Chapter XVIII-Thank You

282 10 2
                                    

"I wanted to leave, everytime you hurt me. But I'm afraid that you might not be able to take care of yourself well. I'm afraid that she might not take care of you well, so I choose to be selfish. Pero this time, Blake, I'm letting you choose. If you want me out, I won't argue anymore and give you the divorce you've asked for months ago, but if you want me to stay, please... Please give me enough reason to do so"


3rd person's POV


Parang natauhan naman si Blake ng makita niyang busy ang daan mula sa opisina niya. Agad siyang lumabas sa mga empleyado niya at narinig niya ang bulung bulungan ng mga ito. 


"Kawawa naman si Ma'am Hannah, si Allison naman talaga ang may kasalanan eh"


"Oo nga, ang kapal ng mukha niya para sabihin iyon kay Ma'am, di na siya naawa, kita niya na ngang di maganda ang pakikisama ni sir dito tapos sinabihan niya pa ng ganun"


"Parang binuhusan siguro ng asin yung mga sugat ni Miss Hannah sa mga sinabi ni Allison"


"Di porke't pinapaburan siya ni Sir ay ibig sabihin siya pa rin ang mahal ni sir. Pero kung totoo man yun, kawawa talaga si Miss Hannah. Ako yung naawa sa pagkapahiya niya kay Sir Blake kanina, di man lang siya pinag explain. Rinig na rinig pa naman yung mga sigaw ni Sir dito sa labas"


Nagtanguan ang lahat ng mga empleyado at di nila napansin si Blake na lumabas na pala ng opisina niya. Si Allison naman ay wala doon dahil nasa infirmary siya ng kumpanya sa 3rd floor. Agad bumaba si Blake sa ground floor at tumakbo palabas. Kailangan niyang kausapin si Hannah. 


.


Hannah waited for Chase's car outside the building. Nilalamig na siya dahil halos sampung minuto na siyang nasa labas at nag aabang ng sasakyan ni Chase. Idagdag mo pa ang pag iyak niya sa daan. Maiisip mo tuloy na nababaliw na siya dahil una sa lahat ay naghihintay siya sa labas na kung pwede namang sa lobby nalang siya at hintayin ang text ni Chase,susunod ay ang pag iyak niya sa kabobohan nanaman ni Blake. Bakit pa ba siya nagulat? Wala naman siya dapat ikagalit sa sinabi ni Allison dahil kung tutuusin ay alam niya na rin sa sarili niyang tama ito. 


"Hannah!"


Nanigas si Hannah ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Blake. Agad niyang pinunasan ang mga luha niya at hindi pinansin ito. Pero bigla nalang siyang iniikot nito at niyakap habang hinahalikan ang buhok niya kaya di niya mapigilan na maiyak uli. Bakit ba ganito nanaman ang inaasal ni Blake? Naguguluhan lang lalo si Hannah dahil sa mga ginagawa niya. 


"Sorry. Sorry, pumasok na tayo. Malamig dito"bulong nito sakanya pero bigla siyang humiwalay sa yakap ni Blake na ikinagulat nito. 


"A-Ayoko. Balikan mo nalang si Allison sa loob"sagot niya at humakbang patalikod


"Come on, Hannah. Ano ba? Pumasok na nga tayo, I was just carried away awhile ago. Believe me"may halong pagmamakaawa na sabi ni Blake at sinubukan muli kunin ang kamay niya pero hinila ito ni Hannah na tila napapaso siya mula sa mga ito


"Ayoko nga eh. Pumasok ka kung gusto mo, hihintayin ko si Chase dito"matigas na pagtanggi ni Hannah at nakita niya nanaman ang pagdilim ng hitsura nito. 

Falling for my Husband[On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon