Dapat Ako
"Paano ito naging posible?" In-explain ko kay boss lahat ng na-imbestigahan ko at nalalaman ko. Posible 'yon sa pagtrato pa lang ni Achea kay Sophia. Ang akala ko noong una, bilang paggalang lang ang pagtawag niyang ate pero totoo palang ate niya ito, at sa kung paano siya iligtas at pagtakpan ni Sophia ay walang dudang magkapatid nga sila.
"At narinig ko na may plano sila kanina para maghiganti sa werewolf. Kay Galleo." Dagdag ko, napahawak sa ilalim ng baba nuya si boss na tila inaanalyze lahat ng aking sinabi.
"If that so, bakit ipinipilit ni Achea na siya ang werewolf?" Tumama ang tanong na 'yon sa buong katawan ko, hindi ko alam ang sagot, dahil hanggang ngayon ay misteryo pa rin iyon para sa akin.
Bakit nga ba? Kung alam niyang hindi naman siya ang werewolf? Gusto niya lang ba talagang mamatay at takasan ang kanyang buhay o may mas malalim pang dahilan?
Nagkibit-balikat ako. Napangisi naman si boss sa aking ginawa. "Greatest detective agent ha?" Napatingin ako ng masama dahil sa sinabi niya, minamaliit na naman niya ako porket hindi ko alam ang sagot sa tanong na iyon. Kailangan ba lahat alam ko?
"Pero, kung magkapatid talaga sila, at kung ano mang dahilan ni Achea para magpanggap na werewolf. Hindi na iyon mahalaga pa dahil nakumpirma na talaga natin kung sino ang werewolf." Ngisi niya, pero hindi ako kumbinsido. Oo, tapos na nga ang misyon. Pero bilang detective agent, hanggat may misteryo, hindi ako titigil.
"Aalamin ko pa rin." Desido kong sambit, napatango lang nang may nakakalokong ngiti si boss.
"Ano ang aalamin mo?" Ramdam kong nagsitaasan ang aking mga balahibo nang marinig ko ang boses ni Sophia mula sa likod ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko nang biglang sumigaw si Galleo na ngayo'y nakakulong at nakapangaw na sa mga rehas."Sophia! Minahal kita! Paano mo nagawa sa akin ito!" May galit ang tono ngunit hindi maipagkakailang pagmamahal pa rin ang nangingibabaw. Nagayuma ata talaga si Galleo. "Dapat ako na lang ang pinatay mo! Bakit mo pa dinamay ang kapatid ko!" Napatingin ako kay Sophia para makita kung ano ang reaksyon niya na ngayo'y nagtatagumpay na siya sa plano nilang magkapatid at mukhang sobra-sobra pa nga.
Ang akala ko'y nakangiting-tagumpay siya pero nakatingin siya sa ibang dako na para bang iniiwasang makita at marinig ang mga daing ni Galleo habang hindi maitago ang pagkagat niya sa kanyang mga labi.
Ano itong nakikita ko? Hindi ba dapat masaya siya? Naaawa rin ba siya gaya ko? Pero bakit naman kami maaawa sa halimaw na 'yan na kalahi ang pumatay sa aming mga magulang? Isa pang misteryong sa sarili ko na lang ay hindi ko pa malutas. Nararapat na siguro akong magretiro.
Nagsisisigaw pa rin si Galleo nang marindi ang boss namin, "Tumahimik ka nga diyang halimaw ka! Sophia, kailan mo ba balak patayin 'yan? Malapit na mag-hattingabi, mahihirapan na tayo kapag nabuhay pa iyan."
"Sandali lang!" Nagitla ako nang bigla niyang sigawan si boss, ni si boss ay napamulagat sa inakto ni Sophia. Oo, nagagawa kong sagutin si boss pero ang sigawan? Hindi puwede. "Ako nang bahala! Basta papatayin ko siya!" Ganoon pa rin ang kanyang tono, hindi na nakapagsalita pa muli si boss dahil sa bigla na lang pagiging agresibo ng assassin na ito at para bang nagpapaubaya na lang si boss dahil kaya siya nitong atayin kahit na sino pang gustuhin niyang mawala sa mundong ito. Ni ako ay napahinto pero hindi ko akalaing hihilahin niya ako palabas.
"Mag-usap tayo." Hindi na ako nakatanggi pa dahil sa tono ng pananalita niya na para bang sinasabi nito ang tumanggi ay mapapatay. Nagpahila na lang ako.
Nagtungo kami sa gubat sa kung saan nakatira si Galleo, siya pa ang nagmaneho sa kotse ko, ewan ko kung bakit dito, nagpapahila nga lang kasi ako at hindi ko naman matanong si Sophia.
Maliwanag ang buwan ngayon, bilog na bilog kasi ito at walang ulap ang humaharang, kaya may tanglaw kami sa paglalakad. Malamig na malamig na rin ang hangin, bisperas ba naman ng pasko. Nilalamig na ako kahit naka-tuxedo ako, pero si Sophia ay hindi kakakitaan ng lamig dahil lagi naman siyang naka-sweater at pants kahit na mainit ang panahon.
Hanggang sa natigil kami sa paglalakad nang nasa may lawa na kami kung saan dating inakala naming mag-iibang anyo si Galleo dahil full moon din noon ngunit lumangoy lang pala. Marahil alam talaga niyang nakamsid kami ng mga oras na iyon kaya hindi niya itinuloy ang pagiibang-anyo.
Humarap sa akin si Sophia, agad namang nagtama ang mga mata namin. Titigan lang, walang ni isang naglalakas-loob magsalita, tanging tunog lang ng mga alitaptap ang maririnig. Ilang segundo pa't nagsalita na siya.
"Alam kong alam mo na." Tinaasan ko siya ng kilay, ang ibig niya bang sabihin, 'yung tungkol sa kanila ni Achea? Kanina pa ata siya nakikinig sa usapan namin ni boss.
"Pero, aaminin ko pa rin sa iyo. Liliwanagin ko." Saglit siyang tumigil at saka nagpatuloy, "Oo, kapatid ko si Achea pero hindi ko siya kadugo."
"Huh?" Ang tanging nasambit ko.
"Mclare ako, hindi siya Mclare. Fiorell talaga siya dahil iniwan lang siya ng mga magulang niya sa mga magulang ko." At least, nalaman kong magkapatid sila, pero hindi nga raw magkadugo. Napatango ako at saka nagtanong.
"Kaya ba ipinagtatanggol mo siya?" Tumango lang siya, "Hindi naman talaga siya werewolf e." Napatingin siya sa lawa nang sabihin niya iyon, "Oo, alam ko. Si Galleo ang werewolf hindi ba?" Nanatili lang siyang tahimik at wala siyang isinagot. Sa pag-amin pa lang ni Sophia ngayon ay parang malaking achievement na para sa akin dahil ni kailan ay hindi ako nakakakuha ng impormasyon sa kanya, tama si boss, napaka-misteryosa niya kapag magtatanong ako iiwas siya, sasagot man pero napakatipid. Ngayon lang ata siya nagbigay ng buong impormasyon.
"Kailan mo nga ba siya papatayin? Malapit na ang hattingabi." Iba ang isinagot niya sa tanong ko, "Naaalala mo pa ba 'yung pentagram na tattoo ni Galleo?" Oo, 'yung simbolo ng mga werewolf.
"Anong meron doon?" Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Hindi naman totoong may tattoo siya roon, gawa lang 'yon ng micro chip na inilagay ko sa kanya." Nagkatinginan ulit kami, hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya. Kung gayon, wala pala talagang pentagram na tattoo si Galleo? E hindi ba dapat lang na meron siya kasi werewolf siya? Hindi na ba ako matatapos sa kakatanong. Argh.
"Nagsisisi ako Clark." Sisi? Kailan nagsisisi ang mga mamamatay tao na gaya niya? At saan naman siya nagsisisi? Nababaliw na ba itong assassin na ito?
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong,
"Tama ka." Nakita kong medyo naluluha ang mga mata niya, ano bang nangyayari? Mas lalo akong naguguluhan. "Wala dapat mga inosenteng nadadamay."
Nagsisisi siyang pinatay niya si Alya? Pero kanina lang tuwang-tuwa siya. Nasaniban ata talaga ito ng demonyo e.
"Hindi dapat sila, kundi ako."
:;:;
BINABASA MO ANG
The Last Lycanthrope
Hombres LoboSi Clark at Sophia ay naatasan ng isang hindi pangkaraniwang misyon at iyon ay ang hanapin at patayin ang huling werewolf na nabubuhay sa mundo, sa kadahilanang may dala itong malaking banta sa sangkatauhan at upang makapaghiganti. Magawa kaya nila...