After 3 years ...
CONGRATULATIONS GRADUATES OF BATCH 201* !!!
Finally, dumating na ang pinakahihintay na araw ni Ice. Lahat sila ay masayang nagtipon tipon sa resort ng mga Park matapos ang graduation sa college. Tila naging reunion din ito para sa mga kaibigan ni Dara. Kumpleto kasi sila kasama ang mga anak.
Dude nakita mo na si Snow?
Tanong ni Gunther. Andito sila ni Ice sa shore at pinagmamasdan ang dagat.
I haven't seen her
Sabi ni Ice kay Gunther. Kanina pa tinatawagan ni Gunther si Snow pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Lumapit din sa kanila si Frost na nakakunot ang noo.
Nakita niyo ba si Quinn?
Tanong ni Frost. May dala itong beer at binigay kila Ice at Gunther.
Hindi din. Kanina ko pa rin tinatawagan si Snow pero hindi sinasagot.
Sabi ni Gunther.
baka magkakasama silang tatlo.
Nagkibit balikat si Ice at tinungga ang kanyang beer.
Napatingin sila sa dagat at nakita nila sila Flame na may kausap na babae. Si Fire naman hinahabol ng isang babae habang si Blazey naman ay kinukulit ang isang babae.
Napailing na lang si Ice sa mga kapatid. Masaya siya dahil nahanap na rin ng mga kapatid niya ang taong magpapasaya sa kanila, ewan na lang niya kay Fire na halatang iritado sa babaeng nangungulit sa kanya.
Napaupo si Ice sa buhangin at tinignan ang papalubog na araw. Naalala niya ang ginawa nila tatlong taon na ang nakalipas. Ang pag-ubos nila sa Gotti Mafia at ang inabot nilang parusa mula kay Dara. Hindi naman sila pinagalitan ng grabi, nakatanggap lang naman sila ng tig-iisang batok dahil pinag-alala nila ito. Hindi din totoo ang nangyari sa kanilang Abuelo. Kinuntsaba lang nila ito para makaalis si Dara sa bansa para maisagawa nila ang plinano nila. Nagulat pa si Dara nang makarating ito sa tinutuluyan ni Abuelo, nanonood ito habang kumakain ng popcorn. Laglag ang panga ni Dara nang makita ang kanyang Abuelo, ang buo niyang akala ay may masamang nangyari dito. Nakangiti pa itong lumapit sa kanya habang hawak ang tungkod.
Umupo din sa tabi niya si Frost at Gunther. Pareho silang nakatingin sa araw.
Yayayain ko ng magpakasal si Snow. Best man ko kayong dalawa ah.
Sabi ni Gunther.
No, kami muna ni Quinn ang ikakasal. Next year na kayo.
Sagot sa kanya ni Frost. Napatingin silang dalawa kay Ice.
I can wait. Sa akin pa rin naman ang bagsak niya kahit lumipas ang ilang taon. Sa ngayon gagampanan ko muna ang pagiging gwapong boyfriend sa kanya.
Sabi ni Ice. Totoo naman kasing hindi siya nagmamadali. Nahintay nga niya ng tatlong taon si Amery dahil ang usapan nila ay magiging girlfriend na niya ito once na makagraduate sila. Masaya si Ice dahil dumating na ang pinakahihintay niya.
Paunahin mo na si Princess ikasal Frost.
Sabi ni Ice. Sumimangot si Frost habang abot langit ang ngiti ni Gunther dahil sa narinig. Nilabas ni Gunther ang singsing mula sa kanyang bulsa at pinakita ito kila Ice at Frost.
Don't hurt our Princess or else magkita na lang tayo sa impyerno.
Banta ni Frost kay Gunther.
Wala sa bokubolaryo ko ang saktan si Snow. She's my world and my life.
Sabi ni Gunther.
BINABASA MO ANG
Playfull Demons (C.M.G Sequel) (COMPLETED)
AkčníChasing Ms. Gangster Sequel (Last Season)