Chapter One- They Meet

21 0 0
                                    


"Shet! Ang lamig lamig." Inis na sabi ko habang sinusuot ang seatbelt ko. Umuulan kasi, at di ko man lang alam na may bagyo pa lang paparating.

Btw, ako nga pala si Jiro Blake Ford. Mayaman. Gwapo (Common na yun). May abs? Syempre.. Oo!

Back to the present, oo nga at napakalamig. At ito namang kotse ko, masyadong pabebe! Ayaw pa umandar. Kapag nga naman minamalas-malas. Ganito na ba ang parusa sa pagiging gwapo?

No choice.

Bumaba ako sa kotse at tiningnan ko ang makina ng kotse ko.

Face palm.

Malas! Nasiraan pa ako!

"Psst!" T-teka... Sino k-kaya yun?

"Oy." Kinikilabutan ako na parang nababakla! Utang na loob sa nagbigay at nagpamana ng kagwapuhan sa'kin, hindi ako pwedeng maging bakla.

Hoo! Nilingon ko na lang kung sino yun.

"O-oh?"

"Oh." Iniabot niya sa aking ang isang twalya.

"Ano gagawin ko rito?"

"Baka kakainin." Psh! Siya pa nagtaray.

"Common sense kuya, ipunas mo sa katawan mong basa." He-he! Oo nga ano?

"Salamat. Ah, wala bang hotel nearby na pwedeng tulugan dito?"

"Ayy manong, sinasara po kasi ang daan dito e."

"Bakit!?"

"Aba e, malamang may bagyo, halanganaman buksan pa nila yan edi maraming naaksidente."

Naman oh! Bakit ba kasi ang malas ko ngayon?

"Saan ako tutuloy?"

"Makituloy ka sa amin, five hundred lang."

Aba't may bayad pa talaga?

"Miss, pwede bang kagwapuhan ko na lang ibayad ko diyan sa'yo?"

"No." Straight-face niyang sagot. Pwe! Di man lang tinablan ng charms ko. Lintekk.

"It's a pleasure for you.. and.." Lumakad siya papalayo.

"Uy jokiss lang! Oo na sige na!" Kainis! Malalagasan pa ako ng limang daan.

"Oh tara na. Tutunganga ka na lang diyan to infinity and beyond?" Ibang klase talaga 'tong babae na 'to. Talagang hindi tinablan ng kagwapuhan 'ko e. Waa! Bad trip!

"Tch."

Naglakad kami papunta sa bahay niya na medyo may kalayuan. Guess what? Hindi man lang talaga ako inalok kung gusto ko maki-share ng payong para di ako mabasa. O kahit sana yung twalya man lang. Talagang walang pakielam sakin 'to e.

"Ang bait bait talaga..." I said sarcastically.

"Ako ba? Ge, wala 'yon." Talaga lang ha? Sinasabi ko sayo pagkatapos ng bagyong ito, manghihinayang ka sa kinawawa mo.

Pagdating namin sa bahay, papasok sana ako ng biglang...

"Aray!" Ang walang hiyang babae, ibagsak ba naman ang pinto sa akin.

"Ay sorry! Patay ka na ba? Kelan kita pwede ilibing?"

"Pinatay mo naman agad ako!"

Itinuro niya na lang sa akin kung saan ako matutulog. Wow!~ 

Grabe!

Para sa limang daan.. eto lang naman ang tutulugan ko.

Dandandandan!

Remembering His NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon