Three

45 6 0
                                    

Dara

"Last na 'to promise! Aalis kami ni Jackie pagtapos nito, tapos ayaw mo pa pumayag." Umarte pa siya na tila ba nagtatampo. Alam talaga niya ang kahinaan ko!

Awtomatikong umikot ang mga mata ko. Nasanay akong gawin 'to kapag natatalo na ako, pantago man lang sa pagsuko. "Okay fine. Basta sa malapit lang."

"Thank you!!"  Masigla akong niyakap ni Hana na tuwang tuwa dahil sa napagdesisyonan.

Gala with friends!! We're on it!!

"No..."

Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga dahilan para mas lalong tumulo ang mga luha ko. Tumingin ako sa orasan at ganon na lang ang panlulumong naramdamam ko nang makitang alas dos ng umaga pa lang.

It's here again, these dreams na nagpapagising sa akin sa gitna ng gabi.

Kung hindi dahil sakin wala sanang masamang mangyayari.

Akala ko di ko na ulit mapapanaginipan ang nangyari, pero heto at pinapaalala na naman sakin na ako ang may kasalanan ng lahat.

Pinunasan ko ang luhang patuloy na bumagsak. I can handle it. Kung nahandle ko 'to dati kaya ko ulit ngayon. Huminga ako ng malalim at pinagdasal si Hana, pati na din ang pamilya niya.

With the thoughts of Hana, mas lalo lang akong nalungkot.

Sorry Hana. Sorry.

Ako ang pumutol sa buhay niya. Hindi dapat ako basta basta pumayag sa gala na yon.

Napahawak ako sa noo ko nang makaramdam ako ng pagkirot mula dito.

Patuloy ko lang itong hinilot hanggang sa unti unting mawala ang kirot. Humiga na lang ulit ako tsaka pinilit na matulog.

"D-dara."

No. Please Hana, stop.

Dumilat ako at tumingin sa kawalan. Bigla na lang lumabas ang imahe ni Hana sa kisame at gaya ng dati, suot niya ang ngiti niyang kahit na sino ay mahahawa.

"Sorry." Hindi ko na napigilan ang kanina ko pa pinipigilan na paghagulgol. "I'm so sorry."

//

"Paki kuha ang yung thermometer sa baba, naiwanan ko." Narinig ko ang boses ni mama mula sa nagigising kong diwa, sumunod naman ang papalayong mabigat na yabag ng mga paa.

Gusto kong dumilat pero ramdam na ramdam ko ang hapdi sa mga mata ko.

"Dara, gising ka na?" Tanong ni mama. Kahit mahapdi ay pinilit ko pa din dumilat. Bumungad sakin ang alalang alalang mukha ni mama. "Ano bang ginawa mo ha. Sobrang taas ng lagnat mo. Gusto mo bang madala sa hospital ha?"

Agad akong umiling kaya napabuntong hininga siya at kinumutan ako. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, di ko alam kung makakapasok pa ba ako.

Napalingon naman ako sa pintuan ng biglang sumulpot doon si kuya. Nakauniform na siya, siguro papasok na kaso naabala ko pa.

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon