"IN MY DIARY: I'M SORRY, I LOVE YOU..."
~ PART IV
June 03, 2010
6:10 PM
THE LAST ENTRY NO.2126
Dear Diary,
Sa buong buhay ko, nakadepende lang ako sa’yo, Diary. Lahat ng mga pasakit na dala-dala ko, parati kong ibinahagi sa’yo. Napakalaking tulong. Paano kaya kung itigil ko na? Makakaya ko kaya? Gusto ko kasing harapin ang realidad. Pakiramdam ko’y ang pagsusulat ko sa Diary ay parang isang kwentong gawa-gawa ko lang. Di tumatatak sa isipan ko na makatotohanan ang lahat ng aking mga naisulat. Parang nobela ng isang author. Pero hindi ako isang author. Isa akong simpleng nilalang na labing-siyam na taon ng nabubuhay. Isang anak, ngunit ulila. Isang estudyante. At isang mangingibig. Kung patuloy lang ako sa pagsusulat dito ay baka puro gawa-gawang kwento na lang ang buhay ko. Baka maisip ko pang nabubuhay ako sa mundo ng panaginip. Ayoko. Ayokong mangyari iyon. Gusto kong mabuhay sa mundo ng katotohanan at realidad. Gusto kong harapin ang mga pagsubok na dumarating kahit gaano kahirap at kasakit. Titiisin ko basta makaalis lang ako sa mundo ng panaginip.
Minsan nga’y muli kong binasa ang mga dating entry sa Diary ko na ito. Nung binasa ko’y hindi ako makapaniwala na ako ang nagsulat nun. Hindi rin ako makapaniwala na ganun pala ang nangyari sa akin. At ito pa… Di ako makapaniwala na may bakas ng luha ang bawat pahina. Parang tubig lang na natapon sa papel. Napansin nyo bang, kumukumpas? Oo, ganun nga. At may napansin pa ako… Mas marami akong naisulat na masasakit na pangyayari sa buhay ko kaysa sa masasaya. Pagkatapos kong mabasa ang mga entries ko, napagisip-isip kong parang masasamang panaginip lang ang lahat. Hindi totoo! Mga gawa-gawang kwento. Natakot ako. Pumasok sa isip ko na baka dumating ang araw na mahihirapan akong harapin ang katotohanan. Baka maging huli na ang lahat bago ko marealize na lahat pala ng ito’y totoo. Baka maging duwag ako. Kaya…
Ngayong gabing ito ay pupukawin ko ang aking sariling natutulog sa panaginip. Ididilat ko ng maigi ang aking mga mata para makita ang realidad. Ihahanda ko na ang sarili ko sa mga pagsubok sa darating. At… ihahanda ko na ang puso ko, na nagmamanhid-manhidan, na tuluyang masaktan. Simula ngayo’y magsisimula na ako ng panibagong buhay. Ibabaon at lilimutin ang lahat-lahat.
Ito na ang huling entry sa diary ko. Isasara ko na’t kailanma’y di na bubuksan. Kung may magbubukas man nito, sana ay ikaw yun DIANNE. Gusto ko rin naman malaman mo ang mga saloobin ko. Dahil kung ikikimkim ko lang ito, baka sumabog na ako. Wala ng space ang dibdib ko para kimkimin ang lahat ng pasakit na dala ko. Sa huling pahina ng diary na ito, ay may sulat akong inipit. Basahin mo iyon pagkatapos mong basahin ang huling entry na ito.
Hanggang dito na lang.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[A/N]: Patapos na po ang short story ko na 'to. Malapit na guys! Konting tiis na lang. Good Luck na lang kung anong mararamdaman nyo sa ending! Vote naman dyan! ^_^
BINABASA MO ANG
In My Diary: I'm Sorry, I Love You
RomanceAng mga babae, iniisip na LAGI sila ang talunan sa love life. Pero hindi naman sila lang. Pati rin ang mga LALAKE. "A SAD, HEARTBREAKING, PITIFUL and TEARFUL story." Try nyo, guys! :(( Kung gusto nyo ng madrama at nakakaiyak na kwento.