" Oi Lance, wag mo kami kalimutan ah. "
" ( smiles ) Oo naman! "
" mamimiss ka namin Doc! "
" Haha, hindi pa ko doktor, magdodoktor pa lang. "
" Mag-aaral ka ng mabuti doon ah, dapat sobrang galing mo nang doktor pagbalik mo dito. "
" Sige po, pagbubutihin ko. "
" Naku, hindi mo na kailangan sabihin yan, sigurado naman na magiging sikat na doktor yang si Lance eh. "
" Haha, salamat po! "
Si Alex ay nasa likod na nananahimik, napansin ito ni Lance kaya nilapitan niya ito.
" Alex, hindi ka ba magpapaalam sakin? Paalis na ko oh, inaasahan ko pa naman na marami kang sasabihin bago ako umalis. " Tanong nya pero sumulyap lang sa kanya si Alex at yumuko.
" Hmmm....Gusto mo ba, wag na lang ako umalis? "
" BALIW KA BA? Pangarap mo yan, bakit di ka aalis? "
" ( smiles ) Ano kaya kung isama na lang kita? "
" Huh?? "
" Haha, gusto mo? "
" Ano bang pinagsasabi mo? "
" ( sigh ) Mamimiss talaga kita, teka nga, di ba dapat ikaw ang nagsasabi sakin nyan? Mas magugustuhan ko sana kung umiiyak ka pa habang sinasabi sakin yon eh, kaso bibihira lang ang makakakita sa mga luha mo, dahil ikaw si Alex, ang matapang at astig kong Alex. "
Napayuko lang si Alex nung sabihin iyon ni Lance.
~All passengers ..... ( Tinatawag na lahat ng pasahero na pupunta sa States ) ~
" I need to go..... ( silence )...........tatawagan kita palagi. " sabi ni Lance habang ginugulo nito ang buhok ng kasintahan, pero nanatiling walang sinasabi si Alex. " Sige aalis na ako. " at tumalikod, ngunit ng humakbang siya, hinawakan ni Alex ang kanyang jacket kaya napahinto si Lance.
Nakayuko lang si Alex ng humarap sa kanya si Lance.

BINABASA MO ANG
Arranged Marriage ( Slow Update )
HumorA romantic Comedy Story About Two different people being Married.