Dara
"Ma magaling na po ako."
"Pano ka gagaling eh wala ka ngang iniinom sa kahit na anong gamot mo."
Okay fine. Pero hindi na naman na kasi masama ang pakiramdam ko. Ayaw niya ako payagan lumabas or kahit tumayo man lang!
Parang 'nung isang araw lang kitang kita ko kung pano siya mataranta dahil sa pagaalala, ngayon pinapagalitan na naman niya ako.
"Stay." May diin na sabi niya tsaka lumabas ng kwarto ko.
Bagot na bagot na ako dito. Si Sam hindi man lang ako magawang replyan, inuuna niya pala yung mga lalake niya bago sakin. Ako kaya yung kaibigan niya.
Isang araw na ang nakalipas matapos 'nung nangyari sa hospital, sinabi ni mama na hinimatay ako sa kusina 'nung gabi at duguan kaya dinala niya agad ako dun.
Napatingin ako sa braso ko na bakas pa ang mga maliliit na sugat. Yung iba mababaw lang kaya mabilis lang humilom, may iba naman na fresh pa. Akala ko pa naman di na ako magkakapeklat, madami dami din 'to.
Napatingin ako sa bintana nang makarinig ng mga pagkulog. Tanghali pa lang pero medyo makulimlim na agad. Feeling ko pag naulan mas lalong ang boring.
Bigla kong naalala yung lalake sa hospital 'nung isang araw. Nagmamadali si mama 'nun na isakay ako sa sasakyan pero yung paningin ko nasa kanya. Si mama tarantang taranta samantalang ako humupa na ang panginginig at nakatitig sa kanya.
Bakit kasi siya nakatingin sakin? Hindi naman kami tumakas ni mama sa hospital. Sadyang nagmamadali lang kami.
Sigurado akong siya din yung lalakeng madamot na may ari ng pusa. Ano naman kaya ang ginagawa niya sa hospital? Wala naman akong nakitang weird sa kanya at hindi din siya nakahospital gown para maging pasyente, hindi din nakauniform ng pang hospital gaya ni kuya kaya sure akong hindi siya empleyado don.
May kamag anak ba siyang nakaconfine? Ah teka nga, bakit ba ako curious sa kanya.
Umiling iling ako at kumuha ng tissue para punasan ang sipon ko. Medyo magaan na ang pakiramdan ko pero yung sipon ko di pa din nawawala. Buti na lang hindi ako inubo kundi dagdag gamot na naman yun. Pero wala naman akong iniinom sa mga gamot na binigay nila sakin kaya no use din.
Kinuha ko ang cellphone ko tsaka dumiretso sa facebook. Gaya ng mga nakaraang araw ganon pa din, puro memes at syempre hindi mawawala ang "jowang jowa" shares ni Samara. Kala mo talagang walang lalake eh.
Sunod sunod na nagvibrate ang cellphone ko kasabay naman 'nun ang pag pop up ng gc ng section namin. Sunod sunod din ang mga chat nila na hindi ko na masundan dahil ang bilis mawala.
Pipindutin ko na sana yung gc ng magpop up naman ang picture ni kuya ethan kaya sa kanya ang naopen ko.
Ethan
Ilibre niyo koDara
Palibre ka sa jowa moEthan
AbahWala ka lang jowa eh
Whatever kuya. Bitter lang siya dahil napagalitan siya sa hospital dahil sa ginawa namin ni mama. Ah bahala siya ayoko na maalala ang nangyari na yon.
BINABASA MO ANG
Under the Rain
Teen FictionDara hates rain. She hate it when it's raining, it reminds her of her past that she wants to forget. Everytime na umuulan pinapaalala lang nito ang sakit at pagkasira nilang magkakaibigan. Then he met this weird guy na may ari ng pusa na lagi niyang...