Dara
Nabuhay ang diwa ko ng may tumamang liwanag sa mga mata ko. Kahit nakakasilaw ay pinilit kong ibuka ang mga mata ko.
Tumambad sakin si mama na nasa pinto at nakahawak pa sa switch ng ilaw.
"Bangon na. Magsisimba pa tayo." Pagkasabi ay sinara niya na din agad ang pinto.
Ugh. How I hate morning.
Kinapa ko ang cellphone sa tabi ng unan ko. Nang makuha ay agad kong binuksan ang fb at nagcheck ng kung ano. Tinignan ko din ang 3 messages sa messenger ko.
Galing lang kay Sam at dalawa ko pang classmate.
Samara Gomez active 2 hours ago
Happy birthday goooorl!Nasan na shanghai ko?
Napangiti ako sa tanong niya, mukhang shanghai talaga kahit kelan.
Dara
No shanghaiBumangon na ako tsaka nag inat inat. Sa taon taon na pagb-birthday ko nakagawian na namin ang magsimba. Sabi ni mama dapat daw magpasalamat kasi panibagong taon na naman para sakin.
Nang makaligo at makapag ayos ay dumiretso na ako sa sala. Nandon si kuya, napangiti ako ng makitang hindi siya nakauniform. Buti naman at nagtime out siya sa trabaho niya. Kala ko kahit birthday ko di niya palalagpasin at magtatrabaho pa din siya eh.
Umupo ako sa kaharap niyang upuan tsaka lumantak. Pinalo niya pa ang kamay ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Pero tinawanan niya lang ako. "Happy birthday pikon."
Lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Alam ko naman bat kailangan pa ipaalala.
Lumabas naman galing sa kusina si mama, dala ang isang basong bagong timpla na gatas. Agad na nawala ang inis ko kay kuya at kinuha ang gatas.
"Thanks ma!"
"Bat ako wala?" Reklamo ni kuya.
"Magtimpla ka don." Sagot ni mama habang paupo sa isa pang bakanteng upuan. Ngitian ko naman nang pang asar si kuya. Mama is my kakampi! "May girlfriend ka na at lahat, ako pa din magaasikaso sayo?"
Nakita ko si kuya na nagmake face lang. Natahimik naman ako bigla. Kapag sumabat ako for sure sakin ang balik 'nun, kaya mas mabuting tumahimik na lang.
Nang matapos kumain ay dumiretso na kami sa simbahan. Halos 20 minutes din ang binyahe namin, pero on time lang naman. Ayaw ni mama na nalelate sa simba. Masyadong strict 'tong si mama eh gusto organized lahat at naayon sa plano niya.
Umupo kami hindi kalayuan sa pintuan ng simbahan. Hindi ko tuloy maiwasan mapatingin sa labas habang nagmimisa. Nakikinig naman ako kaso naaagaw talaga ng pusa sa pinto yung atensyon ko.
Kulay puti ito at mukha na itong adult– para sa pusa syempre. Nakakatuwa yung kulay itim nito sa isang paa. Para siyang nakamedyas pero isang paa lang ang meron.
Nagulat ako ng tinapik ako ni kuya. Di ko namalayan na napahagikhik na pala ako. Ang cute kasi 'nung pusa, siguro kung makikita ni Hana yon matutuwa siya.
BINABASA MO ANG
Under the Rain
Teen FictionDara hates rain. She hate it when it's raining, it reminds her of her past that she wants to forget. Everytime na umuulan pinapaalala lang nito ang sakit at pagkasira nilang magkakaibigan. Then he met this weird guy na may ari ng pusa na lagi niyang...