Chapter 18

159 3 2
                                    

Alex's POV •

Makakaya ko ba ito? Parang napanghihinaan na ko ng loob. Magagawa ko ba ito sa tatlong buwan, kung ngayon pa lang gusto ko ng sumuko! Ano ba namang klaseng buhay 'to oh. Ba't parang wala atang pumapabor sa kagustuhan ko, kelangan ba talagang pahirapan muna ako bago ko makamtan ang nais kong buhay?

*sigh*

" Ahhh.... Mmmm... Yung grapes. naman. " kasalukuyan ko kasi ngayong sinusubuan si Mark ng prutas, may walong utos pa syang natitira sa araw na ito. Kaya parang nanghihina na ko. Inutos nya kasing tulungan ko sya sa pagkain, pero kanina pa sya kain ng kain, gano kalaki ba ang sikmura neto na para bang lahat ng laman ng ref eh kakainin nya, hindi pa naman sya nag-uutos ng iba kaya, no choice akong sundin sya.

" Alex may macaroni salad pa di ba, kainin natin. "

" KAILAN KA BA HIHINTO SA PAGKAIN!!!!? " shocks napasigaw ako.

" Did you just shout on me? "

" Syempre hindi, sabi ko nga kukunin ko na yung salad ee. Wait lang ah. "

hindi ako nakapagpigil kanina, sana naman wag nya nang pansinin yon.

" I think you disobey one of my rules. You raised your voice awhile ago. "

" Hindi naman sigaw yon. Nilakasan ko lang boses ko para marinig mo ng maayos ang sinasabi ko, concern lang ako sayo, kain ka kasi ng kain baka masira yung model figure at tumaba ka. "

" Ha! Sa tatlong buwan nating pinagsamahan, sa tingin mo hindi ko pa alam yang mga tactics mo? Mabuti pa mamili ka na lang ng parusa para matapos na. "

" Hindi naman ganun kalala yung pagsigaw ko ah, pagbigyan mo na lang muna ako. "

" Ayoko nga! Sumunod na lang tayo sa rules okay, kaya nga tayo gumawa ng contrata para dito di ba? Anong saysay ng punishments ko kung pagbibigyan kita ngayon, di sana hindi na lang tayo gumawa ng contrata kung ganito lang? "

" SINO BA KASING MAY SABING MAG LAGAY KA NG PUNISHMENT!?? WALA NAMAN GANUN SA KONTRATA KO EH!!! "

aw! ba't ba napaka mainiten ng ulo ko!?

" Now that's what you called shouting. Plus two ka na! Ibig sabihin kahit gumaling na yung kamay ko, may two days service ka pa saken. tsk tsk tsk...

you should start controling that temper of yours or else you'll end up serving me forever "

Kainis naman oh. Sobrang unfair talaga ng kontrata naming 'to. Pag magpapatuloy kami sa ganito, maghiwalay man kami aftter three months, pagsisilbihan ko pa rin sya! Pinagplanuhan nya ba itong lahat!? Hindi man lang ito pumasok sa isip ko. Ah bahala na nga!

" Bakit nagdagdag ka na agad ng days? Hindi pa ako namimili sa mga punishment mo. "

" Ah, So may balak ka pa lang halikan ako? Fine, where do you want to kiss me? "

" Kiss mo paa mo!! Wag mo kasi akong pinangungunahan. Nag-iisip pa nga ako eh. "

" Aahh okay, pag isipan mong mabuti kung anong klaseng kiss ang ibibigay mo saken, dont worry, expert naman ako eh, i can take the lead. "

" Ugh! Pervert! Okay I'll accept the additional two days of service, last na yon hinding hindi na ko ulit magkakaroon pa ng punishment. "

*smirk* " Let's see "

Ang mga ngiti nyang yan, mukhang may binabalak syang hindi maganda. Mukhang hindi ata tama na hinamon ko sya ah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arranged Marriage ( Slow Update )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon