Chapter 4 " Picture?? "

2K 22 5
                                    

" hindi ako makatulog! "  Nakatingin sa kisame si Mark habang nakahiga sa kama ni Alex. Bumangon ito at tumingin sa buong paligid.

" Normal naman ang ayos ng kwarto nya! Halatang sa isang babae ang kwarto na ito, pero bakit ibang-iba sya sa mga babaeng nakikilala ko? "

Tumayo si Mark at naglakadlakad sa loob ng kwarto. " Siguro, hindi lang ako sanay! Lahat naman kasi ng babaeng nakakasama ko eh yung mga patay na patay sa akin. Nanibago lang ako sa ugali nya! "

Tiningnan ni Mark yung mga gamit ni Alex, at patuloy sya sa kakaisip kay dito.

" Pero ang hindi ko maintindihan eh parang hindi man lang sya naa-attract sa gandang lalaki kong ito. Lesbian kaya sya? Babae naman sya kumilos, mapanakit nga lang! teka nga! ba't ko ba sya iniisip? gabi na! dapat matulog na ko! " babalik sana sya sa higaan ng mapansin nya yung mga libro sa study table ni Alex.

" Ang dami nyang libro ah! Mahilig ata sya magbasa! " isa isang pinang bubuklat ang mga ito. 

" bakit kaya puro interior designs ang nandito? nag-aaral ba sya ng interior designing? Kaya siguro maganda ang pagkaka-ayos nitong kwarto nya at ng bahay nila ni mama. " aniya na patuloy sa pangengealam ng gamit ni Alex.

Nang buklatin ni Mark yung pinaka lumang librong nakita nya, may nahulog na letrato galing dito.

Pinulot ni Mark yung picture at nung tingnan nya.

" Meron syang boyfriend? Nurse ba to o doctor? highscool picture nya ata to eh, yung guy parang college na!  Hindi nya ito boyfriend, may papatol ba sa kanyang lalaki, imposible ata yun. Hahaha"  Ibinalik ni Mark ang mga libro sa pagkaka-ayos

" tulog na kaya sina mama? "  dala ang kanyang celphone, lumabas sya ng kwarto at pumunta sa kwarto ng kanyang ina. Naabutan nyang tulog na si Alex ganun din ang ina.

Lumapit sya sa may kama at inayos ang kumot nilang dalawa, mahimbing na natutulog si Alex kaya tinitigan ito ni Mark.

" Ang amo nyang tingnan pagtulog! " hawak ni Mark ang kanyang celphone kaya naisipan nyang picturan si Alex ng tulog pero bago nya pa makuhaan nagising ang mama nya.

" Mark? Anong problema anak? hindi ka ba makatulog? "

" Hindi po Ma, chineck ko lang kung tulog na kayo. "

" ganun ba? gabing gabi na, hindi ka pa ba matutulog? "

" Mamaya na lang siguro........*silence*...... ma! pwede ba dito na lang ako tumira?

" Oo naman! Yan nga ang gusto kong mangyari."

" bukas bumalik ka doon sa condominium kung san ka nagstay at kunin mo lahat ng gamit mo dun. You'll live here with us. "

" Thanks Mom! " niyakap ang ina " eh pano nga pala si Alex, ako na ang gagamit ng kwarto nya, is it okay with her? " tanong nya dito.

" YES! si Alex ay mabait na bata, mapagbigay yan, matulungin at mapagmahal ( napaisip si Mark sa mga pinagsasabi ng mama nya, napangiti na lang sya ). Kailanman hindi sumuway yan sa akin. Papayag iyon na gamitin mo muna ang kwarto nya, isa pa hindi naman din magtatagal eh. Bumili ako ng isa pang bahay mas malaki pa dito. Dun kayo lilipat. "

" Kami? hindi ba dapat TAYO? "

" Tayo! doon tayo lilipat. Pero mauuna lang kayo ni Alex, si Alex din kasi ang mag-aayos at magdedesign ng buong bahay, may talent sya pagdating sa ganong bagay! "

" Aah, kaya pala may mga books sya and magazines ng interior designing."

" Kailan po tayo lilipat? "

Arranged Marriage ( Slow Update )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon