Chapter II

30 3 0
                                    


  Pauwi na si Lalaine galing sa kanyang eskwelahan. Dahil wala na siyang pamasahe ay mag-isa niyang nilalakad ang kalye ng Santa Monica. Dumaan siya sa isang madilim at tahimik na iskinita. Mas malapit kasi ito patungo sa kanilang lugar. 

Binilisan niya ang paghakbang ng kanyang mga paa dahil hindi siya sanay sa mga ganitong lugar. Ngayon ang una niyang pagkakataon na dumaan dito kaya naman hindi niya maiwasang kabahan. Kapag sumasakay kasi siya ng tricycle ay hindi siya rito napapadaan kung 'di sa kabilang kalye. Gusto niya sanang doon na lang dumaan subalit masyadong malayo.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Mabilis niya itong hinarap at napagtanto niyang dalawang lalaki ang nasa kanyang likuran. 

"Sino kayo?" kabadong tanong niya sa dalawang lalaki na mukhang kriminal. 

 "Wow pare, mukhang ja-jockpot tayo dito ah," wika ng isang matangkad.

 "Oo nga e, sexy at maganda pa, tapos mukhang mayaman pa," wika naman ng mataba.   

  Nataranta siya sa kanyang mga narinig, mukhang mga mamamatay tao ang kaharap niya ngayon na parang takas sa kulungan. 

Pinilit niyang takbuhan ang dalawang lalaki subalit nabigo siya nang siya'y madapa dahil sa taas ng kanyang takong. High heels pa 'te. 

"Saan ka pupunta? tatakasan mo kami?" tanong ng mataba habang hawak ang kaliwang kamay niya. "Bitawan mo ko!" nagpupumiglas siya sa pagkakahawak sa kanya.

 "Ako muna pare," wika ng matangkad at sinimulan na nitong tanggalin ang sinturon niya.     

  Hindi na niya malaman ang kanyang gagawin. Masyadong malakas ang dalawang lalaki para palagan niya ang mga ito. Nakahiga na siya ngayon habang sapilitang tinatanggal ng dalawang lalaki ang kanyang damit. 

"Tulong!!!" sigaw niya na nagsimula na ring mapaiyak. 

Mga ilang sandali---napatigil ang dalawang manyak na lalaki nang makitang may isa pang lalaki na nakatayo di kalayuan sa kanila. Dahil medyo madilim ay hindi nila makita ang mukha nito. 

"Hoy mukhang lamok na payatot na nagdiet! bitawan mo siya! at ikaw matabang garapatang busog! tigilan mo rin siya!" sigaw ng misteryosong lalaki. 

 "At sino naman 'tong nagtatapang-tapangan na 'to?" inis na tanong ng mataba. 

 "Bangasan nga natin 'tong pasikat na 'to," wika naman ng matangkad.     

Unti-unting lumapit ang dalawang manyakis sa lalaking nasa dilim. Kasunod n'yon ay ang pag-atake nila. Unang sumugod ang mataba subalit nagulat na lang itong matangkad nang makita niyang lumipad na parang papel ang kasama niya. Hindi siya makapaniwala na kayang ibalibag ang kaibigan niya gayong mataba ito. Sunod na sumugod ang matangkad subalit katulad rin ng nangyari sa kasama niya---binalibag lang din siya ng lalaki. 

Halos mamilipit ang dalawa dahil sa pagsalpok nila sa pader. Samantala, parang nanonood naman sa pelikula itong si Lalaine. Manghang-mangha sa kanyang mga nakikita. 

Hindi na nagpasya pang lumaban ang dalawa at tumakbo na rin sila palayo. 

Nilapitan naman siya ng lalaki para siguraduhin kung nasaktan ba siya o hindi. 

"Okay ka lang ba miss?" tanong ng lalaki sa kanya. 

"O-okay lang a-ako," mautal-utal niyang sagot.

 "Hayyy, ilang beses ng nangyayari sa pelikula ang mga ganitong uri ng eksena, common na nga e, hindi ka pa ba aware sa mga ganitong iskinita?" masungit na sabi ng lalaki.

 "Ah kasi, ano, ito lang kasi ang ano, malapit na daan papunta sa 'min," sagot niya. 

 "Hindi mo ba naisip na baka ma-rape ka dito? pa'no na kaya kung hindi ako dumating, siguradong nakaraos na 'yong dalawa."

 "P-pasensya na," nakayukong wika niya. 

"H'wag kang humingi ng pasensya sa 'kin, ang dapat mong gawin sa ngayon ay tumayo na d'yan, mukhang nawili kang umupo sa simento."      

  Ngayon lang napansin ni Lalaine na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin siya sa sahig. Nakaramdam naman siya ng hiya kaya dali-daling tumayo at nagpagpag sa kanyang p'wetan. 

"Ganyan ba kayong mga tao? may pagka-praning?" nakakalitong tanong ng lalaki sa kanya. 

 "Huh? bakit hindi ka ba tao?" pagtataka niya.     

  Muling naalala ng lalaki na hindi niya pala maaaring ipaalam na isa siyang bampira. 

"Hindi, elyen ako e," pagbibiro ng lalaki. 

 "Ganon?"

 "Hindi pa tayo close, h'wag kang feeling, niligtas kita kasi kailangan mo ng tulong, umuwi ka na." 

"Sandali lang," pagpipigil ni Lalaine.

 "Chad, Chad ang pangalan ko, 'yon ang itatanong mo?"

"Ah, eh oo," nahihiyang sagot niya.

 "Kanina pa tayo magkausap pero hindi ka pa nagpapasalamat, marunong ka ba?"

 "Ay oo, salamat, salamat sa tulong mo, kung 'di dahil sa 'yo---," naputol ang sasabihin niya nang biglang sumingit si Chad.

 "Ayaw ko ng drama, sapat na sa 'kin ang pagpapasalamat, hmm, you're welcome," wika ni Chad.    

  Hindi malaman ni Lalaine kung ano pa ang mga masasabi niya sa kausap niya ngayon. Masyadong masungit at prangka ito kaya nakakailang para sa kanya na magsalita pa. 

"Salamat talaga," pagpapasalamat niya ulit.

 "Umuwi ka na, wala akong balak malaman ang pangalan mo pero kung sasabihin mo ngayon ay okay lang," nakataas noong wika ni Chad. 

 "Lalaine, ako si Lalaine," pagpapakilala niya.   

Iniabot niya ang kanyang kamay subalit tila walang balak makipagkamay sa kanya itong si Chad. 

"Tingnan mo 'yon!!" pakunwaring may tinuro si Chad sa kanyang likuran. 

Dahil uto-uto siya ay agad niyang tiningnan ang tinuturo ng lalaki. 

"Wala naman--," hindi na niya naituloy ang sasabihin nang biglang maglaho parang bula sa kanyang harapan si Chad. 

"Nasaan na 'yon?" tanong niya sa kanyang sarili. 

Napaisip siya habang nililingon-lingon ang paligid. Hindi na niya muling nakita pa ang lalaking nagligtas sa kanya. Laking pagtataka niya sa bilis nitong pagkawala. 

"Hindi kaya..." mahinang sabi niya sa sarili. 

 "Multo siya!!!" muli siyang nataranta at mabilis na tumakbo. Sa pagkakataong ito ay binitbit na lang niya ang kanyang high heels para makatakbo ng maayos.        

Samantala, lingid sa kanyang kaalaman na nasa bubong lang ng bahay si Chad habang natatawa at pinanonood siyang naloloka. 

      

The Immortal Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon