"IN MY DIARY: I'M SORRY, I LOVE YOU..."
Dianne’s POV
Nasa parke ako ngayon. 7 ng gabi. Paano, pinapunta ako dito ni Jay. Ayoko sana pero nagmakaawa sya sa akin. Kaya napilitan na rin ako.
“Hi.” bati ng isang lalaking nasa harap ko. Si Jay pala. Ibang-iba ang itsura. Sya ang Jay na nakilala ko dalawang taon na ang nakalipas. Di na nakataas ang kanyang buhok kundi nakababa na. Ang simpleng Jay Argueno.
“Hello.” bati ko naman.
“Pasensya na kung medyo late ako.”
“Save it. Ano bang kailangan mo?”
SILENCE…
“Wala ka naman palang sasabihin. Sinasayang mo lang oras ko.” Tumayo ako’t tinalikuran sya. Bago pa man ako makahakbang, ay bigla nya akong hinawakan sa wrist ko.
“Dianne… Magpapaalam na sana ako.” :-| Dahan-dahan nya akong iniharap sa kanya. Inalis ko naman ang dalawa nyang kamay sa balikat ko.
“Tch. Di mo kailangang magpaalam sa akin. Gawin mo kung ano ang gusto mo.” Tumalikod muli ako.
“Dianne! Pakinggan mo muna ako!” Naiinis naman ako! Ano bang dapat kong pakinggan? Ah! Baka makikipagbreak na sya. Baka magpapaalam dahil aalis na sya! Buti nga yun, para mawala na sya sa buhay ko.
“Aalis na ako. Pupunta na ako ng Amerika.” (O_O) A… Amerika. Tama nga ang hinala ko. Aalis sya. Eh di maganda! Pero bakit… bakit ganito ang nararamdaman ko.
“Ah! Hahaha! Ok, Good Luck! Ingat na lang! Alis na ako.” Sana wag na nya ako pigilan pa. Pero bigla na lamang nya akong niyakap. Sobrang higpit. Ni hindi ako makagalaw.
“Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit? Hindi mo man lang ba ako pipigilan? Wala pa rin ba akong halaga sa’yo?”
“………………..”
“………………..”
“Dianne…” Napansin kong medyo napiyok na ang boses nya. Yung tipong naiiyak.
“Mahal na mahal kita~. Alam kong di mo ako mahal~~Pinilit kita, kaya patawarin mo ako~SORRY.” Sabi ko na nga ba… umiiyak sya. Si Jay? Umiiyak? Pero hindi pwede toh…
“Bitawan mo ako! Please lang!” sabay alis ko ng kanyang bisig na nakayakap sa akin. Napabitaw rin sya. Tiningnan ko sya sa mata. May namumuong luha.
“BUTI ALAM MO, JAY! SIMULA NUNG DUMATING KA SA BUHAY KO, NAGKANDALECHE-LECHE NA ANG LAHAT! NAGING MAGULO! GINULO MO! ALAM MO NAMAN PALANG DI TALAGA KITA MAHAL EH PERO PINAGPILITAN MO PA RIN ANG SARILI MO SA AKIN! ALAM MO BA KUNG ANONG TAWAG DUN? TANGA! OO, ANG TANGA! GALIT NA GALIT AKO SA’YO! PANIRA KA KASI! PERO BUTI NA LANG AALIS KA NA! MATATAHIMIK NA RIN AKO! AT MAGIGING MASAYA! KAYA UMALIS KA NA HA? KUNG PWEDE LANG, WAG KA NG BUMALIK PA!!!!!!!” Naramdaman kong may dumadaloy na mga luha sa pisngi ko. At si Jay nama’y sobrang luhang-luha na ang mga mata.
Pero ngumiti sya…
“Pa… Patawad. Sana… mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita.” At this time, parang nagslow motion ang lahat. Kitang-kita ko ang pagtulo ng isang luha sa mata ni Jay. Dahil dun, naramdaman kong lumambot ang puso ko. First time ko talagang makita si Jay na umiyak.
“I wish you happiness after this.” At hinalikan nya ako sa noo.
HAPPINESS…
SANA NGA…
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lapit na po ending! Anong naiisipn nyong ending sa story na to? XD
BINABASA MO ANG
In My Diary: I'm Sorry, I Love You
RomanceAng mga babae, iniisip na LAGI sila ang talunan sa love life. Pero hindi naman sila lang. Pati rin ang mga LALAKE. "A SAD, HEARTBREAKING, PITIFUL and TEARFUL story." Try nyo, guys! :(( Kung gusto nyo ng madrama at nakakaiyak na kwento.