Lycanization
"Kamusta na ang inyong misyon?" Kaharap namin ngayon si boss sa kanyang silid, nakatayo kami sa harap niya habang siya'y nakaupo sa upuang nasa likuran ng kanyang desk.
"May hinuha na po kami sa kung sino ang taong-lobo." taas-noong sagot ni Sophia, oo siya meron. Pero naguguluhan pa rin ako. Werewolf, sige, hindi ko naman akalaing totoo nga sila at sila pala ang halimaw na pumatay sa mga magulang ko!
Ngunit hindi ko lang talaga malaman sa dalawang suspects namin ang dapat kong kamuhian, ang dapat patayin ni Sophia."At sino naman ito?"
"Si Galleo Alston po." Pero hindi talaga ako kumbinsido sa mga pinagsasabi ni Sophia, ewan ko ba? Salungat lang talaga ang kutob ko sa kanya, dahilan para mas lalo akong maguluhan. Hindi ko rin alam kung siya ang susundin ko, e siya ang assassin dito, o ako, na detective dito at may matinding kutob. Subalit, gaya ng sabi ni Achea. Hindi lahat ng kutob o instinct ay tama."Ano ang makakapagpatunay nito?" Sinagot naman ito ni Sophia, gaya ng sagot niya sa tuwing tinatanong ko kung bakit sa tingin niya'y si Galleo nga. Sinabi niya ulit lahat, pero may bago sa aking pandinig siyang inusal.
"At maari akong makakuha ng kanyang dugo na magagamit nating isa sa matibay na mga patunay. Bigyan niyo lamang po kami ng kaunti pang panahon." Napatango naman si boss sa kanyang suhestiyon. Oo nga ano? Sa pamamagitan ng dugo ay maari nga itong ma-identify, ngunit mahihirapan kaming makuha iyon.
"Ikaw ba Clark? Si Galleo rin ba ang kutob at isinisigaw ng instinct mo? Alam mo naman. Ni kailan ma'y hindi nagmimintis ang mga kutob mo kaya bilib na bilib ako sa iyo." Pabiro pang kantyaw sa akin ni boss, mahilig talaga siya sa ganyan. Ang purihin ako tapos minsa'y sasabihin pa niyang nagmana ako sa kanya. E ni hindi ko naman siya kaano-ano? Maaring kaibigan lang siya ng aking mga magulang.
Napatango na lang ako, kahit na ba wala talaga kay Galleo ang kutob ko pero napakalaki naman kasi ng punto ni Sophia. Marahil, sa ngayo'y hindi gumagana ang malakas kong kutob. Maari rin naman akong magkamali sapagkat tao lang ako, hindi ako perpekto kahit na ba tinagurian akong greatest detective agent.
"Napakatahimik mo talaga, o siya. Lumakad na kayo at nang masugpo niyo na, bago pa mag-hasik ng lagim ang taong-lobo na 'yon, gamit ang pakikipagtalik sa tao na maaring dahilan nang pagkasilang ng panibagong lobo o kaya nama'y sa pamamagitan ng lycantrophic bite."
"Lycantrophic bite?" Nangunot-noo ako dahil sa pagtataka, ngayon ko lang kasi ito narinig.
"Ngayon-ngayon lang rin namin napag-aralan ang tungkol sa prosesong ito na maaring gamitin ng mga werewolf upang palaganapin ang kanilang lahi." At ipinasa na niya ang pagpapaliwanag sa kanang kamay niya na ngayo'y kakapasok lang na may dalang papel sa kanyang kamay. Binasa niya ito.
"Lycantrophic Bite or Lycanization, is the power to transform others into werewolves through infection. The user, mainly werewolves, turn humans into a werewolf. This can be done by several methods via curses, claw but traditionally through bite." Natapos na siyang magbasa at tinanggal niya ang kanyang salamin at sinabit sa bulsa ng kanyang polo. Si boss naman ang nagpatuloy.
"Kaya, hangga't maari, bago sumapit ang December 25 ay malaman niyo na talaga kung sino ang werewolf at dapat mapatay." Mas lalo akong naging eager dahil sa mga nalaman ko, marami na silang napatay, at hindi ko hahayaang dumami sila at dumami rin ang mapatay nila! Hindi ko mapapatawad ni ang kahuli-hulihang werewolf na iyon!
Pero teka, "Bakit, December 25?" Pasko iyon a? Ano namang kinalaman ng araw na iyon sa misyong ito? Medyo malayo-layo pa naman ang araw na iyon dahil sa nobyembre pa lang ngayon. Pero ano nga?
Sumenyas ulit si boss doon sa kanang kamay niya, at 'yon ulit ang nagpaliwanag.
"Parehong si Galleo at Achea ay magiging 25 years old sa araw na iyon, at ayon sa aming pananaliksik. Some legends say that anyone born on Christmas is destined to be a werewolf. It's regarded as a divine punishment for daring to compete with the Christ child. Pero, isa nga lang itong legend ngunit, napatunayan namin ito dahil karamihan sa mga werewolf noo'y December 25 ipinapanganak. At sa tuwing nagiging 25 years old na ang werewolf ay dito na nila nakakamit ang kanilang Absolute form kung saan nagiging immortal na sila."
"Paano kung, bago pa namin siya mapatay ay naging immortal na siya?" Usisa ko kaagad, napatingin naman ako panandali kay Sophia na bigla na lang tumahimik, kaya ako na lang ang nakikipag-usap ngayon. Bipolar nga talaga ata ito.
"Iyan ang mahirap," tugon ng boss namin, "Mahihirapan tayong makahanap ng natatanging silver na makakapatay sa kanya, noon, ang mga silver na iyon ay ginawa naming bala para mapatay ang mga immortal na werewolves. Pero, ngayo'y ubos na ito, at hindi naman namin akalaing may natira pa pala. Kaya nga, ngayon pa lang pinapahanap ko na sa inyo, nang mapatay niyo na, bago pa mahuli ang lahat."
Napatingin muli ako kay Sophia, at napatingin na rin siya sa akin. Ngumiti siya, pero hindi ko alam kung ano ang ibigsabihin noon. Paano niya nagagawang ngumiti sa sitwasyong mas lalong tumitindi ang dahilan para talagang puksain ang taong-lobo na iyon?
Sabay kaming tumango bilang pagsang-ayon at sumpa na rin na gagawin namin ito bago pa mahuli. "Hayaan niyo't, sisikapin rin naming maghanap ng silver na iyon para kung sakali man, pero sana. Huwag niyo kaming bibiguin."
"Opo boss. Kung gayo'y lalakad na ho kami." Paalam ni Sophia, tumango naman si boss bilang tugon, naunang lumabas si Sophia, pero bago pa ako makasunod ay may ibinulong sa aking pahabol si boss.
"Mag-uusap tayo mamaya, pagkatapos ng pag-iimbestiga niyo ngayong araw." Hindi na ako nakapagtanong kung bakit kasi siniraduhan niya na ako ng pinto. Mamaya ko na lang siya tatanungin tutal mag-uusap naman daw kami.
Habang nasunod ako kay Sophia ay may biglang pumasok na ideya sa isip ko.
"Bakit hindi kaya patayin mo na lang 'yung dalawa at ng matapos na? Hindi ba?" Confident kong suggestion, Bakit nga ba nagpapakahirap pa kami kung puwede namang patayin ng assassins ang kahit na sino, kahit mga inosente. Mukhang nagiging desperado na ako. Ngayon pa lang talaga sa punto na ito ay gusto ko na talagang mapatay sila. Kung kaya ko lang, ginawa ko na.
"Oo, assassin ako, pinapatay ko kahit na sinong iutos na ipapatay sa akin. Kahit na ba walang kwenta ang dahilan. Ngunit iba ang sitwasyon ngayon, Mr. Greatest Detective Agent." Diniinan niya ang pagbigkas sa taguri sa akin na para bang sinasabi niyang ako pa talaga ang nakaisip ng napakahibang na suhestiyong iyon? At ayon sa tono ng pananalita niya at nakabusangot niyang mukha ay para bang nasaktan ko siya, at masiyado ko siyang minaliit. Hindi naman iyon ang sadya ko e, ang gusto ko lang talaga'y matapos na ito bago pa nga mahuli, nang makahiganti na ako, kami.
"Werewolf ang ipinapapatay. Hindi dapat madamay ang isa sa kanilang inosenteng tao." At ang ibig niyang sabihin ay si Galleo ang papatayin at si Achea ang inosente. O puwede ring baliktad?
:;:;
BINABASA MO ANG
The Last Lycanthrope
Manusia SerigalaSi Clark at Sophia ay naatasan ng isang hindi pangkaraniwang misyon at iyon ay ang hanapin at patayin ang huling werewolf na nabubuhay sa mundo, sa kadahilanang may dala itong malaking banta sa sangkatauhan at upang makapaghiganti. Magawa kaya nila...