Chapter 26

17 0 0
                                    

CASSIE'S POV

Hindi ko gusto yung nakikita ko..Hindi ko gusto yung eksenang magkasama sila at ako andito sa malayo nakatingin...

Ayoko ng ganito, ayokong maulit yung dating meron kaming tatlo...Yung ako yung nasa malayo,..ako yung lihim na nagmamahal ..ako ang humihingi ng pagkakataon para mapansin at makasama ko siya...

Ayoko ng sila ang masaya, ayoko ng sila ang magsakasama, ayoko na sila....at kami wala...

Selfish..

Unfair...

Anong magagawa ko?

Nagmahal lang naman ako,,Hindi ko naman pinili pero kusa kong naramdaman. Hindi ko naman ginusto pero inadya ata ng tadhana...

Pero hanggang kelan ba?

Hanggang kelan magtatagal ?


Baka kasi magising na lang ako, wala na pala lahat...
Pero magiinarte pa ba ko?
Na kahit saglit, naranasan ko na makasama siya...
Na kahit saglit naging akin siya;...
Na kahit saglit naramdaman kong ako ang mahal niya..


Na kahit alam kong kunwari lang ang lahat!!!!..


Hindi ko kaya na masdan lang sila kaya niyaya ko si Keith...

"Shall we dance"? yaya ko sa kanya...

Ngumiti siya at pumayag pero hindi ko inaasahan ang tanong niya...

"yung kanina, part parin ba yun ng plano o totoo na?"


Hindi agad ako nakapagsalita, oo nga ano ba yung kanina? Pagkukunwari o totoo na?
Pero sino ba ko para ,magtanong? Plano ko to diba?. Kagagawan ko to kaya dapat nga siguro wag akong maniwala..


"oo part yun ng plano namin, effective ba?',pagsisinungaling ko kay Keith kahit diko alam ang totoo..
"kung hindi ko nga alam yung sa inyo ni Ken, maiisip ko parang kayo talaga pero buti nalang alam kong planado lang ang lahat.."..

Ngumiti lang ako...
"Cassie, kahit kailan ba hindi ka naapektuhan kay Ken?",


Hindi ko alam bakit ang daming tanong ni Keith pero wala akong choice kung hindi sagutin.
"Ha paanong napektuhan?', pagkukunwari ko na hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya..
"naapektuhan, hindi ka man lang ba nagkagusto sa kanya? Si Ken yun at kapatid ko yun, alam mo naman habulin kami, gwapo kami at talaga namang walang hindi nahuhulog samin?",


Bigla akong natawa kay Keith. Tama naman siya eh ang mali lang hindi niya alam na simula palang hulog na hulog na ko kay KEn. Simula palang gustong gusto ko siya,..Simula palang siya na ang pangarap ko pero pwede ko bang sabihin na gusto ko si Ken.. Na ayokong matigil ang pagkukunwari na ayokong magtapos kung anong meron kami...

"Minsan, muntik na, pero HINDI..Alam ko kasi una palang kung anong meron kami..Alam ko kasing hindi siya sakin.".

"Mabuti naman kasi ayoko kitang masaktan. Ayokong umasa ka dahil alam kong si Kim ang mahal niya. Ayokong maniwala na ka sa lahat ng kasinungalingang ipinapakita niyo.".

Totoo ang sinabi ni Keith pero may magagawa ba ko?
Kung yung puso ko ang ayaw bumitaw...


"Paano kung ako na lang?Magkakagusto ka ba sakin?" hindi agad ako nakapagsalita..Hindi ko alam kung siryoso ba siya o pinapasakay niya lang ako.

Bigla akong napaisip,
Paano nga kung si Keith nalang?
Kung si Keith nalang kesa kay Ken?
Mas magiging madali kaya na mahalin siya kaysa kay Ken?
Mas magiging masaya ba ko sa piling niya kaysa kay Ken?



"Keith, manhid lang ang hindi magkakagusto sayo..Perfect prince charming ka nga eh, yun nga lang malabong magkagusto ka sakin, ".

"eh paano kung gusto na kita", nabigla ako sa naging sagot ni Keith. Hindi agad ako nakapagsalita "papayagan mo ba kong ligawan ka",..dagdag pa niya at unti unti niyang nilapit ang mukha niya sakin..

Hindi ko alam kung siryoso ba siya o nagbibiro siya. Pero ang tanong hahalikan nga ba niya ko o hindi? Pumikit lang ako dahil hindi ko alam ang gagawin...

"Cassie",

Nagulat ako ng tawagin ako ni Ken..
"Tol pwede ko bang mahiram yung gf ko",
Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Ken. Kaharap ko si Ken at si Keith .Hindi ko alam kung bakit ako anndito sa sitwasyong to. Bakit ako pinakakaba ng magkakambal na to. Bakit ba?





Hinila ako ni Ken Papunta sa kanya.
"Bakit nagsasayaw pa kami ni Keith"..
"nagseselos ako",

Napangiti ako sa narinig ko..
"Teka tama ba yung narinig ko? Nagseselos si Ken? sa kapatid niya?"
"wala akong sinabing ganyan"..
"wala pala eh di sige diyan ka na"..pagkukuwari ko..
"Oo nagseselos ako!Nagseselos ako. Hindi ko alam kung bakit pero nagseselos ako.",


Lumapit ako sa kanya, hinawakan ko ang mukha niya at tinggal ko yung maskara niya.
"sana lagi ka nalang nagseselos, kasi ang sarap sa pakiramdam, lalo ka kasing pumopogi sa panigin ko ",
Ngumiti siya bago magsalita " Gustong gusto mo naman?"
"oo naman feeling ko kasing ang ganda ganda ko, feeling ko ang haba ng hair ko,", pagbibiro ko sa kanya..

Tinaggal niya din yung maskara ko at tumingin sakin...
"ang kulet mo, oo na nagseselos ako..Halika may pupuntahan tayo "..

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero kung saan man wala akong pakielam kasi kasama ko siya...Pumunta kami sa garden na hindi ko alam kung saan...

"Anong drama to Ken?", tanong ko sa kanya dahil dinala niya ko sa madilim na lugar,,

"Masama bang isurprise ko yung gf ko?",

"Kunwaring gf..",pagbibiro ko...
"Bakit gf padin yun..".

Humarap ako sa kanya..."Ikaw, hindi mo na kailangan ng mga ganito, baka masanay ako..sabi ko nga baka hanap hanapin kita..,Sige ka hindi na kita ibibigay kay Kim".

Ngumiti siya,,Nakakainis lang dahil hindi ko alam kung anong iniisip niya sa mga ngiting yon...Bakit ba palagi nalang siya ganon..Pa yummy..Bwiset...Oo na gwapo kana...Matangkad ka na...Hunk ka na..,Ikaw na campush crush ...kaya nga dead na dead tong puso ko sayo..,

"Turn around".
"Ayoko"..
"Dali na..Ang dami sinasabi",

Pagtalikod ko,  ang dami ng ilaw..Yung madilim kanina , ang dami ng ilaw...Pero agaw atensyon sakin yung Mga petals ng red roses na nakashapes na heart tapos my nakalagay na sorry.,,Meron din bouquet of flowers &  life sized na teddy bear....

"Nakakainis ka...Pafall ka..".yun nalang nasabi ko...

Ngumit siya bago nagsalita "Nasa dugo ko na ata yun kaya wala na kong magagawa.."
"Yun lang biglang humangin "

Kinuha niya yung teddyebar at binigay sakin...,
"Ang sweet mo ata ngayon ha, "
"Ang dami mo laging sinasabi, kinikilig ka lang",pagbibiro niya sakin...
"Excuse me,,,konti lang"..

Sabay kami nagtawanan...Hindi ko alam kung bakit anong merong sa gabing to bakit ang saya..,Bakit parang kami...Bakit parang love niya talaga ko ..Bakit parang totoo???

"Ikaw ha, na fall ka na sakin no?",pagbibiro ko pero umaasa ako sa sagot na gusto ko...
"

Please, Be Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon