N I N E

21 2 7
                                    

Sorry sa mga typo o wrong grammar sa past chapters. It's unedited.

--

JAYDEN'S POV

"Mga sir, mga ma'am! Kakain na po."

Narinig namin ni Michael yung matanda pero binalewala lang namin. Di ako makapaniwala sa pinag-uusapan namin ngayon ni Michael. What is he doing? Bakit kailangan yun gawin? Eh andito naman ako ah.

"Understood? I want it right now, later or tomorrow. But not next week or the other day. I cannot stand it anymore Jayden. I hope you can help me." Pakiusap sakin ni Michael. Maamo ang mukha nya ngayon. Hindi gaya nung mga past days na parati nalang nakakunot ang noo at parang may masamang binabalak.

"O-okay." Sagot ko.

Pinag usapan namin lahat ng gusto nya ng biglang pumasok si Luke sa kwarto. Nakapamulsa ito at pa cool'2 lang. Asan kaya alalay nito?

"L-luke! Why are you here?" Nanginginig si Michael. Pahalata masyado eh. Pag yang si Luke ngumisi ng nakakagago lagot ka sakin daga ka.

"Nothing. Just bored."

"It's lunch time already. Go eat."

"No. I'm not yet that hungry. I can still endure it." Tumango si Luke at humiga sa kama ni Michael. DI NYA TINANGGAL YUNG TSINELAS NYA PUTEEEK. MADUDUMIHAN YUNG SHEET!

Nag buntong hininga nalang kaming dalawa ni Michael. Di na rin namin pwedeng pag-usapan yung kanina dahil 'confidential' daw sabi ni Michael. Sus. Torpe ka lang eh.

Nilabas ni Michael ang comlink nya. May comlink kami bawat isa para mas madaling mag communicate.

Nilaro nya yun sa palad nya nang biglang may mag salita sa comlink.

"Wala akong pake kung ano pa ang ginagawa nyo ngayon. Pag wala pa kayo dito sa hapag kainan sa loob ng limang minuto, iisa isahin ko yang mga bungo nyo."

Boses yun ni Raven. Cold ito at....GALIT NA SYA.

"What? Is she nuts?" Tanong ni Michael.

"If I were you, you'd better hurry right now." Agad akong lumabas ng kwarto at tumakbo pababa ng hagdan. Nakasalubong ko pa si Taylor na maga ang mata pati na rin si Xyra.

"Asan mga amo nyo?!" Bulong ko habang papunta kami sa dining room.

"Ewan. Di namin alam."

Pagdating namin, kumakain na sya. Kalmado at walang kutsilyo sa tabi. Hoh. Salamat naman. Tumingin sya samin at tinuro yung mga pagkain. "Kain na."

Tumango kami at umupo sa tabi nya. Tahimik kaming kumakain nang biglang dumating ang apat na lalake. Tapos ang ingay'2 pa. Umupo sila sa kanilang mga upuan at nagulat ako kay Michael. May dala syang ceramic doll. AYAW NI RAVEN NG DOLLS. May pediophobia sya.

"Putangina naman oh!" Binasag ni Raven ang plato at baso sa sahig tapos naglakad paalis. Nakatunganga ang apat na lalaki.

"Is she on her period?" - Michael

"No. She hates dolls. Really hates dolls." - Xyra

Tinapon ni Michael sa tabi yung manika. Hah! Minus points ka nyan. Sa lahat ba naman kasi ng dinala eh yung hatest pa ni Raven. Lol

Pinandilatan ako ni Michael. Alam ko ibig sabihin nun. Hindi ko hahayaan na makuha nalang basta'2 ni Michael ang gusto nya.

Kumain kami ng sobrang tahimik. Walang kahit isa na sinubukang umimik. Ano ba naman kasi ang itotopic? Yung magang mata ni Taylor? Yung kabwesitan ni Luke? O yung dimples ni Ashton? O di kaya ang pagkamatakaw ni Xyra? No. Awkward lang ireresulta nun. Nilinis ng isang kasambahay ang basag na pinggan at baso. Maya-maya tumayo na si Xyra, tapos na kasing kumain.

Love In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon