Five

25 5 0
                                    

Dara

Tanghali na ng magising ako galing sa mahimbing na tulog. Nagmamadali ako kumilos ng sabihin ni kuya na sa labas daw kami magla-lunch,

Well it's that time of the month! Makakabili na naman ako ng bagong damit!!

Nang matapos sa pagbibihis ay tumingin ako sa salamin. Ayos lang naman siguro ang highwaist skinny jeans and pull over para sa pagm-mall 'no? Tag ulan naman kaya okay lang mag long sleeve.

Kinuha ko ang bag ko tsaka lumabas ng kwarto. Pagbaba ko naman ay sinalubong ko sila ng ngiti. Nakabihis na si kuya at chill na nakaupo sa sofa habang si mama naman ay nagd-double check sa bahay. As usual mom being a mom.

Tumabi ako kay kuya at malawak na ngumiti sa kanya. Magiging mabait muna ako sa kanya for now, kundi walang free damit.

"Good mood ka ata ngayon?" Tanong niya habang nakitingin sakin na para bang pinagdududahan ako.

"Well, syempre sino bang hindi." Sagot ko na lang. Para man lang maintriga siya.

"Sabi ni mama nakangiti ka daw umuwi kagabi. Ano kayang nangyari sa kapatid ko?"

Nanlaki ang mata ko at agad na napalingon sa kanya. Nakita ako ni mama kagabi? Medyo late na ako umuwi dahil ang tagal maging ambon ng ulan kagabi. Tsaka nakatawa kaya ako hindi nakangiti! Hanggang paguwi kagabi dala dala ko sa isip ko yung 'dianne'.

Di ko napigilan matawa kaya agad kong inipit ang bibig ko para di ako mahalata ni kuya. Kapag nalaman niya yon aasarin na niya ako at yung asar na yon habang buhay kong dadalhin.

Tumingin siya sakin na para bang kinikilatis ako. Umiwas ako ng tingin tsaka tumayo at nagpunta sa kusina pero laking gulat ko ng paglingon ko ay seryoso siyang nakatingin sakin at nakatitig pa din na parang pinagaaralan ang bawat galaw ko.

"Ano pang ginagawa niyo dito?" Napalingon ako kay mama at nang makita siya sa dining area ay agad akong lumapit sa kanya. "Tara na."

Dahil malapit sa bukana si kuya ay siya ang naunang lumabas. Sumunod naman kami ni mama at hindi pa nagpahuli at chineck ulit ang mga saksak sa likod ng tv. Nang masiguro na okay naman ay lumabas na din siya at nilock ang pinto.

Nasanay na lang kami kay mama na ganyan tuwing lalabas kaming lahat, pero kahit siya lang mag isa ang aalis ganyan din siya mag check. Hinayaan na lang namin ni kuya kasi ganon naman ata talaga kapag nanay.

Sumakay ako sa backseat, sa driver's seat naman si kuya at passenger seat si mama. Ganito naman lagi ang setup namin.

Nang magsimulang umandar ay kinuha ko ang cellphone ko at nagbrowse sa fb.

"Ay nga pala ma." Panimula ni kuya kaya kahit hindi ako si mama ay inabangan ko pa din ang susunod niyang sasabihin. "Baka sumunod na lang po si Nika."

"Yung girlfriend mo?" Tanong ko.

Saglit na sumulyap sakin si kuya sa rear view mirror. Feeling niya ba nagseselos ako kasi hindi na ako ang baby girl niya? Medyo lang!

"Dapat hindi siya malate kundi babawiin ko na ang balak kong maging mabait sa kanya." Sabi ko na lang tsaka tumingin sa bintana.

Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon