Dumating na ang araw ng graduation day namin. Umuwi si mama galing Abu Dhabi nag bakasyon siya sa pinas for 2mos just to attend in my graduation day. Halos lahat naiinip sa loob ng gymnasium ang dami pang speech, program at ito iniisa-isa na tinatawag ang mga pangalan.
Finally tapos na rin at this is it!! Its time to enjoy and wild like no one cares... College na kami sa June at di na namin maeenjoy ang buhay namin hahaha!!
Nasa bar kami ng mga barkada ko at kasama na rin ang mga kaklase namin. Masaya kami nung gabing yun dala-dala namin ang mga partner namin kaya sobrang saya heheheh...
Nang naisipan na naming umuwe, hinatid ko muna si mitch sa bahay nila at dumeretcho na rin ako sa bahay. As usual galit na naman si papa at nakipagtalo pa sakin buti nalang tulog na si mama nung time na yun. Dumeretcho na ako sa kwarto ko para iwasan na rin si papa baka lalaki pa ang pagtatalo namin.
Maraming nangyari sa vacation day namin yung iba nag sa.summer job para daw may pang enroll sa college, yung iba naman nag babakasyon sa mga kanikanilang probinsya. Hanggang sa dumating na ang araw na enrollment na.
"Best, kala ko ba na same school tayo?"-tanong ko kay Mitch na medyo kinaiinisan ko.
"Best nung nalaman kasi nila papa at mama yung tungkol sating dalawa pilit nila ako pinapalayo sayo. Kaya ayun once daw na malaman nila na same school tayo hindi na nila ako papaaralin."- lungkot na sabi ni Mitch saken.
"Best naman... Bakit ganun ?? Ang unfair naman ng mga magulang mo. Basta ako kung saan ka susundan kita. " -tutol ko sa kanya.
"Best, hindi pwede. Gusto ko makatapos ng pag aaral. The only way to achieve my goals is to make distance with you. Sana maintindihan mo best"
"So ganun nalang yun? Pano kita mababantayan? Pano kita makikita? At pano nalang tayo?"
"Best, the best thing I can do is sundin ko muna ang mga magulang ko para maging maayos ang lahat, at kung mahal mo ko makakahintay ka and I believe na kakayanin mo."
"I will not promise Mitch." -maikli kong sagot kay Mitch.
Sobra akong nasaktan kasi di man lang ako nagawang ipaglaban sa magulang niya. Sabay kami nag enroll ni Chuck at Mari at humiwalay si Thea ng school dahil sa decision ng magulang niya.
Same yung course na kinuha namin BSHM(Hospitality Manangement) good thing same section at schedule kaming tatlo parang di kami nagsasawa lagi nalang kami magkasama.
Nagdaan ang mga araw lagi kaming nag tetext at nagtatawagan ni Mitch sa phone at minsan lang kami nag kikita talaga dahil narin sa mga kanyang-kanyang project sa school. Ang course pala ni Mitch is Computer Science. Naging busy kami sa studies namin kaya minsan dalawang beses lang kami nagkikita sa isang linggo. Mas naging busy ako nung naging Facilitator ako ng NSTP kaya nung dalawang beses naming pagkikita sa isang linggo ni Mitch minsan naging dalawang beses sa isang buwan na. At tuloy-tuloy yun hanggang 2nd year college.
Nakatanggap ako ng text message habang gumagawa ako ng report para sa revalida namin.
"Best, pagod na ako sa set-up natin and I think our relationship is not healthy anymore. Im sorry but I have to say goodbye Im breaking up with you. Sana maintindihan mo ko."- end of message.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nawala yung focus ko sa ginagawa kong report and im really destructed because of just 1 message from my girlfriend. Hindi ko siya ni replyan dahil na dissappoint ako sa kanya and her reason is not valid for breaking up with me. For almost 3 years in a relationship ganun-ganun nalang niya itatapon?!
I was devastated right after she broke up with me. If she only knew that she's only one I wanted but she made up her decision. I tried to contact her but she's out of coverage siguro nagpalit na siya ng number.
I coudn't imagine how my life works without her. Alam ko hectic schedule naming dalawa pero yung reason niya it's not enough para hiwalayan ako.
Napapansin ng mga kaibigan ko ang pagiging emotional ko simula nung nagkahiwalay kami ni Mitch. Lagi nalang ako nag iinum minsan sinasamahan ako ni Chuck, naging madalas ang pag tatalo namin ni papa dahil umuuwi ako ng lasing. Na hold yung allowance ko dahil sinusumbong ako ni papa kay mama. Im become misserable and useless when she left.
Nakaraan ang mga ilang buwan unti-unting nanumbalik ang sigla ko dahil na rin sa mga kaibigan ko naging malaking parte sila sa pag momove-on ko sa pagkakakahiwalay namin ni Mitch. May sabi-sabi din na may bago na raw siya alam ko masakit but I have to accept the fact na wala na kami at hindi na kami magkakabalikan.
"Guys, punta kayo sa birthday ko bukas ah... lahat kayo invited sa maliit na salo-salo sa bahay hehehehe tamang kainan at inuman lang alam niyo na wala pang pera hahaha!!" - masayang sabi ni Hary sa amin. Tropa namin si Hary at game na game din sa mga trip namin.
"Oo ba! Basta may desserts okay na ako dun. Hehehhe" - biro kung sabi sa kanya. Isa din sa gusto ko ay yung mga desserts mahilig ako sa mga matatamis hehehehe.
"Alright game!"-pag sang-ayon ni Hary.
Kinabukasan nagpunta kami sa birthday ni Hary. Late kami dumating nila chuck dahil nakasanayan namin yung filipino time. Hehehe.. Nag iinuman na ang lahat at may napapansin akong kakaiba sa isang bisita ni Hary. Hindi ko nalang pinansin baka namumukhaan ko lang.
Masayang-masaya si Hary dahil napaunlakan namin yung invitation niya. Nung isa-isa nang pinapakilala kami sa mga barkada niya di ko maiwasan na mailang hindi ko alam kung bakit at parang hindi ko ma figure out kung bakit nararamdaman ko yung ganun. And its HIS turn.
"Lester, si Ken pala tropa ko. Ken, si Lester tropa ko rin dito sa amin."
--------------------------------------
To be continued...
BINABASA MO ANG
Distance-M2M (sort of real story)
RomanceHi guys!! I just wanna give you an heads up! This story is not suitable for young readers parental guidance is advice. ( hahahaha ) This is a sort of real story and some part of the story are fictions. Hindi ko rin pwede i.publish ang real story ni...