#J.S Prom

75 0 0
                                    

"Ano kent? Di ka pa mag gagayak dyan?" - singhal ni papa saken habang ako'y sarap na sarap sa pagkakahiga sa higaan.

"Oo na , babangon na po." -habang kinukuskus ko ang mga mata ko.

Si papa lang kasi kasama ko sa bahay. OFW si mama, sa Abu Dhabi nagtatrabaho ang mama ko. Nag iisang anak lang ako nila mama't papa kaya minsan paghumihingi ako ng luho binibigyan nila ako, yun nga lang depende yung kung kaya nila mama o hindi. Normal lang ang pamumuhay namin, hindi naman kami mahirap at hindi rin kami mayaman.

Sa puntong ito nagbibihis na ako papuntang school as usual quicky lang ang pag aayos ko, sanay na ako sa 5mins na ligo, 10mins na pag aayos at 5mins na breakfast. (Hehehe)

"Pa, alis na ako"- sabay bless kay papa.

"Oh siya sige na baka ma late ka na naman sa school mo." - habang dinudukot ni papa yung pera sa wallet nia.

"Tsanga pala pa, J.S Prom namin sa susunod na week kelangan makapagbayad na ako within this week."

"Di ba humingi ka na saken last week? Ikaw ken ah, nag aadik ka na siguro no? O nag babarkada ka na kanikaninong tao at baka na impluwensyihan ka na sa mga barkada mo!" - inis na sabi ni papa.

Ganyan lagi si papa lagi advance ang pag iisip kaya lagi kami nag tatalo ni papa dahil sa ganyang pag uugali niya. Pero kahit ganyan si papa kahit minsan medyo matigas ang ulo mahal na mahal ko yan. Sino pa ang magmamahalan e kami lang naman tao sa bahay. Hehehehe..

"Exage ka masyado pa, kahit pang libro yun. Sige na pa bigyan mo na ako alam ko nagpadala na si mama sayo kaya bigyan mo na ako at ako'y malelate na." - kontra ko kay papa.

Di ako natiis ni papa at binigyan niya ako at nanghingi pa ng sukli tsss as if isusuli ko. Hahaha!!

Dito kami sa Cebu nakatira, dito kasi naka base ang trabaho ni papa dati. Sa Laguna raw sila nakatira ni mama dati pero nung time na yun di pa ako dumating sa buhay nila. Time pass by isinilang na nila ang malusog at poging-poging sanggol (Ahehehehe) at ako yun. Dito na ako sa Cebu lumaki at dito na rin ako nag-aaral. Wala na ring plano sila mama bumalik ng maynila para dun manirahan kasi daw magulo.

Masaya naman ang pamilya ko kahit kami lang tatlo nila mama, sobrang mahal na mahal ako ni mama ewan ko lang kay papa, siguro ganun lang talaga ang mga Tatay hindi showy pero may ibang tatay na showy, nanay naman nila yung hindi showy. So its a tie lang! Hahahaha..
Kaya nung paalis na si mama papuntang abroad sobrang lungkot ko dahil mamimiss ko siya at mamimiss ko yung pag aalaga niya saken at labis akong nalungkot wala nang maghahanda sa mga gamit ko tuwing papasok ako. Haaaays... Sobrang hirap pag walang nanay sa loob ng bahay. :(

Ito na late na naman ako sa first subject ko at lagi nalang nangyayari ito saken. 4th year high school na pala ako ngayon at nag aaral ako sa public school, hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila na lahat ng nasa public school ay mga bobo proven and tested na yan noooh.. Pag private ka ang binabayaran mo lang ay yung mga facilities lang tsaka almost the same lang ang mga teachings. ( parang bitter lang kasi walang pang enroll sa private school! Hahahahhaa)

At buti naman di na nagtanong yung teacher ko sa Math kung bakit ako late. Baka napagod na sa kakatanong saken at naririndi na siguro sa same reason ko kung bakit ako late. Hahaha.
Nung RECESS time na.

"Ken late ka na naman?" - tanong ni Chuck saken.

Apat kami magbabarkada at kilala na kami sa mga family namin. Si Chuck, Mari at Thea.

"Asusual, anong bago dun? Manglilibre ako pag nakapasok ng maaga si kent" -sabi ni Mari sakin habang kinakagat yung banana cue sa stick. Sabay tawa yung dalawa.

Distance-M2M (sort of real story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon