#SummerBreak

30 0 0
                                    

"Keeeeeeeen..." -rinig na rinig ko ang sigaw ni papa sa baba. Lagi nalang ganito ang naririnig ko sa umaga mawalang pasok man o meron sumisigaw lagi yan.

"Bakiiiiiiiiiit??" -inis kong tanong galing sa taas.

"Bumaba ka naaaaa! Andito sila chuck sa baba. !"-bigla akong nagising pati kaluluwa ko tumalon, bigla kong na alala may outing pala kami hahahhaa!! 1week kami mag a.out of town at tatlong lugar ang pupuntahan namin at i know magiging masaya to !! Alright!!

"Ito na po! Naghahanda na ako! "- dali-dali ako nagligpit  ng higaan ko at nag ayos ng mga kunting gamit naghanda narin ako ng gamit  nung isang araw pa.

May biglang pumasok sa kwarto ko habang nagbihihis ako.

"Shoooo! Ano ba hindi marunong kumatok?? Walang bang pinto dyan?! " - inis kong sabi kay chuck.

"Ano ka ba parang hindi ka nasanay sakin , bilisan mo na nga dyan kanina pa kami naghihintay sayo sa baba e!!

"Eh kasi naman nag bibihis ako tas bigla-bigla kang papasok e pano kung nakita mo ko nakahubad? baka ano pang gawin mo sakin noooh!!" - pabiro kung sabi kay chuck.

"Ulol! Kahit anong gawin mo dyan kahit wala ka pang suot di ko gagawin yang nasa isip mo! Dream on ken! " - natatawang sabi ni chuck saken.

"Araaaaay! Pogi mo ah! Wag kang gagalaw pogi ka dyan.."- pang aasar ko sa kanya. Pogi din naman si Chuck may itsura moreno bagay na bagay sa kanyang dating matangkad kaya nakasama siya sa varsity sa school namin.

Puro asaran lang kami ni chuck hanggang sa bus panay asaran naming dalawa talo pag natahimik. Hahaha.. Ang kulit din kasi nitong taong to e ayaw ako tan.tanan pati si lester dinamay sa usapan which is wala na sakin yun. Matagal-tagal narin ako nakamove-on . Nako 3months lang kami grabe naman kung di pa ako nakamove on sa kanya.. Hahaha!!

"Malayo pa ba tayo? Ihing-ihi na kasi ako ee..."- tanong ni mari kay chuck.

"Malayo pa bebehqoh ee kaya mo yan hehehe..." -pa sweet na sabi ni chuck na parang nang iingit. Nasa kabilang side lang ako nila chuck nakaupo pero ibang tao ang katabi ko at si thea naman kasama jowa niya nakaupo sila sa harap nila mari at chuck.

"Malayo pa bebehqoh... Blah..blah..." -minamock ko ang sinabi ni chuck at natawa sila mari at thea.

"Ayyy inggeterooo.. Gusto mo tawagan ko si Lester? Pasusunurin ko siya saten?" -sabay kindat .

"Mamili ka pre, ihampas kita sa pader? O ang pader ihampas ko sayo?" -pabiro kung sabi kay chuck.

"Gusto niyo ipag-uuntog ko kayong dalawa para matapos yang bangayan niyo?" -mari.

Sa wakas nakarating narin kami sa lugar na pupuntahan namin alas dyes na ng umaga kami nakarating, for after almost 4hrs of travel makakapagpahinga narin kami.

Sinimulan na namin ang paghahakot ng gamit papasok sa tutuluyan naming kwarto. Lima lang kami kaya isang kwarto lang ang kinuha namin para pasok sa budget hehehe..

"Tatabi si ken sakin mamayang pagtulog ah..." -sabi ni chuck kela mari.

"Anong drama yan pre? Away kayo ni mari?"-pagtataka kung tanong sa kanya.

Natatawa nalang sila mari.

"Kasi feeling ko namiss mo si Lester kaya ako nalang ang tatabi sayo."

"T*ng ina mo! Kahit mamatay yun wala akong paki."

"Ayyy.. Galit ka na nian? Waaaah asar taloo..."-chuck.

Distance-M2M (sort of real story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon