Tinanghali ng gising si Lalaine sa kakaisip sa misteryosong lalaki na itinuring niyang super hero. Alarm clock ang siyang bumasag sa masarap niyang pagtulog. Pagdilat ng mga mata niya ay wala na si Mhy sa kama nito. Maaga itong pumapasok dahil pang morning ang schedule ng babaeng iyon.
Pagtingin niya sa orasan ay mag-aalas dose na. Dali-dali siyang kumilos para maghanda sa pagpasok. Mahirap na at baka ma-late pa siya.
Wala pang kinse minutos ay nakaligo at nakapagbihis na rin siya. Nagpunta siya sa lababo para mag-toothbrush. Matapos 'yon ay halos ipaligo niya ang kanyang pabango sa dami ng na-spray niya sa buong katawan.
Palabas na siya ng pinto nang bumulaga sa kanya si Mhy na tila nagtataka sa ayos niya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Teka, hindi pumasok si Mhy?
"Mhy? hindi ka pumasok?" nagtatakang tanong niya sa kaibigan. Hindi naman agad nakasagot si Mhy at napanganga lang na nakatingin sa kanya.
"Grabe ka makatingin ah, alam ko maganda ako," pagmamayabang niya.
"Lalaine? tanga ka?" sambit ni Mhy.
"Ano? ako tanga? hindi ah!"
"Bakit ka naka-uniform?" naguguluhang tanong ni Mhy sa kanya.
"Ay shunga ka? malamang papasok na ko, alis nga d'yan male-late na ko e," hinawi niya ang kaibigan para tuluyang makalabas ng pinto subalit pinigilan siya nito.
"Hoy bruha! napapraning ka na naman, sabado kaya ngayon!" wika ni Mhy habang nakahawak sa braso niya.
"Sabado?" pagtataka niya.
"Oo sabado ngayon, ano ba nangyayari sa 'yo?"
"Hindi sabado ngayon, h'wag mo kong lokohin," pagpupumilit niya.
"Aba! ayaw maniwala ng bruhilda na 'to, e'to o!" iniabot sa kanya ng kaibigan ang cellphone para ipakita mula roon ang date ngayon. Nahiya naman siya ng malaman na tama nga ang sinasabi nito sa kanya.
"Oo nga 'no," aniya sabay kamot sa ulo.
"Hay nako! kinakabahan na ko sa 'yo ah! ayaw ko ng kasamang baliw dito sa kwarto," wika ni Mhy, naglakad naman ito patungo sa kanilang maliit na kusina. Samantala, naiwan namang nakatayo si Lalaine na hindi makapaniwala sa katangahang nagawa.Senior high school pa lamang si Lalaine, ganon din naman ang kaibigan niyang si Mhy. Dahil malayo sa bahay nila ang eskwelahan na pinapasukan niya ay nagpasya siyang mangupahan sa boarding house na ito.
Nagpalit na siya ng kanyang kasuotan, ayaw naman niyang magmukhang ewan na nakasuot ng school uniform gayong wala naman palang pasok.
Nagluto na lang sila ng makakain para sa kanilang pananghalian. Dahil magkasama sila ng kaibigan sa iisang kwarto ay naghahati sila pagdating sa pangbili ng kanilang kinakain.
"Akala ko talaga may pasok ngayon," wika niya kay Mhy habang naghihiwa ng kamatis.
"Wala ka na naman sa sarili, iniisip mo si super hero 'no?" mapanuksong tanong ni Mhy.
"Hindi siya maalis sa isip ko e," sagot niya.
"Crush mo 'no?" tinutusok pa ni Mhy ng kanyang daliri ang tagiliran ni Lalaine.
"Hoy hindi ah, pa'no ko naman magiging crush 'yon? e hindi ko nga siya kilala," pagdadalihan niya.
"Sus, malay mo."
"Magtigil ka nga," binigyan niya ng isang masamang tingin ang kaibigan.
"Okay okay, by the wayーwala namang pasok, gala tayo mamayang gabi?" pag-aaya ni Mhy sa kanya.
"Bakit gabi? pwede naman ngayon," tanong niya.
"Heller! ang init-init e, gusto mo magbilad sa araw? negra ka na nga e, kulot pa," pang-aasar ni Mhy.
"Morena lang! hindi negra! at hindi ako kulot, wavy lang!" depensa niya.
"Oo na, basta mamayang gabi ah."
"Saan naman?"
"Basta Lalaine, sumama ka na lang."
"Siguraduhin mo lang na matutuwa ako ah," wika niya.***
Nasa loob ngayon ng isang bar sila Chad ngayong gabi. Nakaupo lamang sila habang pinagmamasdan ang mga taong nagsasayawan sa gitna na parang mga baliw. Bakit nga ba sila naririto? wala lang, gusto lang naman nilang tumambay dito at maaliw kahit papaano.
"Hindi ba tayo oorder?" biglang tanong ni Ken. Natawa naman itong si Gino.
"Oorder ng alin? alak? as if naman na malasing tayo," natatawang sabi ni Gino kay Ken.Dahil sila'y mga bampira, hindi sila tinatablan ng mga alak. Kahit uminom siguro sila ng isang drum ay hindi rin naman sila malalasing. Bukod do'n, isa rin sa katangian ng katawan ng isang bampira ay ang kawalan ng pang-amoy at pang-lasa. Kaya naman, para saan pa't oorder sila? masasayang lang naman.
"E kaysa naman tumambay lang tayo dito," patuloy ni Ken.
"Iyon lang naman talaga ang gagawin natin dito e, aaliwin lang natin ang mga sarili natin," sabat ni Chad.
"Ken bampira ka, h'wag ka magpakatao," pang-aasar ni Gino.Mga ilang sandaliーmay napansin silang dalawang babae na pumasok. Dahil disco light lang ang nagsisilbing ilaw sa kinalalagyan nila ngayon ay hindi nila makita ang mukha ng mga ito.
"Mga kadugo, may bagong chiks," mahinang sabi ni Gino, hindi naman siya narinig ng dalawa dahil sa tugtog na pinatutugtog ng Dj.
Samantala, pinagmasdang mabuti ni Chad ang dalawang babae na 'yon. Kakaiba ang pakiramdam niya sa isa. Naglakad naman ang mga babae papalit sa bakantang lamesa na malapit din sa kanila.
"Siya nga 'yon, si kulot," bulong ni Chad nang mamukhaan niya ang isa. Kahit madilim kagabi sa iskinita ay malinaw at klaro sa kanyang paningin ang mukha nito. Tandang tanda niya rin ang buhok nitong medyo wavy, hindi naman talaga ito kulot, mas gusto lang talaga niyang tawagin itong kulot sa kadahilanang wala lang.
"Hoy Chad, may balak ka sa kanila?" sabay tapik ni Gino sa balikat niya.
"Ano na naman kaya iniisip ng mokong na 'to?" wika naman ni Ken.
"H'wag nga kayong magulo!" suway niya sa dalawa.Hindi niya inintindi ang dalawa at nasa babae lang ang kanyang paningin.