Dara
Medyo makulimlim na ng makarating ako sa labas ng school. Hindi na naman sumabay sakin si Sam.
"Inaya ako, kakain daw kami eh. Sayang naman kung tatanggi ako."
Ewan ko ba kung easy to get ang babaeng yon or gusto lang makalibre. Sana kkb sila.
Habang naglalakad hinanap ko sa bag ko yung foldable payong ko... kaso kung minamalas ka nga naman.
Ilan lang ang zipper sa bag ko kaya dapat mabilis kong mahahanap yon. Kaso kailangan ko ata muna umuwi ng bahay bago ito mahanap. Sigurado akong nasa higaan ko yon. Dadalhin ko dapat yun eh.
Bibilisan ko na lang umuwi para hindi ako abutan ng ulan.
Di pa ako nakakalayo sa school ng tumunog ang message alert ng cellphone ko. Kinuha ko naman yon sa bulsa ko at tinignan kung sino ang nagtext.
Mama
1 pc. chicken, coke float and fries. Thank you nak.Wow ano ako fastfood? Si mama kapag nagcrave hindi pwedeng hindi makakain ang cravings.
Napailing iling na lang ako. Hindi na ako nagreply kasi wala naman akong load. Basta alam na niya yun at asahan na niya ang pagkain niya mamaya.
Binilisan ko nang makapunta sa fastfood restaurant hindi kalayuan sa school. Pumila na ako kaso sobrang haba. Napatingin naman ako sa labas, wag lang sana ako abutin ng ulan.
Nang makuha ang order ay agad na akong lumabas. Bitbit ang paper bag ay agad akong tumakbo, madilim dilim na at naambon na. Swerte nga naman.
Nang matanaw ang waiting shed sa park ay agad akong sumilong don. Sayang naman yung pagkain kung mababasa lang. Syempre umorder din ako ng sakin, di naman pwedeng matakam ako sa mama ko na sarap na sarap sa fried chicken niya.
Naamoy ko pa ang mabangong amoy ng fried chicken. Mygahd!! Nagugutom na ako.
Hindi nagtagal, ang kaninang ambon ay tuluyan naging ulan. Sa mga time na 'to dapat kita na yun sunset eh, kaso paepal talaga itong ulan na 'to.
"Hana!"
Kahit malakas ang ulan ay lumabas pa din kami ni Jackie para maghanap ng masasakyan. Bigla na lang nanghina si Hana, at hindi namin alam ang gagawin.
Hindi alitana ang malakas na buhos ng ulan, desperado kaming makahanap ng masasakyan para lang masaklolohan ang naghihinang si Hana.
Bumalik sa katinuan ang isip ko ng maramdaman ko ang basang tumalsik sa mukha ko.
Napatingin naman ako sa lalakeng humahangos papunta dito sa waiting shed. Umatras ako para di na niya ako mabasa. Inangat ko naman ang isa kong kamay na nakayakap sa paper bag para magpunas.
Buong akala ko talsik lang galing sa kanya ang bumasa sa mukha ko. Di ko namalayan na may luha na din palang tumulo galing sa mata ko.
Huminga ako ng malalim at tinuon sa daan ang tingin. Wala akong load para matext si mama, sana may dumaan na tricycle para makauwi ako agad.
Hindi ko na sana papansinin kaso kanina pa ako napipilansikan galing sa gilid ko. Masama akong tumingin sa lalakeng nakaupo na ngayon at pinapagpag ang buhok niya. Sinusubukan niya ang pasensya ko??
BINABASA MO ANG
Under the Rain
Teen FictionDara hates rain. She hate it when it's raining, it reminds her of her past that she wants to forget. Everytime na umuulan pinapaalala lang nito ang sakit at pagkasira nilang magkakaibigan. Then he met this weird guy na may ari ng pusa na lagi niyang...