Jiro's POV
Kanina pa ako sa bar. Halos magi-isang linggo nang ganito ang routine ko.
Hah!? Melissa? Hahaha. Kalokohan lang pala ang mahalin siya. Eto at palagi akong umaasang babalik siya.
Ang sakit na rin pala magpakatanga. Minahal ko siya ng husto pero bakit ganito lang rin ang nangyari? Ano 'to gaguhan na lang kami?
Stay forever...
Potek! Mabura nga yang status na tinag ko pa sa kanya sa facebook.
Stay forever pero wala pa ngang isang araw wala na yung pangako na yun.
Umalis kaagad siya at iniwan ako.
"Hi, Jiro." Bati sa akin nung babaeng GRO yata.
Grabe manamit. Naka-tube lang ng itim na parang bra na lang at tsaka nakashorts na akala mo naman wala ng tela sa sobrang iksi.
Hindi ko na lang siya pinansin at tsaka pinagpatuloy ang pag-iinom.
Nakita ko sa peripheral vision ko na bumusangot ang babae. Well, sorry. Ayoko sa katulad niyang pokpok.
"Mr. Ford." Natauhan ako ng biglang may parang familiar na boses ang tumawag sa apelyido ko.
Nilingon ko siya. At ayun! Siya nga pala yung hinire kong investigator. Gusto ko lang malaman kung nasan si Melissa at kung ano ang tunay na lagay niya.
"Oh?" Masungit kong sagot.
"I found out na, wala na nga ang cellphone ni Melissa. I tried to track the sim. I'm not sure kung nandon nga siya sa lugar na yun but let's just try." He paused for a while like he was waiting for me to question him.
"So... Saan?" Mahina kong tanong.
"Somewhere in Batangas. Napag-alaman ko rin na may naganap na malalang salpukan ng SUV at bus sa lugar kung saan limang lalaki ang sugatan at may isang babaeng kritikal ang lagay. Hindi naman sa sinasabi kong si Miss Park iyon. Pero malakas ang kutob ko."
What the hell!?
Dali-dali akong tumayo sa stool at tsaka hinagis ang five thousand. Kailangan kong puntahan ang lugar na yon!
Habang bumibyahe ako, hindi ko maiwasan ang mapaluha. Bakit napakalupit ng tadhana sa amin? Kakakita ko pa pang sa kanya tapos mawawala ulit?Hindi ba pwedeng masaya na lang kami? Kailangan ba talagang paghiwalayin kami?
Hindi lang naman siya ang maapektuhan. Ako rin e. Pero bakit napakasama na yata masyado ng destiny? But kagaya ng dati, hindi ako titigil na hanapin siya. Dahil naniniwala ako na, kami talaga ang destined.
Pagdating ko sa lugar kung saan naganap ang aksidente, nagtanong-tanong agad ako.
At ang pinakamasakit na nalaman ko ay....
May isang babaeng nagngangalang Melissa Park, ang naging kritikal matapos ang aksidenteng iyon. Hindi na raw alam ng mga residente doon kung saang ospital man siya dinala. Pero, lalaki raw ang nagsakay sa kaniya sa kotse...
At sa nalaman kong iyon...
Pakiramdam ko, gumuho na ang mundo ko.
Bakit kailangan si Melissa pa? Bakit!?

BINABASA MO ANG
Remembering His Name
Teen FictionIsang taon na rin ang lumipas, nang mawala ang kasintahan ni Jiro. Wala siyang ideya kung ano ba ang naganap, kung may nasabi ba siya rito, dahilan para siya iwan nito. Wala kasi talaga siyang malamang dahilan para iwan ng nobya. Isang araw, may bab...