Chapter III

26 2 0
                                    


  "Ano!? muntikan ka ng ma-rape?!" pasigaw na tanong ni Mhy sa kanya. Ang kasama niya rito sa boarding house. Naikwento na niya kasi ang kanyang mga naranasan kanina sa kamay ng mga manyakis na lalaking pangit.

 "Kailangan sumigaw?" nakatakip tengang tanong niya sa kaibigan. Halos mabingi kasi siya sa boses nito. 

"Nako talaga! ang dami talagang manyakis sa mundo e, kaya ikaw, ikaw ikaw ikaw, mag-iingat ka palagi sa pag-uwi mo, baka mamaya n'yan mapahamak ka sa daan, dapat kasi sabay na lang tayo e, para dalawa tayong ma-rape kung sakali man," nakakalokang wika ni Mhy.

 "At gusto mo palang magahasa?" wika niya sabay bato ng unan. 

 "Syempre joke lang."

 "Mabuti na nga lang at may isang super hero na dumating e," mahinang sabi niya na napapangiti.

 "Mabuti na lang talaga, nakilala mo ba siya?" tanong ni Mhy. 

"Hindi ko natandaan ang mukha kasi madilim, pero Chad daw ang pangalan niya," saad niya.

 "O bakit ka napapangiti d'yan?" tanong ni Mhy at ito naman ang bumato sa kanya ng unan. 

 "Wala lang, nakakatuwa lang, akala ko kasi sa pelikula lang nangyayari 'yon, sa totoong buhay din pala."

 "Hoy kinikilig ka, kung ako sa 'yo, do'n ka lagi dumaan, tapos magpa-rape ka palagi para lagi ka rin niyang iligtas," pilyang sabi ni Mhy. 

 "E loka-loka ka rin talaga e 'no, ikaw na lang, nakakatakot kaya kung ikaw 'yong nasa sitwasyon ko kanina," wika niya.     

  Sandali siyang natahimik na parang may naalala. 

"Pero ang weird e, bigla siyang nawala," patuloy niya.

 "Baka naman guni-guni mo lang ang lahat ng 'yon? Oh my! napapraning ka girl!" inalog-alog pa ni Mhy ang balikat niya. 

 "Ano ka ba?! tumigil ka nga!" sabay agarang inalis ang kamay ng kaibigan sa kanyang mga balikat.

 "Hay nako, ewan ko sa 'yo," wika ni Mhy.

 "Ang weird kasi talaga," patuloy niya.

 "Multo 'yon, awoo." 

"Tse!"

 ***   

  Umuwi na si Chad sa kanilang mansion, naabutan naman niyang nagkakatuwaan ang mga kapatid niya kasama ang dalawa niyang pinsan sa pool area. Hindi na dapat niya ito papansinin subalit tinawag siya ng kanyang nakakatandang kapatid na si Xyryl. 

"Bro!" napahinto siya sa tawag na iyon. 

 "Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Xyryl habang nagbabalasa ng baraha.

 "Nagliwaliw lang bro," sagot niya.

 "Saan ka naman nagpunta aber?" si Maria naman ang nagsalita. Kapatid niya rin, ang panganay sa kanilang tatlo.

 "Nagmukmok do'n sa tuktok ng building," si Ken naman ang sumagot.

 "Binilang niya 'yong mga ilaw," dagdag pa ni Gino sabay tawa. 

 "Papasok muna ako sa loob," pamamaalam niya.

"Nagtampo ka naman agad," pagbibiro ni Xyryl.  

Pumasok na siya sa loob. Nakita naman niyang abala ang kanyang ama sa pagbabasa ng dyaryo. Lumapit siya rito upang magmano. 

"Nasaan si Ina?" tanong niya kay Ferdinand, ang kanyang ama. 

 "Umattend ng meeting." 

"Meeting para saan?" patuloy niya.

The Immortal Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon