F I V E

38 2 0
                                    

Taylor's POV

Pagkatapos naming mag-usap, kanya kanya na ng gawain. Yung apat na lalaki umalis kaagad habang kami naman dumiretso sa office ni Tita Marie dahil may lilinawin lang daw si Jayden na mga terms and conditions kuno. Di daw nya binasa eh. Sarap talagang imudmod nito.

"Hey girls! How's the day so far?" - tanong ng mala teen-ager naming Tita pagdating namin. Umupo kaming lahat sa couch.

"Maganda naman po." - sagot ni Xyra habang nakangiti.

"Kasingganda ko raw ho hehe. Ah Tita Mar, may lugar ba dito na pwedeng mapag-isa?" - Raven

"Huy babae. Ano naman ang gagawin mo ha?" - nag cross arms si Tita at tumingin ng masinsinan kay Raven na gumagawa ng cross gamit ang daliri nya.

"Mag gigitara lang ho! Yoko sa maingay nadidistract and beauty ko." - Raven

"Nahiya kami sa'yo ah!" - binato ni Xyra si Raven ng lalagyan ng pulbo. Kawawa na naman ang utak nyan. Sa ulo tumama eh.

"Dun sa likod ng abandonadong building. May pinagawa akong cottage doon. Tapos kung ayaw mo dun, umalis ka sa resort na to at umakyat ka sa pinakatuktok ng bundok." umupo si Tita sa upuan nya at may kinuhang black folder sa isa sa mga drawers nya.

Tumango si Raven. "Gusto ko yun. Kaso ang layo na dun sa bundok. Ah alam ko na! Jayden sama ka? Makikita mo kauri mo dun. Mga IGOROT! HAHAHA." Tapos tinakpan nya ang kanyang bibig nang akmang babatuhin sya ni Xyra ng throw pillow.

Kumuha nalang ako ng magazine at pagbuklat ko nun..agad kong nakita ang mga mukha ng mga seserbisyohan namin. "Sons of the wealthy business men and women in the Philippines slowly making their way to...fame?" Bulong ko sa sarili ko. Nagkukulitan pa kasi sila kaya ako muna ang sasagap ng mga fresh chika from outer space.

Biglang may bumato sakin ng unan.

"RAVEN ZINNA SMITH!"

"UY PEACE! SI XYRA YUN!"

"ANONG AKO?! BOBITA KA LIKA DITO!"

Naghahabulan sina Xyra at Raven habang si tita naka headphones at may binabasa. Umusog papunta sakin si Jayden at nakibasa.

"Alam mo ang balitang to?" - tanong ko sakanya

"Di. Kaya ko nga binabasa eh." - kinuha nya yung magazine at sya na ang nagbasa. Aba. First come first serve! Bastusan lang?

"Akin na yan." - inagaw ko sakanya yung magazine.

"Magpa photocopy ka ng sayo! Nang-aagaw pa eh." - aba? Ako pa ang sinabihan na mang-aagaw?

"Ewan ko sainyo. Labas muna ako." - Kinuha ko ang earphones ko at pinasak sa'king tenga. Pinatugtog ko ang Dance With My Father. Palakad lakad lang ako. Bigla kong naalala yung abandonadong building. Di pa naman gabi kaya matapang pa akong mapag-isa.

Pagdating ko, may cottage na pininturahan ng pink kaya umupo ako dun para sumilong at mag emote. Hays. Naaalala ko na naman ang pamilya ko. Noong bata pa ako, ang saya saya namin. Nililibot namin ang buong mundo. Nakapapicture na rin ako sa ilan sa mga sikat na artista sa amerika. Pero masisira lang pala to. Ah hindi, sira na pala at tuluyan nang nawasak. Grabe ang iyak ko nang gabing yun. Habang sila mom and dad tuloy lang ang pagbabangayan hanggang sa nag empake na si mom at umalis ng bahay ng walang paalam kahit na nakita nya'ko sa hagdan na umiiyak. Si Dad naman, hinayaan lang si mom.

Bakit kaya ganun. Bakit di sila nag tulungan na harapin yung problema? Bakit di man lang nila pinaglaban ang isa't isa? Bakit kailangan pa nilang mag hiwalay? Nanumpa sila sa harap ng simbahan na mamahalin nila ang isa't-isa sa hirap at ginhawa pero konting ubo lang naghiwalay na agad sila? Ano to? Joke? Biglang tumugtog yung The Only Exception. Di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Hinayaan ko lang to at pinikit ko lang ang mata ko.

Love In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon