quinn nang marinig niya ang pagsara ng pinto kasabay nito ang pagtama ng kanilang mga mata sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Playfull Demons (C.M.G Sequel) (COMPLETED)
ActionChasing Ms. Gangster Sequel (Last Season)