SD 13

26 5 6
                                    



South's

"Asher, ba't napadalaw ka?" Sinamantala ko ang pag-alis ng mga kapatid ko sa living room at hinila siya papunta sa corridor. Nanatili siyang nakatungo habang tinitingnan ko siya

Why are you here? Bakit hindi nalang si Lance ang ipinadala ng Diyos? Ugh. I need to get rid of him, si Lance ang kailangan ko

Saglit ko siyang tiningnan dahil naramdaman ko ang titig niya na palihim niyang isinasagawa. So here it goes...

"Asher, sorry" napatungo ako matapos kong humingi ng tawad. Naalala ko yung sinabi niya sakin nung huli kami nag-usap, sorry lang ang gusto niyang marinig sakin. Tiningnan na niya ako and the guilt I felt suddenly faded

"Alam ko na ang mean ng mga words ko noon and I regretted that, may be ito na yung oras para maging okay tayo diba?" Nakatitig ako sakaniyang mga mata, binabasa ang mga sinasabi nito sakin

Ngunit, wala akong maintindihan o mabasa

Bakit ganito ang nangyayari kapag sinusubukan ko siyang intindihin?

Ayaw ba niyang intindihin o basahin ko siya? Why won't he let me?

Tahimik lang niya ako tinitingnan, there were no words coming from him kundi ang mga mata niyang nangungusap. Napasapo nalamang ako sa mukha ko dahil sa depresyon na nararamdaman ko ngayon, jusko

"Aysh. Asher, mag salita ka naman. Nag sorry na 'ko, okay na? Anong masasabi mo?" Hindi naman halata sakin na gusto ko talaga ng feedback no? Kahit sabihin manlang niya na 'Okay na tayo South' 'Kalimutan na natin yung sinabi mo at sinabi ko' 'Wala ng goodbyes'

Pero imbis na ganu'n ang marinig ko mula sakaniya, ay para akong nanigas sa kinatatayuan ko at nakaramdam ng pagkawala ng importansya sakaniya

"Si East ang pinunta ko"

For a minute, it hit me. Nakaraan ang ilang minuto bago ako maka recover. Hindi ako ang hanap niya?

"Ha? Si East?" Nagproproseso parin sa utak ko ang mga sinabi niya. Teka, bakit ang kapatid ko? Kelan pa sila nagging close? Mas close pa ba sila ni East kesa samin?

Dahil ba 'to sa nagging away namin? Sa mga sinabi ko?

Pero bago pa ako makapagsalita ay lumabas na ang hinahanap niya. Lumabas ng unit si East na suot ang two-piece niya at see-through blazer

"Oh, andyan pala kayo pasensya sa abala hihihi" humagikhik si East at umalis nalang bigla, tiningnan ko ang reaksyon ni Asher pero sinundan lang ng mga mata niya si East na sumakay ng elevator at may tinawagan

I smirked at the back of my mind. Huh, East pala ha? Sinong niloloko mo?

"Still looking for East?" I was wearing a jerky smile ng ma-realize ko na humagilap lang siya ng palusot "So tell me Asher, anong ginagawa mo dito, sinong kasama mo?" I crossed my arms wearing a smile of triumph at kunwari ay hinahanap ang kasama niya, pero walang tao o pamilyar na mukha ang dumadaan sa corridor

Napakamot nalang siya sa batok niya at tiningnan ako. Tama nga ako, hindi siya nag bago. Akala ko lang...

"So, wala kang sasabihin?" I said with a wide smile at nakita ko nanaman kung paano maningkit ang mala langit niyang mata. He smiled as I felt butterflies in my stomach

Teka, ano 'to? Ba't may pa butter-butterfly pa? Jusko naman South. Napasapo nanaman ako sa mukha ko at napailing

Muli ko siyang tiningnan na nagsasabing 'wala-ka-bang-sasabihin-look' ngunit kumunot lamang ang noo niya

Santillian Series 1: Santillian in DistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon