"IN MY DIARY: I'M SORRY, I LOVE YOU..."
AFTER 2 YEARS…
Papunta ako kay Jay ngayon. Bibisitahin ko sya. Ito ang unang pagbisita ko sa kanya. Sa totoo lang, ayoko sana. Dahil… dahil natatakot akong makita sya sa ganung sitwasyon. Natatakot ako na hindi sya sumagot sa mga tanong ko. Natatakot akong makita mukha nyang nakangiti lang sa akin. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari.
Pinapara ko ang taxi driver sa harap ng lugar na ito. Pagpasok ko ay nagtanong-tanong ako sa mga nagbabantay kung nasaan ang lugar ni Jay Argueno. Tinuro naman nila sa akin. Pinuntahan ko na. Sa malayo pa lang ay nakita ko na sya. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang diary [na naiwan nya sa bench nung gabing iyon] at isang dosenang pink roses na dala ko. Sa isip-isip ko, pwede bang mabulag na lang ako para hindi ko sya makita? Para di na ako umiyak? Nasasaktan kasi ako. Nasasaktan. Di ko kayang makita ng ganito si Jay.
Nung ako’y nasa harap na nya, napaluhod ako’t napahagulgol. Di ko na napigilan pa ang sarili ko. Di ako makapaniwalang pagkatapos ng isang taon ay ganito na lang ang Jay na maaabutan ko. Nakangiti na lang lang at di gumagalaw. Nagumpisa na akong magsumamo…
“Hi, J-j-jay… Kamusta ka… na? Sana… masaya k-ka na ngayon. Pe… pero sa tingin ko, ma… ma… malungkot k-k-ka. Pa… pa…” wala na. Di ko na kaya pang magsalita. Iniyak ko na lang. Humagulgol na lang ako. Masakit. Masaklap. Pero mas masaklap pa ang naramdaman ni Jay kaysa sa akin. Galit ako. Galit ako sa sarili ko! Sana pinigilan ko sya nung gabing iyon! Sana hindi ko sya pinagtabuyan! Kung pinigilan ko sya, hindi sana mangyayari sa kanya ito. Nagsisisi ako! Kasalanan ko ang lahat. Di ko dapat sinabi sa kanya iyon. Di ko dapat ginawa. Napakalaki kong tanga! Sa aming dalawa ni Jay, ako ang tanga at hindi sya. Dapat binigyan ko sya ng importansya. Ngayong wala na sya, paano ko ipapakita. Totoo nga talaga. Nasa huli ang pagsisisi. Sobra ang pagsisisi ko. Bakit ko ito nagawa kay Jay na sobrang minahal ako? Alam kong naging madamot sya para sa kaligayahan ko pero… pero… dapat pinahalagahan ko sya. Dapat pinahalagan ko ang mga bagay na ginawa nya para sa akin. Dapat… Dapat… tinuruan ko na lang ang puso ko na mahalin sya. :’(
Naging manhid ako. Nagmanhid-manhidan ako. Wala akong ibang ginawa kundi saktan si Jay! At sya naman… walang ibang ginawa kundi mapasaya ako. Doble-doble ang pasakit na nadulot ko sa kanya kumpara sa pasakit na naidulot nya sa akin. Wala na. Huli na ang lahat. Paano ako hihingi na kapatawaran sa kanya kung wala na sya ngayon. Hanggang salita na lang ang paghingi ko ng tawad. Hihingi ako ng tawad ng hindi man lang nya naririnig. Pero sya… humingi sya ng kapatawaran sa akin na naririnig ko. Na nakikita ko ang sincerity. Kung humingi kaya ako ng tawad ngayon, mararamdaman pa rin kaya nya ang sincerity ko? SANA. SANA NGA.
“J-j-jay… nakakainis k-k-ka. D-di mo man lang sinabi… B-bakit tinago mo sa akin ang sakit mo~~?! Kung… kung… alam ko lang, Jay… aalagaan kita. K-kung alam ko lang… ti-tinuruan ko sana ang puso kong mahalin ka. Pwe... Pwede naman yun eh. Di… Diba, Jay.” Pwede nga siguro iyon. Pero mali… pinipilit ko lang ang sarili ko. Ayoko ng ganun. Ang gusto ko lang naman ay magpakatotoo ako. Yun lang. Pero… kung ginawa ko iyon, paunti-unti ay mapapamahal na rin ako kay Jay. Bakit ba hindi ko naisip iyon.
“Jay… PATAWARIN MO RIN A-A-AKO. SORRY, J-JAY. PA… PATAWAD.” At sa di malamang dahilan, lumakas ang hangin. Tumingin ako sa langit. Napakaganda ng langit. Asul na asul. Nakita ko rin ang isang grupo ng mga ibon na lumilipad papuntang kanluran. Napangiti ako habang umiiyak. Si Jay kaya iyon? Ito ba ang sagot nya sa paghingi ko ng tawad? Sana. Dahil kung oo, natutuwa ako. Napasaya nya ako.
“Salamat, Jay. Salamat.”
=------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
:'(((( cOMMENT?
THE END
![](https://img.wattpad.com/cover/75362-288-k982646.jpg)
BINABASA MO ANG
In My Diary: I'm Sorry, I Love You
RomanceAng mga babae, iniisip na LAGI sila ang talunan sa love life. Pero hindi naman sila lang. Pati rin ang mga LALAKE. "A SAD, HEARTBREAKING, PITIFUL and TEARFUL story." Try nyo, guys! :(( Kung gusto nyo ng madrama at nakakaiyak na kwento.