* Alexandra's POV *
Hi, ako nga pala si Alexandra, sorry kung ngayon lang ako nagpakilala. Ngayon lang naisipan ni author na bigyan kami ng POV eh, tinamad na ata sa kakanarate.
Anyways, ako nga pala si Alexandra M . delos Reyes " DATI ", pero ngayong may-asawa na ako, Alexandra D. Santiago na ang name ko. Ako ngayon ang magkukwento ng mga kababalaghang nangyayari sa buhay ko, kasama na rin ang mga mangyayari sa araw na ito.
Nandito ako ngayon sa kotse kasama ang annoying kong asawa, alam nyo naman kung sino yun. Pero hindi sya annoying ngayon dahil natutulog sya habang nakasalpak sa tenga nya ang kanyang earphone. Natutulog nga ba talaga ito? niwave ko ang kaliwa kong kamay sa mukha nya para icheck kung gising ba sya, mukha namang natutulog talaga sya ni hindi sya gumalaw eh, mas mabuti pa lang gayan na lang sya palagi, atleast di na sya nang-iirita.
Tiningnan ko sya ulit, pero ngayon mas nilapit ko ang mukha ko sa kanya.
Infairness mas gwapo sya pagtulog ah, nagmukha kasi syang mature, minsan kasi may pagka-isip bata kasi itong si Mark eh. Dapat pala lagi na lang sya tulog.
" Are you falling for me now, I notice that you keep staring at me. "
Nagulat ako ng biglang magsalita si Mark habang nakapikit. Gising pala talaga itong mokong na 'to eh.
" Tss...in your dreams! "
iminulat nya ang kanyang mata at tumingin sakin.
" Sus! Kunwari ka pa, may gusto ka naman talaga sakin eh, pasikreto mo pa akong tinititigan. Pwede ka naman tumitig kahit na gising ako eh, gusto mo bigyan pa kita ng mga pictures ko. "
Eto na naman sya! Nagsimula na naman syang magyabang. Dapat di na sya nagising pa eh." feeling ka na naman! Matutuwa na sana ako sayo kasi kahit papano nananahimik ka pagnatutulog eh. Iniisip ko nga kung lagi ka na lang sana tulog, siguro peaceful ang buhay ko ngayon. "
" talaga? Sige matutulog na lang ako dito "
" Good. Kahit na gano pa katagal ang tulog mo, ayos na ayos sakin! "
" Okay "
Nagulat na lang ako ng bigla nyang ipinatong ang ulo nya sa balikat ko.ANAK NG!!!! Saan ba gawa ang balat nitong lalaking 'to ha? Lakas ng loob na makisandal sa balikat ko!?
Pilit kong nilalayo ang ulo nya saking balikat pero lalo nya pang pinapabigat ito kaya inilayo ko na lang ang katawan ko para wala na syang masandalan. YUN! bumagsak sya sa likod ko kaya napabangon sya.
Haha! kala mo ah. Saka ko lang binalik yung sarili ko sa pagkakasandal.
( O _ O ) nagulat na lang ako nang biglang humiga si Mark sa may lap ko.
" talagang nang-aasar ka? "

BINABASA MO ANG
Arranged Marriage ( Slow Update )
HumorA romantic Comedy Story About Two different people being Married.