Sa isang matahimik na siyudad ay isang lihim ang matagal ng nagtatago. Lihim na siyang maghahati sa mundo ng mga tao at imortal sa pagdating ng tamang panahon. Imortal, sila ang mga nilalang na sinasabing kayang mabuhay sa loob ng ilang daang taon. Taglay nila ang buhay na walang hanggan at ang lakas na hindi pangkaraniwan. May mga nagsasabi na hanggang ngayon ay nag-eexist pa rin ang mga katulad nila, mayroon nga kaya? o baka naman isa lang itong kwento na pilit binibigyang buhay.
Gabi na at nasa tuktok ng building si Chad kasama ang dalawa niyang pinsan habang nadadama ang simoy ng hangin.
"Kailan kaya ako makakatikim ng dugo ng tao?" nakangiting tanong ni Gino.
"Alam mong hindi pwede," sagot ni Ken.
"Magtiis tayo sa dugo ng hayop, 'yon ang kautusan," sabat ni Chad.
Mahigpit na ipinagbabawal sa kanila ang kahit pagtikim man lang ng dugo ng tao. Magmula nang makamit nila ang kalayaan galing sa mga kalaban nila na kapwa bambira---naglunsad ang mga pinuno nila ng mga batas pangkapayapaan. Isa na rito ang pag-inom ng dugo lamang ng hayop, ito ay para na rin maiwasan ang gulo sa pagitan ng mga tao.
"Mag-abang ka na lang sa cr ng mga school, baka may maabutan kang napkin do'n, pagtyagaan mo na lang," natatawang sabi ni Ken.
"Ayaw ko nga, dirty!" kontra ni Gino.
"Dirty ka pang nalalaman, gugustuhin mo rin naman," pang-aasar ni Chad.
"Tigilan niyo nga akong dalawa, wala kayong galang sa nakakatatanda ah," wika ni Gino.
"Ipagpaumanhin mo ang aming kahangalan nakatatandang Gino, hindi na iyon mauulit," napikon naman si Gino sa sinabi ni Ken.
"Patawarin mo kami, nakalimutan naming gurang ka na pala," pang-aasar ulit ni Chad. Nagsalubong naman ang kilay ni Gino.
"Grabe 'yan si Gino, sobrang tanda," sabi ni Ken.
"Hindi ba kayo titigil? pagbubuhulin ko kayo," nasa aktong susuntukin niya ang dalawa subalit mabilis itong nakailag.
"Ah ganon? susubukan niyo talaga ako," dagdag pa niya.
"Binibiro ka lang namin, sorry na oh, mapapatawad mo pa ba kami?" wika ni Ken.
"Isusumbong ka namin kay Ama kapag sinaktan mo kami," pananakot ni Chad.
"Mga takot pala kayo e! weak!" pagmamayabang ni Gino.
"Gumagalang lang," tugon ni Ken.
Bumalik na sila sa normal, wala nang asaran upang maiwasan na rin ang pikunan. Sa kanilang tatlo ay si Gino ang madalas nilang pagdiskitahan dahil alam nilang mabilis itong maasar. Tulad nga ng sabi ni Chad ay si Gino nga ang pinakamatanda sa kanila. tatlumpu't pitong taong gulang na ito.
Si Ken naman ay tatlumpu't isang taon pa lamang sa pagiging imortal. Purong bampira ang dugo niya dahil kapwa bampira rin ang kanyang mga magulang. Ganon din naman si Chad, mas bata lamang siya ng labing isang taon kay Ken. Maituturing na hindi pa ganap na isang bampira. Ayon sa kanilang paniniwala---ituturing ka lang na isang tunay na bampira kung nakarating ka na sa dalawampu't isang taon. Ang isang tulad niya ay nakararanas pa rin ng pagkagutom, nasusunog pa sa araw dahil hindi pa kinakaya ng kanyang balat. Ganon pa man, isang taon na lang ang kanyang hinihintay upang maging ganap na siyang katulad ng mga pinsan niya.
"Chad, malapit ka na palang binyagan 'no?" tinapik pa ni Ken si Chad sa balikat matapos magsalita.
"Isang taon na lang," dagdag pa ni Gino.
"Naiinip na nga ko e, naiinggit rin ako sa inyo kasi kayo---pwedeng lumabas kahit tanghali," mahinang sabi niya sa dalawa.
"H'wag ka mainggit, pinagdadaanan ng lahat ng bampira 'yan, may pangil ka na rin naman, isa ka ng bampira," saad ni Gino.
"May pangil nga, pero hindi pa isang ganap na bampira," patuloy niya.
"Bakit ba nagmamadali ka? easy ka lang, dadating din 'yan," wika naman ni Ken sabay akbay sa kanya.
Sandali siyang nanahimik, natatawa naman si Ken habang nakatingin sa mukha niya na parang batang nagmamaktol.
"Ang pangit mo magdrama!" wika ni Ken sa kanya.
"Mas pangit ka!" ganti niya.
"Pareho lang naman kayo, tara na nga umuwi na tayo," pag-aaya ni Gino.
"Oo nga pala, baka hinahanap na tayo sa mansion," wika ni Ken.
"Mauna na kayo," wika niya.
"Bakit Chad? ano gagawin mo dito?" tanong ni Gino.
"Magmumuni-muni muna ako, pakisabi na lang na nandito ako."
"Okay sige, tara na Ken."
Mabilis silang umalis at iniwan si Chad na nag-iisa. Ngayon ay tinatanaw niya ang mga ilaw na nagmumula sa buong siyudad. Alas otso pa lamang kaya naman mas minabuti niyang tumambay muna siya rito, ito lang naman ang oras niya para magliwaliw dahil hindi naman siya pwede sa umaga.
Idinako naman niya ang tingin sa kalangitan, napakagandang pagmasdan ang mga bituing nagkikislapan. Sabayan pa ito ng simoy ng hangin.
Nabasag ang pagmumuni-muni niya nang tila may naririnig siyang sigaw ng isang babae na hindi niya malaman kung saan.
Naalarma siya, kahit mataas ang gusaling kinalalagyan niya ay tinalon niya ito paibaba. Halos mawasak naman ang kotseng kanyang binagsakan.
