CHAPTER 1 " Unexpected "

4.8K 45 6
                                    


"Oo, sige papunta na ko! Oo nga, patawid na nga ako, okay, magkita na lang tayo~ ARAY!" nasa tabi ng kalsada si Alex na may kausap sa kanyang cellphone nang may bumangga sa kanyang lalaki kaya nahulog nya ang kanyang cellphone.

"tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" sigaw nya nung pupulutin nya sana yung cellphone nya, ngunit nasa kulay green na ang ilaw ng stoplight at nagsitawiran ang mga tao na kung saan nasipa ang kanyang cellphone papunta sa kalsada.

" WAIT LANG! yung cellphone ko!"

sa dami ng taong tumawid hindi nya na makita ang kanyang cellphone,

nang maubos ang taong tumatawid nakita nya ang kanyang cellphone na maayos pa naman, pero nung tatawid na sana sya para kunin ito, bumalik sa pula ang ilaw ng stoplight at sunod-sunod ang pagtakbo ng mga sasakyan.

" AAaaarrrrgggggghhhhhh!!!!!!!!! kakabili ko lang nyan!"

dumungaw sya kung saan patungo ang lalaking nakabangga sa kanya, nakita nya itong tumatakbo pa rin, nakasuot ng itim na jogging pants at puting jacket na may sumbrero kaya sinundan nya ito.

" HOY LALAKING NAKAPUTING JACKET!!! kuya, manong kung sino ka man! bumalik ka dito! " hinabol nya yung lalaki.

" bumalik ka!!! ( hinihingal ) napapagod na ako sa kakatakbo. bayaran mo ko, nang dahil sayo nasira ang cellphone kong matagal ko ng pinapangarap na mabili! "

" BWISIT KA! TUMIGIL KA SA KAKATAKBO! "

.......

..............

" Narinig nya kaya ako? " tanong nya sa kanyang sarili kasi biglang huminto yung lalaki, kaya lumapit sya dito. Pero napahinto si Alex ng humarap sa kanya yung lalaki.

" ang gwapo nya naman kahit na pinagpapawisan, ang tangkad nya, artista ba sya? modelo? yung hugis ng katawan nya, perfect para pang-model " kung anu-ano ang pumapasok sa utak ni Alex na nakalimutan nya na kung bakit nya hinabol ang lalaking iyon, pero natauhan sya ng pinulot lang ng lalaki yung nahulog nyang face towel at bumalik sa pagtakbo hindi pala talaga sya maririnig nun kasi nakikinig ito ng music.

" hoy! san ka pupunta? bumalik ka dito! " nakalayo na yung lalaki, hindi nya na sinundan dahil napapagod na sya

" anu bang iniisip ko. dapat nung huminto sya kinausap ko na sya ee... panu na yung cellphone ko

Alex ang tanga mo! "

.........................................................................................................................................................................................

Arranged Marriage ( Slow Update )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon