T E N

45 3 2
                                    

TAYLOR'S POV

Kasalukuyan kami ngayong nanunuod ng palabas. "Every Child Is Special" yung pamagat. Kahit ilang beses ko na tong napapanuod, naiiyak pa rin ako sa last part. Eh kasi naman si Ishan eh. Nakakaiyak talaga pag ganyan yung mga case ng mga bata.

Ayan na, nagbabadyang panganib. Tutulo na luha ko. Andun na kasi sa part na umiyak yung bata kasi iniwan sya sa isang boarding school. Puchaaa.

"Are you crying?" Tanong ni Ashton.

FC mo ah. Kanina lang kung maka mura ka wagas. Mawala ka na sana. I hate you!

FLASHBACK

Pagkatapos umalis ni Jayden sa kusina, biglang tumawa ng mag-isa si Ashton. Yung tawang parang bata na tuwang-tuwa dahil binigyan sya ng lollipop.

"Ano tinatawa tawa mo jan? Baliw ka na sa lagay na yan no?" Ngumisi lang sya. Baliw na nga.

"Come. I have something to show you." Kinuha nya ang kamay ko at dumaan kami sa isang makipot na hallway. Tapos kinapa kapa ni Ashton ang isang makapal na kulay pula na kurtina at biglang bumukas ang isang pintuan. Pumasok sya at sumunod ako sakanya. Madilim ang lugar. Natatakot ako.

"A-ash..? Where are you?" Tanong ko. Baka iniwan na ako ng gagong yun!

Walang sumagot. Pucha! Di ko pa naman alam yung daan pabalik. Sana kasi di nalang ako sumama eh.

"Ash di na nakakatuwa to." Seryoso na. Pag ginulat nya ako ngayon, wala na. Aalis na ako sa bahay nato kahit magmakaawa pa yang si Jayden. Pero joke lang. Yoko silang mag hirap.

Biglang lumiwanag ang paligid. Binuksan na pala ni Ashton ang ilaw. Nabigla ako sa nakita ko sa loob ng kwarto..

Puro larawan namin ni Ashton. Ang iba stolen pictures ko pa. Atsaka yung iba kasama ko sina Raven, Jayden at Xyra. Teka ano to? Minamatyagan nya ba bawat kilos ko? Baka mamaya magulat na naman ako kasi may litrato ako dito na nag C-CR.

"W-what's the meaning of this?" Tiningnan ko sya sa mata. Ang creepy kasi ng dating.

"After you left, I tried my best to recover fast to find you. And somehow to be with you again."

So all this time he has been monitoring my actions? Stalker ko ang kababata ko?!

"I want to show up on your door step. But I can't find a moment that you're alone. You always have a companion."

"You should hate me Ash. I left you." Binaba ko ang tingin ko sa sahig. Di ko sya matingnan sa mata. Naguguilty ako.

"That's the very first question I want to be cleared. Why did you left me? Alone in a white room full of cold doctors? You have no idea on what I felt that day Lory.." yung boses nya pabago bago ng tono. Nagagalit na siguro sya dahil naaalala nya yung nakaraan.

"I'm sorry Ashy. It's just that I'm so angry at myself. I shouldn't have crossed the street..and you shouldn't have-" pinutol ako ni Ashton sa pamamagitan ng pagyakap sakin.

"Lory. It's not your fault. Okay? It is not your fault. It was mine. I'm sorry for shouting at you, sorry for ditching you, sorry for treating you as a joke, sorry for everything. Sorry for leaving you at times when you mostly needed me. Sorry for being a douche. Sorry for not encouraging you to live when you nearly stab yourself. Sorry."

Niyakap ako ni Ashton ng mas mahigpit at napaluha ako sa dibdib nya. Sana pwede pang balikan ang nakaraan at ayusin. Pero..ano pa bang aayusin? Eh wala na. Tinangay na ng hangin lahat pati ang oras. Wala na kaming panahon para sa nakalipas. Tapos na ang mga sandaling yun.

Love In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon