Chapter 35

2 0 0
                                    

KEN'S POV

Hindi ako tumigil hanggang hindi ko makita kung saan nakatira yung James na yun, dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa kanya. Sabi nila, James wants sex ,nothing more ,nothing less.

Dingdong.,,dingdong..dingdong,,,

Hindi ako tumigil hanggang hindi nagbubukas ang pinto..
"Cassie". Yun lamg ang nasabi ko ng makita ko siya.Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko,Hinanap ko si James pero hindi ko siya nakita,Hinawakan ko ang kamay niya pero tinabig niya ko,Tinignan niya lang ako pero wala siyang sinabi.Yayakapin ko sana siya pero tumanggi siya,

"Ayaw ka niyang makita". Isang boses ang narinig ko.Hindi ko na namalayan na nasa likod ko na pala siya,Tinignan ko lang siya at muling humarap kay Cassie.."Cassie iuuwi na kita ". Muli kong hinawakan ang kamay niya.

"Ayoko " maikling sagot niya,,Pero hindi ko siya tinigilan hanngang magkainitan na kami ni James,,,

"Cassie" ..

"Aaaah," Bigla kong naalala na nasaktan nga pala siya kanina,

"Baka hindi mo alam hirap siya maglakad nang dahil sayo"

Hindi agad ako nakapagsalita, tama naman siya ako ang dahilan kung bakit nasasaktan siya o nahihirapan, kung bakit hindi siya tinitigilan ni Kim,Pero wala akong nagawa para protektahan siya,Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Sa huli sumama padin sakin si Cassie pero hindi niya ko kinakausap hanggang makarating kami sa bahay nila.

"Kaya ko", tabig niya sakin nang hawakan ko siya at alalayan pagpasok mg gate .
"Cassie". Kita kong nahihirpaan siya maglakad pero hindi padin niya ko pinapayagang tulungan siya,,
"Aaaahh!".
"Cassie"..hindi ko na napigilan na alalayan siya,,
"Kaya ko"
"Hindi mo kaya".

Tumigil siya nang makapasok siya sa pinto...
"Umalis ka na". Sabay sara ng pinto pero napigilan ko,,
"Dito na ko matutulog ,babantayan kita"
"Umalis ka na baka hinahanap ka na ni Kim,Kaya ko dont worry..I dont need you". Matamlay na sabi niya,Nasaktan ako sa simpleng salitang binitawan niya pero alam kong wala yon sa mga sakit na naramdaman niya,,

"Cassie". Tinignan ko siya habang pinipigilan ang pinto bago pa ito magsara,
"Bahala ka". Iniwan niya ko sa pinto at lumakad pa punta sa kwarto niya,Hinabol ko siya para maalalayan siyang umakyat ng hagdan,,,
"Kaya ko".  Inis na sabi niya pero bigla siyang nanlambot.,buti nalang naalalayan ko siya,,Tinignan niya lang ako at muling naglakad,,,Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon pero anong magagawa ko?,
"Umalis kana Ken magpapahinga na ko?"pagpapaalis niya sakin,,
"Cassie kauspain mo ko, im sorry."
"Ken please"

Kaysa makipagtalo ako sa kanya niyakap ko siya,,,Niyakap kos iya nang mahigpit.Hindi ko alam kung bakit pero kumalas siya...
"Im okay .,,so now you can go"
"Cassie hindi ka okay"..
"Im okay, kung inaalala mong nasaktan ako dahil mas pinili mo si Kim,,You're wrong! Yung sakit na nararamdaman ko hindi dito sa puso , sa paa .So please! Leave me Alone. Dont worry, I know my place!.
"Cassie, once for all magpakatotoo ka sa nararamdaman mo". Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko, hindi ko alam kung meron ba kong gustong malaman mula sa kanya at gustong marinig na sabihin niya... "Please"..
"Gusto mong malaman yung totoo?,Fine,!Ken ang sakit sakit ,ang sakit..,". Nakita kong unti unting tumutulo yung mga luha niya,,,"alam mo Ken , yung sprain, sugat,gasgas at mga pasa ko, wala lang naman yun,kayang kaya kong tiisin yun pero yung ginawa mo?yung sa pangalawang pagkakataon Ken, pinakita at pinaramdam mo sakin na wala akong halaga sayo,Hindi ko sinasbai na ako ang piliin mo kesa kay Kim kasi alam ko naman kung anong meron tayo, malinaw sakin yun at alam kong kahit anong gawin ko, hindi ko mapapaltan si Kim sa puso mo,,,yung sakin lang Ken mako yung nasaktan, ako yung sinaktan ng magaling mong ex pero sinong inalalala mo?sinong tinulungan mo?sinong sinamahan mo ?Siya!!.Lahat ng tao sa campus pinaguusapan tayo, pinaguusapan nila kung paano mo pinagpalit ang girlfriend mo, este yung nagpapanggap na girlfriend mo sa ex mo, sa tuwing dumadaan ako, ang dami nilang pinagsasabi, ang dami nilang komento pero nasan ka para ipagtanggol ako, wala kasi si Kim padin.Alam kong si Kim ang mahal mo, pero pano naman ako Ken?".

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, hindi ko alam na ganito na pala yung sakit na naibibigay ko kay Cassie.

"Cassie.im sorry", niyakap ko siya pero kumalas ulit siya,
"Hindi mo kailangan magsorry dahil ako yung lumapit sayo, ako ang lahat ng nakaisip ng to, akala ko lang kasi mahalaga na ko sayo kahit konti lang. Nakalimutan mo na ata na dapat iparamdam mo sa kanya na wala na siyang halaga sayo, hindi yung  ipamukha mo sa kanya na patay na patay ka padin sa kanya.Wag na lang muna tayo magkita o magusap, baka kasi kapag nakita ni Kim na okay ulit tayo, hindi ko na mapigilan ang sarili ko at mapatulan siya,Dont worry .2 weeks nalang diba?Final exam na.,Makukuha mo na yung pinanghirapan mo.,Yung notes,,,reviewer...ibibigay ko pero now wag na muna tayo magkita at magusap,,Ang sakit .,sakit na kasi Ken dumagdag pa yang ipaktang ex girlfriend. "
Matapos niyang magsalita, itinulak niya ko at sinara yung pinto ng kwarto niya...

"Grrrr.." Nasuntok ko yung pader sa inis ko.,Anong nagawa ko, talaga bang hinayaan ko lang na saktan ni Kim si Cassie. Alam kong minsan nang nagawa yun ni Kim sa isang taong pinagselosan niya pero bakit pinaniwalaan ko padin siya? Umalis na ko at iniwan si Cassie.

"Ken".tawag sakin ni Carlo habang umiinom ako.Dito ako sa bar dumiretso dahil hindi ko alam ang gagawin ko,
"Shot?".sabi ko sa kanya..
"Anong problema nang gwapo kong pinsan at nagpapakalunod sa alak?"
"Carlo, hindi ko na alam ang gagawin?"
"Babae?".tanong niya at tumango ako ,."Si Kim?akala ko ba may bago ka nang gf bakit si Kim pa din?"

Sinabi ko ang lahat sa kanya pati si Cassie, lahat ng plano at pagpapanggap namin pati nararamdaman ko,,
"Naguguluhan ka kung sino ba tlaga?mahal mo si Kim at mahalga sin sayo si Cassie?"
"Oo..noong una naman alam ko kung sino ang mahal ko pero bakit kahit anong pangtanggi ko, iba na yung nararamdmaan ko kay Cassie?"
"Ken,ang tanong dito, gusto mo  bang ituloy yung plano nyo at makuha si Kim o gusto mo nang itigil lahat ng pagpapanggap nyo ni Cassie at gawin na tong makatotohanan?"
"Hindi ko alam Carlo, lalo na alam kong mahal parin ako ni Kim at unti unti nang nagugustuhan ni Keith si Cassie at meron pang isang lalake na dumidikit kay Cassie,"
"Ken, kailangan mong mamili kesa naman silang dalawa ang mawala sayo, alam kong alam mo na may nakalalamang at may higit na hinahanap ung puso mo, hindi ako magaling sa mga ganitong bagay pero kung si Kim ang gusto mo, get her.Pero kung si Cassie na, tell her para hindi siya nahihirpan".

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin,,hindi ko alam bakit naguguluhan ako.,hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganito, kung bakit may nararamdaman ako kay Cassie,,Mahal ko si Kim pero ayokong may ibang lumalapit kay Cassie.,Gusto ko akin alng siya pero hindi ko siya maprotektahan laban sa taong mahal ko...

Hindi ko alam kung bakit dito ako dumiretso kina Cassie,,,

Dingdong.,,dingdong..dingdong..,

CASSIE'S POV

Dingdong..dingdong...dingdong,,,

Nagising ako sa walang tigil na doorbell , tinignan ko yung orasan 3am? Sino ang matinong taong bibisita ng 3am.Kahit nahihirapan ako bumaba,pinilit ko,

"Ken". nakita ko si Ken sa harapan ko, lasing!
"Cassie" hinawakan niya yung kamay ko at niyakap niya ko,,
"You're drunk..." hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko , natigilan ako dahil halos bumagsak si Ken sa sahig.Inilaalyan ko siya hanggang makapunta kami sa salas at inihiga ko sa sofa...

"Ano bang problema mo Ken!".
"Cassie im sorry..Alam kong wala tayong relasyon pero ayokong makita kang may kasama kang iba .Ayoko!'.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa narinig ko.Eto na naman ba tayo Ken, bakit ba sa tuwing bibitaw ako, bibigyan mo ko ng rason para kumapit pa at umasang pwede tayo,.Hinawakan niya yung kamay ko...Umupo siya at humarap siya sakin.Unti unti siyang lumapit sakin at ang kaya ko lang gawin ay kagatin ang labi ko.Hinawakan nya yung mukha ko at hinalikan niya ko..He's definitely a good kisser..Ayoko sanang matapos kung anong meron kami pero ako na ang humiwalay..

"You're drunk..matulog kana ,ipapasundo kita kay Keith!", Inantay ko lang sunduin ni Keith si Ken at tumaas na ulit ako, Eto na naman ako naguguluhan, nasasaktan pero umaasa na naman, Cassie walang kayo ni Ken, pagkukunwari lahat at pagnakapasok siya sa top list iiwan ka niya at sasama kay Kim .Yan ang isaksak mo sa isip at puso mo..Hindi kayo at hindi pwedeng maging kayo..

Please, Be Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon