Chapter XVI-Take Me Home

279 7 0
                                    

Take Me Home


Blake's POV


"B-Blake,bumalik ka na"


Nagising ako ng maramdaman ko ang pagpupumiglas ni Hannah sa tabi ko. Naririnig ko rin na binubulong niya ang pangalan ko. Minulat ko agad ang mata ko at nakita kong pawis na pawis na siya. Nang mapagtanto ko na binabangungot siya ay agad ko siyang ginising at buti nalang ay agad niyang minulat ang mata niya. Nagulat rin ako ng bigla niya akong yakapin at patuloy lang siyang humahagulgol


"Hannah? Napano ka?"inilayo ko siya ng kaunti sa akin at nakita kong nanginginig ang labi niya at maputla siya. Hindi na rin tumigil sa katutulo ang mga luha niya.


"Blake,sasama na ako sayo. Wag kang umalis,please. Dito ka lang"hinihikbing sabi niya na may kahalong pagmamakaawa.


Tumango nalang ako at niyakap ko siya uli. Kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganito at kung bakit lumayo ang loob niya sa akin. Kailangan kong ibalik ang mga nararamdaman niya noon para sa akin. 


"Hannah? Gusto mo na bang umuwi?"mahinang bulong ko sakanya habang hinahaplos ko ang buhok niya


"Uwi na tayo,Blake.Ayoko na dito"takot na takot na sagot niya at kumawala na siya sa akin. Nag umpisa na akong magligpit ng mga gamit namin at sinigurado ko ng walang maiiwan. Inayos ko na rin ang kama niya at tinawag ko na ang nurse para i assist siya papunta sa parking lot.


"Magbabayad muna tayo ha? Uhm,miss,ako nalang bahala sa asawa ko.Salamat"nag bow lang nurse at naglakad na paalis


Binayaran ko ang bills ni Hanah at di na ako nagulat sa laki nito na halos tatlong milyon. Halos apat na buwan siya rito kaya sigurado akong mataas talaga ang bills niya. Buti nalang at may ipon na ako at nabayaran ko kaagad ang kalahati ng bills last week. Lumakas rin kasi ang resort namin sa Bataan at Palawan kaya naman maluwag ang bulsa ko sa ngayon.


"Blake? Pwede bang maglakad nalang ako?"mahinang tanong niya at ngumiti siya ng bahagya sa akin. Tinulungan ko siyang tumayo at tinulungan kami ng guard na dalhin ang mga gamit namin sa kotse. Inayos ko na rin ang seat belt ni Hannah at nakita ko rin na parang natatakot pa siyang sumakay sa kotse. Noong una ay kinabahan ako dahil parang ayaw niyang pumasok ng kotse pero maya maya ay kumalma na rin siya at nakahinga ng maayos.


"Blake,wag ka masyadong mabilis ha?"pakiusap niya at inassure ko naman siya na dahan dahan lang ako sa pag d-drive


"Okay ka lang?Di ka ba nagugutom?"tanong ko sakanya habang pauwi kami at nakita kong namula siya at parang nahihiya


"Okay lang,anong gusto mong kainin?"


"Uhm,pwede bang Mcdo?"


Natawa naman ako dahil ang cute niyang mahiya. Pagkasabi niya na Mcdo ang kakainin niya ay tinakpan niya ang mukha niya at umiwas ng tingin sa bintana. 


"Sige,ano bang gusto mo?"


"Gusto ko ng Quarter pounder tsaka large fries at Mcfloat"nahihiya pa rin na sagot niya 

Falling for my Husband[On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon