✒
Chapter 4
Nagkita kami nina Luna at May. Wala si Grace. Ewan hindi ko alam. Peru nandiyan naman ni Iya.
"Lerrie!"
"Iya!"
Nagyakapan kaming dalawa. Hahaha. Isa rin ito sa mga kaclose ko.
"Huy babae! Magpaliwanag ka." biglang sabi ni May
Nandito kami ngayon sa field sa plaza.
"Teka chill. Siya ang magpapaliwanag hindi ako." tinuro ko si Edrie at syempre nagulat siya. Hahahah.
"A-ano.." napakamot lang nang ulo si Edrie.
"Teka Edrie?!" gulat na sabi ni May.
"Paanong?" si Luna naman.
"Anong nangyayari?" inosenteng tanong ni Iya
"Ano Edrie? Ikaw diyan!" tinulak ko siya sa harap.
Syempre hindi siya nagsalita. Haaay~
"Sige ako na bahala dito."
Umopo kami sa field.
"Actually hindi kami..Op! Ako lang magsasalita. Ok?"
"Chill." to Edrie. Nagulat siya eh.
"Guys. Hindi kami. Sinabi ko lang na boyfriend ko kasi wala na akong maisip."
"Oo nga. Eh may girlfriend yan si Edrie." sabi ni May
Oo nga pala. Masyado akong nadala.
"See? We're just bestfriends. Talagang close lang kaming dalawa." sabi ko peru hindi ko tiningnan kung ano yung reaction niya.
So ayun hindi na sila nagtanong pa at umalis na muna kami ni Edrie.
"Sorry."
"Sorry? Saan?"
"Sa.. Alam mo na."
"Oo nga eh. Muntik ko nang makalimutan. Masyado akong nadala. Huwag kang magsorry. Wala ka namang kasalanan."
"Lerrie.."
"Edrie.. Ok lang talaga. Ayaw ko naman na magbreak kayo o di kaya maging kabit ako. No way! Let's just stay like this. No heartbreaks, no problem."
Hindi siya sumagot. Ano pa ba yung sasagotin niya? We stuck here in a difficult situation.
"Bukas babalik pa ako. Meron pa akong kukunin sa highschool."
"Sige aabsent ako bukas para magkasama tayo."
Yiiih~ aabsent siya para sakin. Hahaha. Bad influence ko naman.
"Sige."
"Teka doon ka na lang sa bahay dumiretso."
"Osige."
"Teka sandali! May nakalimutan ka."
"Huh?--"
*chup*
Hinalikan niya ako.. Sa pisngi..
"Ikaw! Nakailan ka na hah!"
"Bye!"
"Bye ingat ka!"
Nagthumbs up lang siya at ako uuwi na rin.
✒
June 20, 2016
"Hello?"
["Nasaan ka?"]
"Nandito sa labas nang village."
["Osige. Hintayin mo lang ako diyan."]
"Ok. Bye"
Ang aga pa naman 1:37 pm.
After nang ilang minuto dumating siya na gamit ang motorcycle niya. Sheeet! Ang cool niya.
"Hi."
"H-Hi." bakit nauutal siya? Tapos makatingin parang matutunaw ako.
"May problema ba? Bakit ganyan ka makatingin?"
Nakashort ako sa ibaba, sa itaas naman ay isang white t-shirt lang na may print na mustache at naka blue pandals at sout ko yung baseball cup na Nike dahil mainit.
"Wala. Halika na. Sa bahay muna tayo nagluto si Lola para sayo."
"Talaga?!"
Sumakay ako sa motorcycle niya.
"Kapit ka sakin."
"Ok."
Kumapit ako sa kanya. Peru siguro kapag tiningnan mo kami para akong naka'back-hug sa kanya.
Bakit ang bango niya? Hahaha. Promise ang bango niya. Ang landi ko na talaga ngayon.
Nandito na kami sa bahay niya. Nang dumating kami bigla akong niyakap ni Lola Perci. Nagulat nga ako eh. Hahaha. Hahaha. fc ni Lola. Di joke lang. Ang sarap nga sa feeling eh.
Nandito kami sa loob nang kitchen at nakaupo kaming dalawa ni Edrie sa isang upuan na walang sandigan. Gets niyu? Anyway!
"Oh eto. Nagluto ako nang favorite niyong dalawa."
"Yes!" biglang sabi ni Edrie.
Huh?
"Pati ako?""Diba favorite mo ang bake mac with fries? I mean natin."
"Huh? Pano mo nalaman? Stalker ka talaga no?!"
"Wow! Ang gwapo ko namang stalker at tsaka hindi ako stalker no. Admirer mo ako."
.....kruuuu...kruuuuu....
"Ay ayan. Natahimik din si Lerrie. Aba ang corny mo pala apo."
"Lola naman eh." sabi ni Edrie kay lola Perci.
"Hahaha. Osige na maiwan ko na kayo. Pupunta lang ako doon sa kabilang kanto."
"Ok po. Ingat po kayo." sabi ko.
"Ok po la. Ako bahala dito." sabi naman ni Edrie
Umalis na si Lola Perci at kaming dalawa na lng ang natitira.
"Teka anong oras na Edrie?"
"Uh.. 1:40."
"Anong gagawin natin?"
"Gawa tayo nang baby!"
"Tang*na mo!"
"Grabe talaga yang bunganga mo. Nagjojoke lang ako eh."
"Tsss. Peru seryuso ano gagawin natin?"
"Ikaw ano gusto mo?"
"Ewan."
Silence..
"Lerrie."
"Oh?"
Hindi naman siya nagsalita ako patuloy pa rin sa pagkain.
"Oh--"
Nagulat ako bigla niya akong niyakap sa. Syempre back hug.
"May problema ba?"
Hindi siya sumagot.
"Huy!"
Wala pa rin.
"Ok ka lng ba?"
Still no response.
"Edrie."
Ilang segundo narinig ko yung hikbi niya.
"I will miss you..."
✒
BINABASA MO ANG
Behind that Smile
Teen FictionMay kilala ka bang pala ngiti, palaging tumatawa parang walang problema sa buhay. Akala mo walang pinapasan sa buhay. Peru akala mo lng pala. Because behind that smile there's always a story that you'll never want to know.