The new mission
Nakatayo at nakabulsa ang kamay ko sa aking pantalon. Nakatulala lang ako sa kawalan. Madilim ang paligid, tanging iisang ilaw lang ang nakikita ko sa silid na ito at ang ilaw na iyon ay nakatutok sa akin. Tama, isa nga iyong spotlight.
Ganito lagi ang senaryo kapag may napakahalagang misyon na naman ang ibibigay sa akin, pero bago nila--ng mga taong nakapalibot sa akin ngayon-- sabihin kung ano ito, ay may ipapakita muna silang litrato na i-fa-flash ng projector sa harapan ko.
"Kung isa ka talagang magaling na detective agent ay mahuhulaan mo ang susunod mong misyon sa pamamagitan ng mga litratong ipapakita namin sa iyo." 'Yan ang sinasabi nila noong baguhan pa lang ako sa sikretong organisasyon nila na kakaunting porsiyento lang ng tao ang may alam. Isa ako sa porsiyentong iyon na masasabi kong isa ng beterano ngayon kaya't hindi na nila binanggit pang muli ang mga linyang iyon, hinayaan na lang nila akong hulaan ito.
Litrato ng isang wolf at isang tao ang naka-flash sa harap ko. Napakunot ang aking noo.
"May isang taong nakagat ng lobo at na-ulol?" Duda ko, hindi kasi ako sigurado. Kung iyon nga ang kaso ay bakit ang isang beteranong detective agent ang lalapitan nila at hindi doktor? O kaya nama'y beterenaryo nang maalis ang rabies ng tao at lobong iyon?
"Himala't sa dami ng kasong nahulaan at natapos mo na, ay ngayon ka pa nagkamali. Masiyado bang komplikado ito para sa labinlimang taon mo nang panghuhula at ni isang kaso'y wala kang namintis?" Pagkasabi ng aming boss sa organisasyong ito ay sabay na lumiwanag na ang paligid at nawala na ang litratong kanina'y naka-flash. Nakangisi siya ngayon sa may bandang kanang harap ko na tila'y tuwang-tuwa pa't mali ang hinala ko.
"Dapat bang sa lahat ng oras ay tama ang hula ko? Isa akong detective na nagkataong marunong lamang um-analyze. At aaminin ko na sa pagkakataong ito ay nagkamali ako. Isa pa, hindi ako manghuhula." Depensa ko nang wala man lang reaksyon sa mukha ko. Napahalakhak naman siya.
"O siya, baka kung saan pa mapunta ang usapan na ito. Mahalagang-mahalaga ang misyon mo ngayon kaya mabuting ipagpaliban muna natin ito." Senyales lamang 'yon na bigo siyang inisin ako. Sa ilang taon nga naman kasing paglilingkod ko sa kanya ay iisang reaksyon lamang ang natatanggap niya mula sa akin, at iyon ay wala, blanko, o mas magandang sabihing kalmado na may bahid ng kaseryosohan sa trabaho lang. Hindi biro ang pagiging isa sa pinaka-pinagkakatiwalaang detective agent. Kailangan mong maging matatag at seryoso sa trabahong ito. Ang ngiti, galit, lungkot ay ipinapakita lamang kapag hinihingi ng pagkakataon. Sa madaling salita, pinipeke ito. Hayung ibang detective na nakapaligid sa akin ngayon ay hindi ata ganito ngunit, ganito ang aking naiibang isitilo.
Ipinasa ng aking boss sa kanyang kanang kamay ang mga sasabihin, na siya ring nag-train sa akin at sa iba pang mga baguhang agents noon. "Narinig mo na ba ang mga taong nag-aanyong lobo?" Mas lalo akong nagtaka sa tanong niyang iyon. "Isa lamang iyong kathang isip, hindi ba?" Pahabol pa nitong tanong na ikinatango ko. Hindi totoo ang mga ito, sa mga kuwento at palabas lamang ito nakikita na likha ng mga taong makulit ang imahinasyon. Sobrang layo nito sa realidad at isa lamang kababalaghan.
"Anong kinalaman nito sa misyon na aking gagawin?"
"It is your main subject." Napataas ako ng kilay, "Hindi sila totoo, kasasabi mo lang, hindi ba?"
"Totoo sila, Clark." Tinig ng babae iyong aking narinig na nagmula sa binibining nakasandal sa may pader malapit sa pintuan. Nakakulay abong sweater at maong na pantalon siya habang unti-unti siyang pumupunta sa harapan. Hindi ko siya kilala, at hindi ko rin alam kung bakit niya ako kilala.
"Dalawampu't limang taon na ang nakakaraan, nang maubos ang lahi nila at ang mga taong kasapi noon ng organisasyong ito ang nakapatay sa kanila." 25 years ago? Tatlong taong gulang na ako noon.
"Hindi alam ng ibang taong totoo ang mga ito, dahil sa sikreto ang organisasyong ito ay pasikreto ring inubos ang mga taong lobo. Sinunog ang bawat ebidensyang magpapatunay na may mga totoo ngang nabuhay na werewolf. Kaya sa ngayon, sinasabing kathang isip na lamang ito." Paliwanag pa niya, napaka-convincing nang pagkakapaliwanag niya. Pero, hindi pa rin ako lubusang naniniwala.
"Kung gayon, anong dahilan at iyon ang paksa ng aking misyon? Kung ubos naman na sila?"
"Iyon na nga rin ang akala namin." This time, seryosong nagsalita ang boss namin.
Akala nila? Ibigsabihin ba nito'y...
"May isa pa palang naiwan, at iyon ay ang sanggol na anak ng isa sa mga pamilya ng taong lobo noon. Nitong nakaraang araw lamang namin nalamang may natira pa pala." Napalunok ako ng laway, para akong nasa isang pelikula o nobela ngayon na kung saan nagkakatotoo ang mga kathang isip lamang. O baka nga totoo talaga ang lahat ng ito at wala lang akong kamuwang-muwang? Katulad ng ibang taong labas sa lihim ng organisasyong ito, at ngayong kasapi na nga nila ako'y napapatunayan ko na rin sa sarili ko na maaari palang magkatotoo ang hindi mo aakalaing totoo.
Unti-unti ko nang nakukuha ang ideya.
"Malaking banta ang halimaw na ito, maaari nitong simulan ang nitsa nang pagkaubos ng sangkatauhan gaya ng plano ng ninuno nito noon." Dagdag ng kanang kamay ng boss ko, napalunok muli ako ng laway ko. Seryoso nga ang kasong ito.
"Kaya inaatasan ko kayo ni Sophia." Order ng boss namin sabay turo kay Sophia, na 'yung babaeng nagpaliwanag sa akin na totoo ang mga werewolf. "Na hanapin at patayin ang natitirang taong lobo na ito bago pa siya makapaminsala."
"Patayin? Hindi ako pumapatay, kahit na halimaw pa iyan! Humuhuli lamang ako." Angal ko, napangisi lang muli 'yong boss namin. "Oo, alam ko. Kaya nga kasama mo sa misyong ito si Sophia na pinakamagaling na assassin ng organisasyong ito." Siya pala ang sinasabi nilang mahusay na assassin. Magkaiba kasi ang departamento ng mga assassins at detective agents ng organisasyong ito. Kung sila ay pumapatay ng direkta, kami nama'y nag-iimbestiga ng napakaraming suspects at saka huhulihin ang tunay na may sala.
At dahil sa hanap at patay ang kailangan sa misyong ito, kaya kami ang naatasan.
Napatingin ako kay Sophia at binigyan niya lang ako nang napakatamis na ngiti sa labi niyang kulay rosas. Hindi ako ngumiti pabalik at binaling muli ang atensyon kay boss.
"Ito ang mga primary suspects natin na may mga unusual activities kaya napagsuspetiyahan namin, dalawa lang sila kaya aasahan ko, Clark, na malalaman mo kaagad kung sino ang nagpapanggap sa kanila at nang mapatay na agad ni Sophia, bago pa mahuli ang lahat." Binigyan niya kami ng tig-isang papel na may parehong nilalaman. Dalawang litrato. Iyong isa ay lalake na nagngangalang Galleo at iyong isa naman ay babae. Hindi ko pa man nakikita 'yung pangalan nito ay nakilala ko na. Si Achea ito a? Iyong sikat na sikat na actress ngayon. Isa siya sa mga primary suspects? Ngunit hindi na bago sa akin ito dahil noon nga'y mga presidente pa ng bansa ang nahuhuli ko. Ano pa kaya ang isang artista?
Sa kabilang page nu'ng papel ay may malaking nakasulat doon na nakadiin. Ito ang sasabihin naman pagkatapos itanong ng boss namin kung ano ang misyong dapat naming tapusin.
"Sasabihin ko ulit, malaki ang tiwala ko sa inyong dalawa kaya inaasahan kong mapagtatagumpayan niyo ito, naiintindihan niyo naman siguro kung gaano kaseryoso ang kasong ito?" Sabay kaming tumango, "Ok then, What is your mission now, Clark and Sophia?"
Sinabi namin 'yung nasa ikalawang pahina with an assurance tone of voice. "To find and kill, The Last Lycanthrope."
:;:;
BINABASA MO ANG
The Last Lycanthrope
WerewolfSi Clark at Sophia ay naatasan ng isang hindi pangkaraniwang misyon at iyon ay ang hanapin at patayin ang huling werewolf na nabubuhay sa mundo, sa kadahilanang may dala itong malaking banta sa sangkatauhan at upang makapaghiganti. Magawa kaya nila...