Chapter Three- Coincidence

8 0 0
                                    

Jiro's POV

Pagmulat ng mata ko... O!

Malapit na pala kami sa may  condo ko.


"Hmmmm..." Nag-inat ako para magising lalo ang aking diwa. O ha? Tagalog yun ah! Walang Ingles.

"Oh. So good to see you awake. Looks so cute." Sabay pinch sa ilong ko.


"I know right." Proud na sabi ko.

"Kaya nga bagay tayo e. We're both cute." Maartrng sabi ni Elle.



"Tao tayo." Pamimilosopo ko sa kanya.



Actually, ayoko magkaroon ng girlfriend ngayon. Kahit sino ayoko.

Nagpromise kasi ako sa first love ko, which is my childhood best friend, na hihintayin ko siya at siya lang ang mamahalin ko. Up to now kasi, siya pa rin ang laman ng puso ko bukod sa mga nerves at parts ng heart ko.

I will keep my promise to her no matter what happens.

Sa katunayan, naghire ako ng mga private investigators para malaman kung nasaan na siya. Ang hirap kaya ng kalagayan ko.


Nakarating na kami sa may condominium building kung nasaan ang condo unit ko. Bumaba na ako at tsaka nagdire-diretso.


Pasakay na ako ng elevator ng mapansin kong...


Damn it!


Naiwan ko yung bag ko kila Melissa. Pati kotse ko nandun pa at naka-park. Bakit ko nga ba kasi nakalimutan yun?!



Hayy nako! Babalikan ko na nga nalang yun bukas.


Sumakay na ako ng elevator.. Pero nagulat ako ng...


"Hep! Wait manong!" Teka ako daw? Manong?

Nakasakay na yung babae sa elevator, teka ano nga bang ginagawa niya dito? E sa pagkakaalam ko ang may unit lang sa taas ay ako tsaka yung lalaking feeling pogi palagi e mukha lang namang ingrown.

"Hayy susme!"

Nilingon ko yung babae at laking gulat ko dahil...

O____________O

"Melissa?"

"Oh? Jirooooo!?" Gulat ding tanong niya.

"What a coincidence!? Ako ba pupuntahan mo?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Assumero! Hindi kaya! Kay Art ako pupunta!" Sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

"Huh? Art who?" Naguguluhang tanong ko? Sino naman kaya yung Art na yun?


"Yung nakatira diyan. Sa may unit diyan." Sabi niya.


"Uhhh...."

Baka yung tinutukoy niya e yung shokoy na mukhang ingrown.

"Kaano ano mo siya?" Tanong ko.


"TSS! Yung bwisit na yun? Pinsan ko lang naman na masyadong magmayabang. Hayun! Pinalayas sa amin."

Ahahahahaha! Grabehan! Pinsan niya ba talaga yun? Maka-ano eh.

"Pinalayas talaga?"

"Joke lang. Hahaha."

Kala ko tuloy boyfriend niya.

"Okay. Hahaha. Anyways, sorry nga pala sa inasal ni Elle nun ha?"

Remembering His NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon