"IN MY DIARY: I'M SORRY, I LOVE YOU..."
The Letter of Jay to Dianne:
Dianne,
Habang binabasa mo ito’y wala na siguro ako. Maaring papunta na ng airport, o nagtake-off na ang eroplano, o di kaya nama’y nasa Amerika na. Marahil nagtataka ka, kung bakit nasa bench na iyon ang Diary at ang liham ko na ito. Talagang sinadya kong iwanan iyon dun. Gusto ko lang mabasa mo ang saloobin ko. Pati ang liham ko na ito. Ngayo’y, magpapaliwanag na ako.
Kaya kita pinilit na maging tayo ay dahil sa nangungulila ako. Wala na akong mga magulang. Matagal na silang pumanaw. At ang dahilan… Inatake sa puso si Mama. Si Papa naman ay naaksidente. Nung una’y di ko alam na may sakit pala sa puso si Mama dahil itinatago nya sa akin ito. Pero nung pumanaw na sya’y doon ko nalaman ang katotohanan dahil sinabi ito ng doktor. Tinanong ko ang doktor kung paano ito nakuha ni mama, at ang sabi nya’y namamana iyon. Kaya napaisip ako. AKO… mamamana ko ang sakit na ito. Natakot ako. Ayoko ko pang mawala. Marami pa akong pangarap sa buhay. Gusto kong makapagtapos ng kolehiyo, makahanap ng magandang trabaho, magpakasal sa babaeng minamahal ko’t magkaroon kami ng pamilya. Kaya napagdesisyunan kong magpa-opera sa Amerika. Suportado naman ako ng pamilya ng magulang ko. Sana naiintindihan mo ako kung bakit kita pinilit, kung bakit ko pinagsiksikan ang sarili ko sa’yo. Dahil sa nangungulila ako’y gusto kong maranasan na may magmamahal sa akin. Na may mag-aaruga. Pero… nagkamali ako, Dianne. Hindi naman sa sinisisi kita dahil di mo ibinabalik ang pagmamahal ko sa’yo, kundi… Nagkamali lang ako ng desisyon na pilitin kang mahalin ako. Sana ay hindi ko iyon ginawa. Dahil sa akin ay nahirapan ka. Dahil sa akin ay naging magulo ang buhay mo.
Patawad. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Pinagpilitan ko ang sarili ko sa’yo. Pinilit kitang mahalin ako kahit alam kong hindi pwede’t ayaw mo. SORRY. Nasaktan tuloy kita’t napahirapan. Dahil sa sobrang mahal na kita’y, mas lalo kong pinagpilitan ang sarili ko sa’yo. Nung umpisa sana’y gusto ko ng itigil ang kahibanagan ko, pero nung napalapit ako lalo sa’yo, naisip kong di ko kayang mawala ka sa akin. Kahit alam kong napakalamig ng pakikitungo mo. Tiniis ko ang lahat ng iyon dahil mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita, Dianne. Kahit ganun ka sa akin ay di ko mapigilan ang sarili kong mahalin ka. Mahal na mahal kita na kaya kong pakawalan ka para mahanap mo ang tunay mong kaligayahan. Sa totoo lang, nung High School pa ako may pagtingin sa’yo. Ngayong kolehiyo lang ako nagkaroon ng pagkakataon na… Makilala ka. Alam mo ba, ang dami kong alam tungkol sa’yo. Ito ang pinakanatatandaan ko sa lahat, ayaw mo sa lahat makatanggap ng love letters. At bakit? Dahil nakokornihan ka kamo. Diba? Pero sana hindi ka makornihan sa sulat ko na ito dahil hindi naman ito love letter. Sabihin na lang natin na ito’y isang sulat na paghingi ng tawad.
Dianne. Matatanggap mo ba ang pagpapatawad ko? Mapapatawad mo pa ba ako sa mga kasalanan na nagawa ko? Sana oo. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na itama ang lahat ng mali ko. At ang pagkakataon na iyon ay sa pagbalik ko. Pagbalik ko, magsimula tayo ulit ng panibagong buhay. Magkunwari na lang tayong walang nangyari sa atin. Na wala tayong pinagsamahan. Na hindi tayo magkakila. Nang sa ganoon ay makalimutan natin ang lahat-lahat. Dianne, magkalimutan muna tayo ngayon. Kalimutan mo ako, ang taong pinahirapan ka, ang taong ginulo ang buhay mo. At ako, kakalimutan kita, ikaw na kasiyahan ko, ikaw na mahal ko.
Kung magkasalubong man tayo sa daanan after 2 years, ngitian mo lang ako. Pagkatapos noon ay maghiwalay na tayo ng daan. Saka kita hahanapin muli. Hahanapin ko ang isang kaibigang matagal ko ng hinahanap. Hahanapin ko ang babaeng... Minamahal ko noon. Hahanapin ko ang dating kaligayahan ko. Ipinapangako ko sa’yo, Dianne. Sa pagbalik ko, panibagong Jay na ang makikita mo. Hindi kita guguluhin at pahihirapan, pasasayahin lang kita bilang kaibigan mo. Alam kong mahihirapan tayong kalimutan ang nakaraan, lalo na ang masasakit, pero pilitin natin. Kaya natin ito. Hindi lang naman ito para sa kapakanan ko kundi sa’yo rin. Sa ating dalawa.
Dianne. Hanggang dito na lang siguro. Nasabi ko naman na ang lahat ng gusto kong sabihin. Nasabi ko na rin ang katotohanan kaya wala ng dahilan pa para ipagpatuloy pa ang pagsusulat ko. Paalam. Hanggang sa muli.
Nagmamahal,
Jay
BINABASA MO ANG
In My Diary: I'm Sorry, I Love You
RomanceAng mga babae, iniisip na LAGI sila ang talunan sa love life. Pero hindi naman sila lang. Pati rin ang mga LALAKE. "A SAD, HEARTBREAKING, PITIFUL and TEARFUL story." Try nyo, guys! :(( Kung gusto nyo ng madrama at nakakaiyak na kwento.