"Ikaw 'yong babaeng kulot sa iskinita kagabi na muntik ng ma-rape ng dalawang pangit!" wika ni Chad.
Nagtaka naman si Lalaine kung bakit nito alam ang tungkol do'n. Tumingin siya sa ibang direksyon na tila may inaalala. "Hindi kaya siya 'yong nagligtas sa 'kin kagabi?" tanong niya sa kanyang isip.
"Chad ang pangalan mo?" nakangiting tanong niya.
"Oo," nagtatakang sagot ni Chad.
"Kung ganon ikaw nga! ikaw ang nagligtas sa 'kin kagabi!" masayang wika niya.Naguguluhan si Ken at Gino sa pinag-uusapan ng dalawa. Samantala, nakuha agad ni Mhy ang ibig-sabihin ng kanyang kaibigan.
"Tama, ako nga, may iba bang Chad dito?" masungit niyang sagot.
"So hindi ka multo?" tanong ni Lalaine.
"Mukha ba kong multo? sa gwapo kong 'to?"
"E bigla ka kasing nawala kagabi e," wika ni Lalaine.
"Nagtago lang ako sa likod ng poste," pagdadahilan niya.Hindi maka-relate ang mga pinsan niya kaya naman nagpasya ang mga ito na makisabat.
"Sandali lang, ano bang pinag-uusapan niyo?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Gino.
"Siya 'yong babaeng kulot na tinulungan ko kagabi, pauwi na rin ako nang makita kong pinapapak siya ng dalawang manyakis, kaya tinulungan ko siya," paliwanag niya sa mga pinsan.
"So ikaw pala 'yong super hero ng kaibigan ko?" kinikilig na sabi ni Mhy.
"Mhy tumigil ka nga," suway ni Lalaine sa kaibigan.
"Sis ang gwapo," bulong ni Mhy sa kanya.
"Hindi ka ba titigil ha? sasapukin kita," pagbabanta niya.
"Ah mga ate, mabuti pang umuwi na lang kayo, baka mabastos pa kayo ulit e," wika naman ni Ken.
"Nandyan naman siya e," wika ni Mhy sabay turo kay Chad.
"Ano ba kasing ginagawa niyo sa ganitong lugar? tapos wala pa kayong ibang kasama, mga babae pa naman kayo," si Gino naman ang nagsalita.
"Ito kasi e, sinama niya ko dito," paninisi ni Lalaine sa kaibigan niya.Samantala, natahimik naman si Chad habang nakatingin kay Lalaine. Napagtanto niya na maganda pala ang mukha nito. Bumagay sa babaeng ito ang pagka-wavy ng buhok niya. Idagdag mo pa ang mga ngiti nitong tila nakakaalis ng pagod.
"Bro! ihatid na lang natin sila," kinalabit pa siya ni Ken sa balikat. Bigla naman siyang natauhan dahil do'n.
"Ah e, kung okay sa kanila," tugon niya sa kanyang pinsan.
"Ay nako! okay na okay! sakto gabing-gabi na, delikado na sa daan, mas mabuti na ring may tagapag-tanggol ang mga katulad naming diyosa," wika ni Mhy. Napasalubong naman ang kilay ni Lalaine.
"O sige tara na, ihahatid na namin kayo," pag-aaya ni Gino.Lumabas na sila ng bar, iniwan na rin nila ang lalaking na nagchi-chicken dance, ngayon ay nasa side-walk sila na naghihintay ng taxi na dadaan.
"Uy sis! magpasalamat ka naman sa super hero mo!" tinulak niya si Lalaine papunta kay Chad. Nahawakan naman siya ng binata kaya naman hindi siya natumba.
"Ano ba?! kanina ka pa, itulak daw ba ko?" inis na sabi niya. Natatawa naman si Mhy sa kanya. Lokaret talaga.Nang makarecover sa pagkakatulak ng kaibigan ay lakas loob niyang hinarap si Chad.
"Thank you ah, pangalawang beses mo na kong pinagtatanggol," nahihiyang sabi niya.
"Nice one!" kantyaw ni Ken at Gino sa likod nila.
"Maraming masasamang loob ngayon, dapat nasa loob na ng bahay ang mga babaeng katulad mo, mabuti na lang at pinagtagpo tayo ulit ng tadhana, dahil kung hindi ay baka minanyak ka ulit," masungit na tugon ni Chad sa kanya.
"Salamat talaga ah, pasensya na rin sa istorbo," dagdag niya pa.Hindi na nagsalita pa si Chad nang mapansing may papalapit na taxi. Pinara ito ni Mhy at huminto naman ito sa kanilang harapan. Unang pumasok ang dalawang babae, susunod na rin dapat siya nang mapansing biglang nawala ang mga pinsan niya sa kanyang likuran.
"Nasaan na sila?!" tanong ni Mhy mula sa loob ng taxi.
"H'wag na natin sila hintayin, nag cr pa e," pagdadahilan niya pero ang totoo ay iniwan na siya ng mga ito.Pumasok na rin siya sa loob ng taxi, katabi niya ang driver samantalang nasa likod naman ang dalawa. Wala siyang choice kung 'di mag-isa niyang ihahatid ang mga ito. Ayaw din naman niyang may masamang mangyari sa dalawang babaeng lokaret.
Habang nasa byahe ay naririnig niya pang nagbubulungan ang dalawa. At natitiyak niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Tahimik lang siyang nanonood sa mga nadadaanan nila. "Loko 'yong dalawang 'yon ah, sila nagsabing ihatid ang mga 'to pero iniwan naman ako," wika niya sa kanyang isip.
Nang makarating na sila sa tintuluyan ng dalawa ay bumaba na rin sila sa taxi.
"Dito kami nakatira, sa boarding house na ito," wika ni Mhy habang nakatayo sila sa harap ng boarding house nila.
"Hanggang dito na lang ako, pumasok na kayo," wika ni Chad.
"Salamat ulit ah, talagang hinatid mo pa kami dito, sana lahat ng lalaki katulad mo," nahihiyang wika ni Lalaine.
"Nagmalasakit lang ako," sagot niya.
"Mag-iingat ka sa pag-uwi ah," sabat ni Mhy. Tumango lamang si Chad at nagsimulang maglakad.
"Hoy! may taxi oh! saan ka pupunta?!" pasigaw tanong ni Mhy.Sandali naman itong huminto sa paglalakad.
"Ayaw kong magtaxi! gusto ko maglakad!" sagot niya at tuluyan ng naglakad palayo. Nagtaka naman ang dalawa kung bakit mas ginusto niya pang maglakad kaysa magtaxi. Wala ba siyang pamasahe?