Nasa iisang lamesa ang magkaibigang Lalaine at Mhy. Hindi naman sila nag-iinom sa halip ay pinanonood lang ang mga taong nagkakasayahan. So ano palang gagawin nila dito? Tambay?
Samantala, kanina pa napapansin ni Lalaine na nakatingin sa kanya ang isang lalaki na nasa kalapit lang din nilang lamesa. Ipinagpalagay na lang niyang may gusto ito sa kanya kahit wala naman siguro. Sa tuwing lilingunin niya ang lalaki ay nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya. Hindi man lang ito umiiwas ng tingin sa kanya sa halip siya pa ang naiilang dito.
"Sis, kanina pa nakatingin sa 'yo ang lalaking 'yan ah," wika ni Mhy, hindi lang pala siya ang nakakapansin.
"Sa tingin mo may gusto siya sa 'kin?" walang pag-aalinlangang tanong niya.
"What? hello? assuming ka," iritang sagot ng kaibigan.
"Sa 'yo na lang 'yong dalawang kasama niya, akin na lang siya," pagbibiro niya.
"Asa ka namang papatulan ka niya," kontra ni Mhy.
"Kontrabida ka talagang babae ka," inis na sabi niya.Muli niyang itinuon ang atensyon sa lalaking kanina pa nakatingin sa kanya. Wala naman sa mukha nito ang pagiging masamang tao kaya hindi naman siya kinakabahan dito.
Ilang minuto pa ang lumipas, natigil ang pag-uusap ng dalawa nang may lumapit sa kanila. Tatlong lalaking feeling gwapo.
"What?" masungit na tanong ni Mhy.
"Hi girls, pwede ba kayo?" tanong naman ng isa na makisig ang katawan na mahahalataang leader sa tatlo.
"Pwedeng ano?" patuloy ni Mhy.
"Alam kong alam niyo ang tinutukoy ko, may private room naman dito e, so tara?" preskong tanong ng makisig na lalaki. Naningkit naman ang mata nilang dalawa sa inaasta ng mga ito.
"E bastos pala 'tong mga lokong 'to e," wika ni Lalaine kasunod ang pagsampal sa lalaki subalit nahawakn nito ang kamay niya.
"H'wag ng pabebe okay? tara na," Pinilit siyang hinihila ng paepal na lalaki subalit pumapalag naman itong si Lalaine, sinasampal naman ni Mhy ang dalawa nitong kasama ngunit nasasalag naman ng mga ito."Hoy ialis mo nga 'yang makalyo mong kamay sa kamay ng babaeng kulot na 'yan!" nagulat na lang sila nang biglang may nagsalita sa likuran ng tatlong lalaki. Napansin naman ni Lalaine na ito ang lalaking kanina pa nakatingin sa kanya.
Binitawan ng makisig na lalaki ang kamay ni Lalaine at hinarap ang nagsalita.
"H'wag kang mangialam kung ayaw mong itupi kita sa sampo," mayabang na sabi ng makisig na lalaki.
Nangangamoy gulo na kaya naman lumayo sila Lalaine at Mhy sa mga lalaki. Samantala, Kinausap naman ni Mhy ang kasama ng lalaking nagtatanggol sa kanila.
"Mga kuya, tulungan niyo ang kasama niyo, mag-isa lang siya laban sa tatlo," may pag-aalalang sabi ni Mhy.
"Don't worry mga ate, kaya na ni Chad 'yan," kampanteng sagot ng isa, si Ken. Tumango lamang si Gino bilang pagsang-ayon.May naalala naman itong si Lalaine nang marinig niya ang pangalang Chad. Iyon ang pangalan ng lalaking nagligtas sa kanya kagabi. Muli nilang ibinalik ang atensyon sa kinaroroonan ni Chad na kausap ang tatlong lalaking nambastos sa kanila.
"Sigurado ba kayo? baka mabugbog siya!" dagdag pa ni Lalaine.
"Manood na lang kayo," si Gino naman ang nagsalita.Habang nag-aalala ang dalawang babae, nagsisimula na ring magliyab ang apoy na nagmumula kay Chad at sa kausap niyang feeling gwapo. Magkaharap sila ngayon nito na kapwa nagyayabangan. Tila hindi man lang makaramdam ng kaunting kaba itong si Chad sa kanyang kaharap. Paano nga naman siya kakabahan kung isang katulad lang nito ang makakasagupaan niya?
"Wala ka bang kapatid na babae? paano kung bastusin ko ang isa sa mga babaeng kamag-anak mo? sa mismong harap mo, nakakainis tama ba?" wika ni Chad, lalo namang nang-galaiti itong kausap niya kaya naman nagpakawala na rin ito ng isang suntok. Tinamaan sa mukha si Chad, napatili naman ang dalawang babae habang tumatawa naman ang mga pinsan nito. Ngunit, hindi natinag si Chad sa kanyang kinatatayuan, nabigla naman ang lalaking sumuntok sa kanya nang bigyan niya ito ng isang malakas na tawa. tawa lang?
"Ang hina mo naman sumuntok, bading ka ba?" pang-aasar niya sa lalaki. Nagtataka naman ang mga kasama nito.
"Iniinis mo talaga ako?!" muli niyang sinuntok si Chad subalit sa pagkakataong ito ay mabilis na nahawakan ang kanyang kamay.
"Next time matuto kang gumalang," wika ni Chad, sobrang higpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng lalaki kaya naman halos mamilipit ito sa sakit.
"Hindot ka bitawan mo ang kamay ko!"Hindi niya binitawan ang kamay ng lalaking bastos, sa halip ay tinitigan niya ito sa mga mata.
"Inuutusan kitang mag chicken dance, ngayon din," mahinang wika niya matapos titigan ang lalaki.
Nang mapansin niyang tumalab na ang kanyang pang-hihipnotismo ay binitawan na rin niya ito. Umatras ng kaunti ang lalaki, maya maya pa ay sinunod na rin nito ang kanyang iniutos. Sumayaw ito na parang isang manok na tila gustong lumipad. Nagulat naman ang lahat ng taong nakakakita sa ginagawa nito, maging ang kasama nito ay hindi makapaniwala at hindi maintindihan kung ano ba ang nangyayari.
"Kayong dalawa? gusto niyong sumayaw din?" pananakot niya sa dalawang kasama ng lalaki. Hindi naman sumagot ang mga ito, dali-daling umalis at iniwan ang kasamang nagsasayaw manok.
"Sumayaw ka lang d'yan, babalikan ko lang ang mga kasama ko," wika ni Chad sa lalaki habang nasayaw. Tawa naman ng tawa ang mga taong nanonood dito.
Binalikan niya sina Ken at Gino, nagtaka naman siya kung bakit nandoon ang dalawang babae na kinakausap ng mga pinsan niya.
"Tol anong ginawa mo? bakit nagsasa-sayaw 'yon?" natatawang tanong ni Gino. Kapansin-pansin din na natatawa rin ang magkaibigang Lalaine at Mhy.
"Aba ewan ko do'n, bigla na lang akong sinayawan e, showdown ata ang gusto," pabirong sagot niya.
"O bakit ayaw mo makipag-showdown?" gatong naman ni Ken.
"Hindi ako marunong sumayaw," sagot niya.
"Kuya nasaktan ka ba?" tanong naman ni Mhy.
"Hindi," matipid niyang sagot.Muli niyang tiningnan ang babaeng kulot na sinasabi niya kanina, ngayon ay mapagmamasdan niya na ng malapitan ang mukha nito kaya masisiguro na rin niya kung ito ba ang babaeng niligtas niya kagabi.
"May problema ba?" tanong ni Lalaine nang mapansing nakatitig sa kanya si Chad.
"Ikaw nga 'yon!" wika ni Chad sabay turo sa mukha ng dalaga.
"Huh? ako? ang alin?" pagtataka ni Lalaine.
"Hala sis may kasalanan ka sa kanya?" sabay kurot ni Mhy sa braso ng kaibigan.
"Bakit Chad?" tanong ni Ken, tahimik naman si Gino na parang naguguluhan.
"Ikaw 'yong babaeng kulot sa iskinita kagabi na muntik ng ma-rape ng dalawang pangit!" sagot ni Chad.