F O U R

45 3 0
                                    

Raven's POV

"GISIIIIIIIIING!!"

Nagising ako sa nakakairitang boses ni Jayden. Ang aga aga nambubwesit na eh. Alam naman nya na badtrip ako kapag pwersang ginising. Nakita ko sya na pinupukpok ang kaldero gamit ang isang wooden stick. Nasa tribo ata to. Binato ko sya ng unan at ginulo ng kunti ang buhok ko.

"Ano ba?! Ba't ka ba nanggigising?!" - sigaw ko sakanya. Binaba nya ang hawak hawak nyang kaldero at binato naman ako ng shampoo at sabon.

"Ano gagawin ko dito?" - tanong ko

"Pakuluan mo tapos lagyan mo ng vetsin at asin. Pati na rin asukal para matamis tsaka mo ihulog yung kamatis at singkamas. Tapos kainin mo. - sabi nya at tinapon ko yung shampoo at sabon sakanya pabalik. "Malamang gagamitin mo para maligo. Tinatanong pa eh."

"Ayoko nyan. Cheap. May sarili akong sabon at shampoo."- Bumangon ako at inayos ang magulo kong buhok. Mah precious~

"Bakit ka nga pala andito?" - binaba ko ang suklay at tumingin kay Jayden na nasa veranda na pala at tumitingin tingin sa paligid. Senti mode ba nya ngayon?

"Hoy." - sinundot ko ang tagiliran ni Jayden. "May problema ba?"

Bigla syang umiyak at niyakap ako ng mahigpit. Minsan lang to umiyak, kung malaki talaga ang problema nya. "Oy, mag salita ka naman. Ano meron? Alam ko naman na pangit ka kaya truth hurts talaga Jayden kailangan mong tanggapin yan."

Nakatanggap ako ng batok dahil dun. Aray naman. Nabasa na nga tong shirt ko nabatukan pa ako. Tinignan ko yung damit ko, baka may sipon. Dugyot pa naman to minsan.

"Seriously, ano problema? Pag di ka pa nagsalita ihuhulog kita sa baba."

"Duh, may ihuhulog ba sa taas?"

Nag chuckle lang ako at pinisil ang pisngi nya. "Kasi ano..kahapon nung pumunta ako sa office ni Tita Marie...yung sa kontrata..."

Oh no.

"....pinirmahan ko na."

Anak ng-!
--

Xyra's POV

Nanggagalaiti ako sa galit. I think I wanna choke this woman in front me. She signed the contract without us?! Without our permission?! Without us knowing the terms? Oh great! What a friend! Siguraduhin lang nya na may makukuha kaming magandang benefit dito sa gagawin naming pag suong sa teritoryo ni kamatayan dahil kung hindi ipagkakalat ko talaga sa FB at Twitter na gumagamit pa rin ng bebiron tong Jayden Alysa Walker na toh.

"Xyra. It's rude to stare. Baka matunaw na nyan si Jayden. Wala ng kakain ng tirang pagkain sige ka." - Raven

"Guys sorry na kasi. Eh si Tita pinapirma agad ako eh tsaka-ang ganda ng offer ni Tita! Siguradong matutuwa kayo." - Jayden

"Kasing ganda ko ba? Pag hindi, sasakalin kita." - kahanginan na naman ni Raven oh. Araw araw na ata kaming nakaka experience ng Yolanda dito ah.

"Syempre, mas maganda sayo kaya nga mas matutuwa kami di ba?" - sabat ni Taylor na kanina pa ginugupitan ang kuko nya sa kamay. Nag make face lang si Raven at nagpatuloy sa pagsasalita si Jayden.

"Fifty thousand every week-"

"I have money. Ano tingin mo sakin? Pulubi? Duh." - sabi ni Taylor

"Pag natapos natin ang trabaho ng maayos may libre tayong sasakyan-"

"I have four cars and a private jet and an incoming private plane. I don't need a cheap car." - pagputol ko kay Jayden. Eh sa totoo naman eh! Gagawa kami ng trabaho tapos yung sweldo namin parang barya lang sa bulsa? Aba no way. Kailangan pang big time.

Love In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon