IN MY DIARY: I'm Sorry, I love You [Part 1]

6.2K 42 9
                                    

Hello, guys! This is my 2nd SHORT story. The first one is THE LAST SAD LOVE LETTER. This story's format is in a Diary form. Bale, Si Jay, the leading character, ni-nanarrate nya yung kwento nila ni Dianne sa Diary nya. Kaya makikita nyo, may date written, time, entry number na nakalagay. Gets? Hehe. Ewan ko kung magugustuhan nyo pero if you like this, please VOTE. Your votes will make me very happy talaga! Super appreciated. Enjoy reading! Thank You! =)

===========================================================

"IN MY DIARY: I'M SORRY, I LOVE YOU..."  

 

"Prologue"

It's a story...  

Between a guy, who's finding happiness...  

And a girl, who's life became a mess...

"I think I'm born to suffer this untreated illness."  

"I wished I knew it from the start."  

'Sorry, If I messed up your life."  

"Don't blame yourself. I understood you too late."

~PART I

FEB. 18, 2010  

12:04 PM  

ENTRY NO.2021

 

Dear Diary,  

Halos 1 year na kami ni Dianne. Pero hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nya sa akin. Lagi syang nagagalit, naiinis, at naiirita sa akin. Pero kahit ganun sya'y mahal na mahal ko sya. Di ko kakayaning mawala sya sa akin. Sana naman sa huling yugto ng buhay ko'y maparamdam naman nya na masaya sya sa akin. At sana naman maipakita nya sa akin na mahal rin nya ako. Kaunting space man lang sa puso nya, sana nakaukit dun ang pangalan ko. Puro na lang sana, sana, sana... Mga pangarap at hiling na sa tingin ko'y kailanman hindi matutupad.

Feb. 19, 2010  

9:28 PM  

ENTRY NO.2022

 

Dear Diary,  

1st anniversary namin ngayon. At excited na excited akong sorpresahin si Dianne. Balak ko kasi na, kumain kami sa tabing-dagat. Hindi ito isang candlelight dinner. Imbes na lamesa't upuan, gagamit ako ng picnic cloth. Imbes na tatlong mahahabang kandila na nakapatong sa lamesa, gagamit ako ng ready-to-use na kandila sa baso na nakapalibot sa aming dalawa in a heart shape. Imbes na red wine, iinom kami ng non-alcoholoc sparkling drink na VIMTO. Imbes na mamahalin na mga pagkain, bibili na lang ako ng Braso de Mercedes sa Goldilocks. Imbes na malalaking silver spoon, fork at knife, gagamit kami ng mini-fork lang. Imbes na baso ng wine, gagamit kami ng mahabang baso na kung saan share kaming iinom na may straw. At... imbes na isang dosenang red roses, tatlong red roses ang ibibigay ko para I LOVE YOU. Siguro sa iba, bonggang-bongga ang anniversary. Pero sa amin ni Dianne, simple lang. SIMPLE just like HER.  

Piniringan ko ang kanyang mga mata. Walang tigil sya sa kakatanong on the way. Pero sinabihan ko na lang sya na relax lang. Pagdating namin sa tabing dagat, sa gitna ng sorpresa ko, tinanggal ko na ang panyong nakapiring sa mga mata nya.  

SILENCE...  

At pagkaraan ng ilang segundo, inabot ko sa kanya galing sa likod ang tatlong red roses.  

"Happy Anniversary, Dianne." sabi kong nakangiti pa.  

"...."  

"...."  

"Red roses?"-humarap sya sa akin at nag-smirk-"Tss. Ang korni ah." Natawa ako sa sinabi nya.  

"Hindi nga. Ang korni talaga."-napakaseryoso ng mukha-"Bakit kailangan mong maghanda? Pwede mo naman akong batiin sa text." sa sinabi nyang yun, napawi ang ngiti ko.  

"Jay, nagsayang ka lang ng oras't pera. Sana di ka na naghanda. Parang anniversary lang naman." tinalikuran nya ako matapos nyang sabihin iyon. Ni hindi man lang tinanggap ang roses na bigay ko. Ni hindi ko man lang nakita sa mukha nya na na-appreciate nya ang ginawa ko.  

Nung tumalikod sya'y di ko na hinabol pa. Ewan ko kung bakit. Sadyang di ko lang maigalaw ang mga paa ko. Akala ko magugustuhan nya. Akala ko matutuwa sya... pero nainis ko pa sya. Ang tanga! Sana nga binati ko na lang sya sa text. Dianne... Sorry. I love you.

 ============================================================

Subaybayan nyo ang kwentong ito! :) Maiksi lang naman. But i hope maantig nito ang puso ninyo pagtapos basahin. PLS DON'T FORGET TO VOTE if you like it. :) 

In My Diary: I'm Sorry, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon