Melissa's POV
Kanina pa kami lumalakad sa gilid ng dagat. Si Jiro naman, mukhang timang. Kakausapin ako tapos hindi naman tumitingin. Kapag tumatawa akala mo naman natatae. Problema nito?
Umupo kami sa may bato sa gilid dahil nakaramdam ako ng pagod.
"Psst. Kwento ka naman. Lablayp?" Masigla kong sabi.
"AH ANO,,,, oo, hahaha. Kasi ganito yan.. may hinihintay akong kababata ko--"
"KABABATA?"
Ayy. ><
Oo, ako na epal sa pagkukwento niya. Sorry na agad.
"Yeah. Ang pangalan niya ay Melissa--WATDAPAK!? IKAW YATA ANG KABABATA KO!?"
"OO NGA!UWAAA. JIRO. TORO? IKAW YAN?"
HALA! Bakit ngayon ko lang naalala na sa dinami rami ng beses na nagkita kami e, ngayon ko lang narealize na kapangalan niya nga pala ang kababata ko. Howmygulay!
"Melissa, ang tagal kitang hinintay.. akala ko, hindi na kita makikita."
Now, he's starting to get emotional. Nangigilid na rin yung luha ko.
"Ngayon, hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito para sabihin ang tunay kong nararamdaman."
Nakangiti pa rin ako habang tumutulo ang luha ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Melissa... I love you. And I really do. Ngayon, gusto kong mapasakin ka na Melissa. I promise not to hurt you."
Imbes na sagutin siya, I grabbed his head and kiss him. Hindi na naman kailangan pang sabihin ko ang mga nararamdaman ko para sa kaniya verbatim. My love for him is not just as a fan, but as a chilhood bestfriend I've been missing for so many years.
"Jiro... mahal na mahal din kita." I said between our kisses.
My tears kept on flowing as we continue the kiss... God, thank you for having him again here in my side.
Dati akala ko, normal lang na maging fan ka ng isang Jiro Blake Ford. Yun pala, ginawa na itong daan ng destiny at fate para pagtagpuin kayo ng taong mahal mo. At ngayong nasa tabi ko na si Jiro, wala ng rason para magkalayo pa kami.
"Melissa." He called my name again.
"Will you be my girlfriend?" Tanong niya habang tumutulo rin ang luha.
"Yes Jiro." I answered.
"I promise to be with you forever."
"Me, too."
And again, we kissed. A kiss that seals our promises for each other.
~~~
Kagigising ko lang. Si Jiro, umalis e. May bibilhin daw siya sa supermarket. Ang boring tuloy.
Hayy... masundan na nga lang siya.
Kinuha ko ang phone ko sa at tsaka ang sling bag ko. Baka kasi mamaya pagkaguluhan siya ng fangirls niya e.
Lumakad ako papuntang supermarket.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Hayy.. Wala naman akong natatanaw na malapit na supermarket ah?
Lakad ulit.
Hala! Nasaan na ba ako?
Napahinto ako sa gitna ng kalasada dahil biglang kumirot ang paa ko.
Lalakad na sana uli ako ng...
Boogsh...
Wala na akong ibang narinig kundi ang hiyawan ng mga tao.
Naramdaman ko na lang na may mga kamay na bumubuhat sa akin.
"Jiro..." Mahinang usal ko.
Blank.
Jiro's POV
KANINA pa ako hindi mapakali dito sa rest house. Damn!
Kanina pa wala si Melissa! Saan na kaya yun nagpunta?
"Pare. Nakita mo na ang kababata mo?" Tatawa tawang tanong ni Kristian.
"Oo. What's funny?" Masungit kong tanong.
"Wala. Haha."
Naiyukom ko na ang mga palad ko sa sobrang pag-aalala. Nasaan na kaya si Melissa?
I heaved a sigh.
Alam ko magiging okay ang lahat. Mamaya lang nandyan na siya.
Sinubukan kong ipalagay ang sarili ko. I sat on the couch.
Kaya lang bakit ganito pa rin?
Ilang beses na akong tumawag sa kanya bakit wala pa ring sumasagot? Okay lang kaya siya? Sino bang kasama niya?
Nanggigilid na ang luha ko. Bakit ba kung kelang nagkita na ukit kami nawala na naman siya.
Ganito na lang ba palagi? Maghihintay para sa wala.
Tsk. The long wait is over! Kailangan ko siyang hanapin.
For the last time, bago ko siya hanapin tatawagan ko muna siya.
Luckily! Sinagot niya.
"Hello. Melissa nasaan ka ba? Kanina pa ako nag-aalala para sayo.
Walang sumasagot.
Pero ang tanging naririnig ko lang ay ang pag-wang wang ng truck ng ambulansya at ang hiyawan ng mga tao.
Doon na binundol ng kaba ang dibdib ko.
Nasaan ba si Melissa? Ayos lang ba talaga siya?
Damn!
Bigla na lang tumulo ang luha ko. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko para punasan iyon. Dire-diretso lang siya sa pagtulo.
BINABASA MO ANG
Remembering His Name
Teen FictionIsang taon na rin ang lumipas, nang mawala ang kasintahan ni Jiro. Wala siyang ideya kung ano ba ang naganap, kung may nasabi ba siya rito, dahilan para siya iwan nito. Wala kasi talaga siyang malamang dahilan para iwan ng nobya. Isang araw, may bab...